034

259 13 7
                                    

[034]

Peter’s POV

Makikita ko na rin si Nutella. After seven years, ano na kayang nagbago sa kanya? I’ve heard, marami na. isang linggo pa nga lang ang lumilipas matapos ang ball noon, nagbago na siya, ano pa kaya sa pitong taon?

I just wonder why galit na galit siya sa akin gayong wala naman akong matandaang may ginawa akong masama sa kanya. I just thought she needed space kaya ako nagpuntang states at dun nagpatuloy sa pag-aaral.

But I think I gave her too much space at pipilitin ko yung burain ngayon.

Especially now that something happened between us.

“Saan mo gustong pumunta?” tanong ko sa kanya habang pinagbubuksan ng pinto ng kotse ko. Malamig pa rin ang pakikitungo niya sa akin at talagang hindi makuha ng utak ko kung bakit siya ganun.

“Impyerno. Pero no need na, basta nasa paligid ka, pakiramdam ko nasa purgatory na ako, thank you.”

Napangiti ako.

Parang nagkabaliktad lang kami ng ugali.

Noon, ako ang masungit, ngayon ay siya naman.

Noon, siya ang paliging masaya at makulit, ngayon, ako naman.

Naupo ako sa drivers seat.

“I’m not sorry for what happened between us,” pag-o-open ko pagkaupo ko.

Di siya nakatingin sa akin, “lasing ako noon at hindi ko alam kung may nangyari ba o wala.”

Tumaas ang isang kilay ko. “Gusto mo bang subukan uli para mapatunayan?”

Bigla siyang tumingin sa akin na nakabuka ang mga labi na parang nagulat, “gago! Jerk!”

Nagkibit balikat ako, “maybe I am. Pero, Nut,” ngumisi ako, “nasa sa iyo ang katibayan.”

“W-what proof?” biglang lumikot ang mga mata niya.

“Yung bedsheet ko sa kwarto, kinuha mo,” swabe pa ang boses ko pagkasabi niyon.

Natameme siya. Tumingin sa labas ng bintana.

“Pero wag kang mag-alala, pakasalan mo lang ako, bayad ka na.”

Napatingin na naman siya sa akin. Same shock expression.

“Sana matamaan ng kidlat ang mga taong manloloko at sana may lumipad na elepante at upuan ka sa ulo!”

Natawa naman ako, “imposibleng mangyari yan.”

“Kasi walang ulan at hindi lumilipad ang elepante?”

“Hindi. Dahil hindi ako manloloko.”

“Huh!”

Pinaandar ko na ang kotse, bahala na kung saan kami mapunta.

Basta ang akin lang, nasa tabi ko siya ngayon.

Maaari ko ng iparamdam sa kanya ang hindi ko naiparamdam noon.

Ops... yun kaya ang kinagagalit niya?

Dahil hindi ko ansabi sa kanya noon?

Hmm... baka nga...

Pero hindi pa naman siguro huli para umamin, di ba?

Tumingin uli ako sa tabi ko.

Pakiramdam ko, hangin lang ako, hangin na nagda-drive kasi hindi man lang niya ako tapunan ng tingin at parang hindi pa siya aware sa presence ko.

Hay, Nutella, what’s into you?

***

Author: Paano ko ba to tapusin? Naloka kasi ako. Yung Give Me a Reason to Live ko, 29 chapters lang siya, akala ko nga ang haba haba na nun kaya walang nagbabasa... pero naloka ako sa ibang kwentong nakita ko... 100+ chapters?! Yung nanlaki ang mga mata ko with twisted lips ---> (OxO) Posible pala yun?! Pero kahit ganunpaman, natatakot ako kasi ayokong pumarehas ang mga stories ko sa mga yun. Kaya nga inihahabol ko na tong story ko na to na matapos agad. Uwaah!

Peter's Angel: Nutella Natasha's TravelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon