[032]
Natasha’s POV
“Kuya, dumaan lang talaga ako para iwan tong cake na binili ko para kay Daddy, aalis na din ako kasi kailangan daw ni Claire ng tulong, ba-bye na,” humalik pa ako sa pisngi ni kuya Jimmy.
Hinawakan niya ang braso ko, “tinextsan ko si Claire, okay daw ang shop.”
“Eh si Roda, titignan pa namin ang pinapatayong salon, alam mo namang kami ang may business nun.”
“Natasha, next week pa kayo magkakapirmahan ng papeles, di ba?” ipit ni Daddy habang sa cake nakatingin.
Isip, NatAsha! “Si---“
“Wag mong idahilan si Mhea, nasa bahay siya nina Rico, kasama si Jason,” pigil ni kuya Jono.
Sh*t nga. Wala akong kawala.
“Ang mabuti pa, kunin mo na yang cake at lilipat na tayo,” sabi ni Daddy at binigay sa akin ang kahon ng cake.
No!!!
“Hindi, aalis na talaga ako.”
Pagkatapos kong ilapag ang cake sa mesa ay naglakad na ko palabas g pinto. Tinatawag nila ang pangalan ko pero kunwari wala akong naririnig. Ayokong lumingon. Ayokong pumunta kina Peter---
“Hi, Nutella!”
Nagulat ako nung buksan ko ang gate.
“Bakit ka umalis agad sa bar---“
“You, sh*t! Don’t you dare talk about that!” dinuro ko pa si Peter.
Nagkibit-balikat siya. “I need to. You know, kapakanan mo din ang--- Hi, tito Ran! Hi, Jim! Hi, Jono!” mula sa likuran ko ay may kinawayan siya.
“Oh, yan, nagkita na rin naman pala kayo ah,” parang masaya pa si Daddy.
Geez!
“Yes. Magsasabay na nga po kami ni Nutella na pumunta sa bahay, tara na, Nut?” at hinawakan niya ako sa siko. “Ngumiti ka. Alam na ba nila?” bulong niya sa akin.
Sh*t!
Sh*t!
Sh*T!
“You shut up,” mariing sabi ko. Ano yun, parang wala lang? Parang walang nangyari sa amin?! Pakiramdam ko umiikot ang sikmura ko. Parang nililipad ang utak ko.
Narinig ko ang mahinang pagtawa niya. “Hindi pa pala nila alam. Eh kung sabihin na natin? I’m ready to call Tito Ran ‘Daddy.’ Hmm, sounds good.”
Siniko ko siya sa tagiliran at binawi ang kamay kong hawak niya.
Hampaslupa ka, Peter. Pagkatapos mo akong paasahin, ngayon ay bumabalik ka at parang pinagtatawanan lang ang lahat!
“Wala akong pakialam. Wala lang sa akin ang lahat.”
“Ah, wala pala? Kaya pala ako ang unang lalake sa iyo.”
Pumasok kami sa gate nila.
Tumigil ako sa paglalakad at tumigil din siya.
“Ahy siya, mag-usap muna kayo at kami’y papasok na, mag-uusap pa kami ni Rico,” ani Daddy. Sila pa rin ang namamahala sa MH na kalaunan ay nagkaroon na rin ng elementary level.
Hinatid ko ng tingin sina daddy at ang mga kuya ko bago tumingin kay Peter.
“Tulog ka ba noong GMRC class niyo o baka naman nag-cutting ka noon?” pinanlisikan ko siya ng mga mata.
“Nah,” nagkibit-balikat siya, “nagka-classmate tayo di ba? Hindi ako natutulog sa klase at hindi rin nag-ka-cutting.”
“Dammit, Peter, get lost!”
“What’s the problem, Nut?”
Lalong nag-init ang ulo ko.
Gusto kong sumigaw pero kailangan kong hinaan lang ang boses ko kundi magtataka silang lahat kung bakit ko binubulyawan si Peter. Akala pa man din nila ay kami ni Peter at nagkarun lang ng kunting hindi pagkakaunawaan.
“I won’t state the obvious,” mahinahon pa rin ako kahit na gusto ko na talagang magpapadyak sa sobrang inis.
“What obvious?”
“I hate you.”
“Why?”
“I just hate you for who you are.”
“Huh?”
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa tapos pataas.
Humalukipkip ako bago pumasok sa loob ng bahay nila. Bahala siya kung di niya ako maintindihan. Basta wala akong pakialam sa kanya. Pusanggala naman kasi, sa dinami-rami ng lalake noon sa bar, siya pa!
“Natasha!”
Sabay pa sina Mhea at Jason sa pagtawag sa akin.
Tong dalawa naman na to, di ko alam kung sila na ba o hindi. Di ko naman kasi natatanong si Mhea kung ano ang score sa kanila ni Jason.
Lumapit ako sa kanila.
“Yang noo mo, girl, kunot na kunot,” paalala sa akin ni Mhea.
Inayos ko naman ang noo ko. Baka kung ano pa ang sabihin nila sa akin.
“Long time no see, Natasha, but you’re still beautiful as ever,” puri ni Jason.
Ow-kay, hindi pa nga sila ni Mhea kasi nakuha pa niya akong purihin.
“Thank you,” simpleng sagot ko.
Mula nang magpunta si Jason sa States ay wala na kaming komunikasyon pa, ngayon na nga lang ulit kami nagkita. Buti nga at nakita ko siya at hindi purog kamalasan ang nararanasan ko ngayon.
Ugh. Gusto kong umalis doon. Ayokong makita pa si Peter ng matagal. Nakakainis ang hilatsa ng pagmumukha niya.
***
Author: La, la, la.
BINABASA MO ANG
Peter's Angel: Nutella Natasha's Travel
Novela Juvenil☛ℕℴ ℑℴ ℊℛaℳℳaℛ ℕaℨi☚ Story of Petriatico Macabangbang the Fourth and Nutella Natasha Cademias. EijeiMeyou®