040

293 14 4
                                    

[040]

Peter’s POV

Bakit ba lagi niya akong pinapalayas gayong ako na nga itong gumagawa ng effort para mapalapit sa kanya? Psh. I’m dead serious nung sabihin kong pananagutan ko siya. For God’s sake! I’m the first man in her life at nasisiguro kong ako pa lang!

“Bret,” tawag ko sa bartender ng bar na pagmamay-ari ko. Mukha lang siyang menor de edad pero edad beinte tres na siya. “Isa nga, alam mo na,” sabi ko.

“Naku, Bossing, problema ano? Matagal ka nang di nagpapagawa sa akin ng ganyan eh,” sabi niya habng naghahalo. “Yun bang babaeng amasona, bossing?”

“Hindi siya amasona.”

“Hindi nga, wrestler lang,” humagikgik pa siya. Sinalya kasi siya ni Nutella sa pader noon kaya tinatawag niyang AMASONA at WRESTLER si Nutella.

“Thank you,” sabi ko nang makuha ko yung inumin. “Seryoso ba ang mga babae kapag sinabi nilang gusto ka na nilang mamatay?”

“Bat mo naman natanong mo yan?” nakakunot noong tanong niya sa akin, may sine-serve’an siyang iba, “pero ayun sa misis ko, bossing, ha, medyo oo. Kasi ako nga, sinasabihan akong mamatay na tapos binabato ako ng kung anu-ano, desidido nga ata.”

“Puro ka kalokohan, Bret.”

“Pero bossing, bakit nga ba?”

“Nutella wants me dead. Hindi lang miminsanang sinabi niya...” natahimik ako. “Nung tinanong ko kung bakit, sinabi niyang magpakamatay daw ako at magtanong sa langit kung bakit siya galit sa akin. Possible kayang malaman ko?”

“Hmm, sa mga napapanood naman sa TV, nalalaman na lang ng tao ang mga hindi niya alam kapag patay na siya eh. Hmm, oo. Malamang.”

Napatangu-tango ako. “Isa pa nga.”

Inom lang ako ng inom habang nag-iisip.

Bakit nga bag alit sa akin si Nutella pagkatapos ng pitong taon?

“Alish na hako,” paalam ko kay Bret. Malabo na ang paningin ko.

“Di ka tutuloy sa itaas?”

“Hinde. Magpapakamatay muna hako, bahala ka muna dito *hiks*.”

“Hoy---“ hindi na niya ako napigilan kasi amraming tao.

Malabo na talaga ang paningin ko at di ko na rin alam kung paano ako nakarating sa kotse ko. Pakapa ko na ring pinasok ang susi at inandar ang sasakyan.

“Boss,” kinatok ng bouncer ng bar ang kotse ko.

Tinaas ko lang ang kamay ko tapos pinaharurot na ang kotse ko. Pipigilan lang niya ako eh.

Nasa highway na ako.

Napahikab ako at napapikit.

Pakiramdam ko ay lumulutang na lang ako sa hangin.

“Malalaman ko rin *hiks* kung baket ka galet, Nutella *hiks*”

*peep!!!*

***

Author: Yups. Sa susunod ay ewan na. Hahaha XD

Peter's Angel: Nutella Natasha's TravelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon