029

279 11 3
                                    

[ML29]

Natasha’s POV

“New day, new character,” sabi ko sa salamin. Magmula ngayon, hinding-hindi na ako lalabas ng verandah. Nakasara na lagi ang pinto niyon maging ang kurtina. Tinago ko na rin ang picture ni Peterna ninakaw ko noon sa kwarto niya, pinalitan ko na rin ng cellphone na gamit ko.

Nag-iba ako ng way ng pagdadamit, I need to act like a lady ‘cause I am one. Since that happening a week ago, nagbago na ako. hindi na ako si ‘Natasha’ na nagpapakatanga.

“Hindi na ako kailangang i-baby sit, I could take care of my self.”

Pinalitan ko na rin ang code ko, masyadong pambata, ginawa kong pangalan ko na lang ang passcode. Mas maganda yun.

“Natasha? Ihahatid ka ba namin?” kumatok si kuya Jimmy sa pintuan ko.

“Yes, please, I’m ready,” maging ang pagsasalita ko ay pinalitan ko rin.

I walk with my chin’s up.

Binuksan ko ang pinto, “let’s go.” Nauna na akong naglakad.

Naninibago sina daddy sa akin kasi hindi na ako si Natasha na tatawa-tawa everytime na magkita-kita sila, yung Natasha na magaling mag-joke, yung Natasha na nagbibiro lagi... wala na siya.

“Susunduin ka ba namin?” sabi na naman ni kuya Jimmy.

“I’ll text you na lang, kuya, bye,” nag-kiss ako sa cheeks niya gaya ng dating nakagawian pero ngayon, yung tahimik na.

“Hello, girl, what’s with the dress?” nakangiting salubong ni Roda sa akin.

“Don’t ask what’s with the dress, ask what’s with me, lets go,” at ako na ang nangunang maglakad papunta sa classroom namin.

Kung dati-rati, ako ang gumigilid para sa ibang tao, nagyon ay sila na ang umiiwas kasi kung sino man ang bumangga sa akin, sisiguraduhin kong makakatikim sila ng salita na hinding-hindi nila makakalimutan ang lasa.

Pagdating sa room ay antahimik silang lahat at all eyes sa amin nina Roda at Mhea.

Si peter lang ang hidni tumitingin. Wala akong pakialam, ang gusto ko lang, mawala siya sa paningin ko. Nakakasawa din siya.

Nakita kong masaya siyang nakikipag-usap sa ibang babae.

Ayoko niyon. Gusto ko maapektuhan siya sa pagbabago ko.

“Girl, relax ka lang,” bulong sa akin ni Roda.

“Excuse me,” hingi ko ng paumanhin at lumabas ng kuwarto. Minsan talaga, hindi ko makontrol ang emosyon ko. Nagtungo ako sa rooftop at dun binuhos ang nararamdaman ko.

Tinakpan ko ang bibig ko kasi kung hindi, kakawala ang paghikbi ko.

“I told you.”

Awtomatikong napatingin ako sa pinto ng rooftop.

“Nandito ka ba para pagtawanan ako? Go, tawa na. Tawanan mo ang katangahan ko,” pangungutya ko kay Claire.

Thankful din naman ako kasi sa isang linggong nakalipas, ngayon na lang ulit lumapit si Claire sa akin.

“Gaga ka, kahit naman gusto kitang pagtawanan, hindi ko gagawin nuh. I understand your sentiments.”

Tumingin ako ng diretso sa kanya. Mukha naman siyang sincere.

“I don’t understand why you being so nice.”

“Siyempre, minsan din akong naging gaya mo nuh, come here nga, gaga ka, ang tanga mo kasi, sinabihan ka na nga noon, di ka pa rin nakinig, aisht,” pagkatapos niyon ay walang sabi-sabi niyakap niya ako.

Nakahanap na ako ng bagong kakampi.

***

Author: Yes yes yow! Masaya ako, hihihi.

Peter's Angel: Nutella Natasha's TravelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon