[037]
Natasha’s POV
“Anong nangyari sa yo?!”
Bigla akong nanghina. Sumabay pa sila, ang lakas-lakas ng boses nila, nakakabingi!
“Tayo ka nga, girl,” inalalayan ako ni Roda.
“Wait, I can walk---“
“I can walk ka diyan eh halos mapahiga ka na nga,” tinampal niya ang kamay ko at inalalayan akong maglakad papasok ng office ni Claire. Pinaupo nila ako sa sofa doon. “Yung totoo, girl, ano bang nangyayari sa yo?”
“Moody ka this past few days,” dagdag ni Mhea.
“Choosy ka din,” sabat naman ni Claire.
Pumikit ako.
Gosh.
Isa’t kalahating buwan na mula nang may mangyari sa amin ni Peter.
“Hoy, ano ba, wag mo naman kaming tulugan.”
“Kain ka muna oh---“
“Mhea, tanga ka? Yan nga ang dahilan kung bakit siya nahilo di ba tapos papakainin mo siya ngayon niyan?!” narinig kong nagtalo sina Claire at Mhea.
Nagmulat ako ng mata at isa-isa silang tinignan.
Naghihintay silang magsalita ako.
Sasabihin ko ba kung anong umiikot sa isipan ko ngayon?
Ugh!
Bahala na.
“I guess I’m pregnant.”
Nanahimik sandali at nagkatinginan sila.
“P-pregnant?” si Mhea ang unang nakahuma.
Tumango ako.
“Who’s the--- the father?” si Claire.
Nagtataka ako ngayon sa kanila, hindi nila ako sinisigawan o ano man diyan.
Umiling-iling ako.
“Sino nga ang ama?” hindi na rin nakatiis si Roda.
Naghihintay na naman sila ng isasagot ko.
Bahala na. Nasabi ko na na ‘baka’ buntis ako, bakit di pa sabihin ng diretsahan?!
“Peter.”
“Peter?!” repeat three times.
Claire- “Bakit?!”
Mhea- “Paano?!”
“Mhea, siyempre nag-sex sila, tatanungin pa kung paano eh!--- pero, Natasha, saan?!” yinugyog ako ni Roda sa balikat.
“Ewan. Hindi ko alam,” pumikit ako, “hindi pa naman sure... kaya wag kayong hysterical!” mas OA pa sila kesa sa akin eh.
“Sisiguraduhin natin. Mhea, bumili ka ng pregnancy kit.”
“Claire, bakit ako?! Roda, ikaw na!”
“Ahy bruha ka, bakit naman ako?! May matres ako?! At ano na lang ang iisipin nila sa akin nuh!”
Nagpasahan pa sila pero sa huli, si Roda rin ang kinabagsakan ng lahat.
“Aisht! Ako na nga! Ako na!” padabog na lumabas ng office si Roda.
***
Author: I was just thinking na i-delete yung Beyond my Wonderland ko... kaso ang sayang eh! Effort din yun. T^T
BINABASA MO ANG
Peter's Angel: Nutella Natasha's Travel
Teen Fiction☛ℕℴ ℑℴ ℊℛaℳℳaℛ ℕaℨi☚ Story of Petriatico Macabangbang the Fourth and Nutella Natasha Cademias. EijeiMeyou®