004

590 39 10
                                    

[004]

Natasha’s POV

Break muna daw kami sabi nung halatang tamad na teacher namin. Gusto niyo bang malaman kung ano ang nangyari kanina? Eto oh:

-Rewind 30 minutes ago-

“So, we have a new student here, come over,” sabi nung teacher na di man lang sinabi kung ano ang pangalan. Akala nya siguro kilala ko na siya.

Ako lang naman ang bagong estudyante dun kaya tumayo an ako at pumunta sa harapan... para lamang makipaglaro ng patintero sa mga nagliliparang papel na binabato sa kin ng mga mukhang tipaklong na Peternatics... worse... isa na dun si Peter---na mukhang siya ang pasimuno. Malaanghel ang mukha pero demonyito naman pala! Gggrrr. Di bale, gwapo naman. Ehehe.

Di nila ako napigil sa pag-i-speech habang nakikipaggantihan ng pamamato, “ako si Nutella Natasha Cademias, 16 years old----*pause bato sabay ilag*---nanggaling sa Wherever Province---bato ulit---ang daddy ko ay si Randolf Bromes...” sa pagtataka ko ay kumunti ang namamato sa akin...hanggang sa mawala na lahat, buti naman, “yun nga. Hiwalay ang parents ko at ngayon ay nakatira ako kay Daddy Ran kasama ang dalawa kong kuya, sina Jimmy at Jono,” okay na sana kung di lang biglang may dumapong isang papel sa mismong tuktok ng ulo ko... gggrrr! Namumuro na tong Peter na ito!

(chattering)

-narinig nyo yun?

-anak daw siya ni Vice pres.

-kaya pala blue pamphlet!

-blah blah blah

-kapatid din niya sina Jono at Jimmy?

-bakit hindi halata?

Marami pa akong narinig pero di ko na lang binigyan ng pansin. Pinaupo na ako ng teacher na walang nagawa kundi makisama na lang sa pagiwas sa mga flying papers.

At habang naglalakad papunta sa upuan ko...

“Kabayong lumilipad!” buti na lang nakakapit ako sa armchair ng isang upuan bago ako tuluyang humalik sa nangingintab na tiles.

“I’m not sorry. Stupid ka kasi.” Nakatingin pa sa malayo si Peter.

Si Peter ang pumatid sa akin!”Alam mo, gwapo ka sana kung di ka lang bastos.”

At inulan na naman ako ng papel ng dahil sa sinabi ko. Mukhang boss nilang lahat si Peter ah. No wonder, member sila ng Peternatics... bakit kaya???

-Fast forward-

Dahil di ako nakapaghiganti sa kanya kanina, ha-hunting’in ko siya ngayon! Ora mismo! Ariba riba!

“Peter, Peter... hanapin si Peter...” bubulong bulong pa ako. Wala akong pakealam sa mga estudyanteng nakatingin sa akin na parang sinasabing “miss, baliw ka noh?”

At hayun! Nakita ko nga si Peter sa canteen na inuulan na naman  ng kagwapuhan. Hayst! Panay na yata ang puri ko sa kanya eh. Unang araw ko pa lang naman siyang nakikita ah.

“Peter!” malakas na tawag ko sa kanya, dahilan para mapatingin ‘silang’ lahat sa akin. As in silang lahat na nasa canteen!

“Anong kailangan mo?” tanong ng spokesperson ni Peter, ang feelingerang si Claire.

“Ikaw ba si Peter? Di ko alam na babae na pala si Peter? O baka naman nagpa-sex change na si Peter? O akala mo lang ikaw si Peter?” bawat bagsak ko ng salita ay napapasinghap yung mga nandun.

Peter's Angel: Nutella Natasha's TravelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon