[028]
Natasha’s POV
“Ahy! Natasha! Miss Natasha!” daig pa ni Mhea ang nakakita ng artista pagkakita sa akin.
Alam ko namang maganda ako ngayon kaya hindi na niya kailangan pang ipagsigawan ang pangalan ko nuh. Grabe talaga tong babaeng to.
“Teka lang, punta lang ako kina Roda,” paalam ko kay Peter. So kahit na hindi niya sinasabi, para sa akin eh siya na ang escort ko. Period.
“Si Roda?” tanong ko kay Mhea.
“Bruha ka, hindi ba ako nakita?” mula sa likuran ni Mhea ay may nagsalita.
O.o
“Ikaw ba yan?” *o* “Ngayon alam ko ng may himala!”
“Gaga! At anong akala mo sa akin? Sa ganda kong to? Aba!”
^_^V “Peace naman. Oo na, oo na.”
“Miss Natasha, okay lang ba ang ayos ko? Si Roda ang pumili nito,” umikot pa si Mhea sa harapan ko.
Tinignan ko siya. Malayo na siya sa nerd-nerd na babaeng sunod ng sunod sa akin noon. Wala na yung eyeglass niya kasi naka-contacts na lang siya. Naka-brace pa rin naman siya pero bagay na sa kanya at hidni na mukhang ‘lumang tao’ ang labas niya.
Tumango ako, “oo na, maganda ka na, sana nga nandito si Jason para makita niya kagandahan mo.”
“Selected students para sumayaw, mag-assemble na po.”
“Oh siya, kami na yan, sunduin ko lang si Peter,” nagba-bye muna ako sa kanilang dalawa. Eto na yung part na pinakahihintay ko, sasayaw kami ni Peter.
“Wag mong kalilimutan yung steps ha?” bulong ko kay Peter, “pero kapag ako nakalimot ng steps, wag na wag kang aangal.”
“Wala na akong sinabi,” inilagay niya sa baywang ko ang mga kamay niya. Yun kasi ang formation namin. Walang ng entrada, diretso formation one na agad.
Maya-maya ay tumugtog na.
“Wala akong marinig.”
“Hmm?”
“Wala akong marinig kako,” nabibingi talaga ako. Ni hindi ko nga alam kung tama pa ba yung steps ko. Basta ang akin lang, tuloy ang sayaw.
“♪♪♪So I dance with Cinderella
While she is here in my arms
‘Cause I know
Something the prince never knew
Oh I dance with Cinderella
I don’t wanna even miss even one song
‘Cause all to soon
The clock will strike midnight
And she’ll be gone♪♪♪”
Napangiti ako.
For the first time, kumanta si Peter though hindi ko masyado marinig... hindi ko alam kung bakit ako nabibingi, kung dahil ba sa ingay ng paligid o sa lakas ng tibok ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Peter's Angel: Nutella Natasha's Travel
Teen Fiction☛ℕℴ ℑℴ ℊℛaℳℳaℛ ℕaℨi☚ Story of Petriatico Macabangbang the Fourth and Nutella Natasha Cademias. EijeiMeyou®