005

566 39 12
                                    

[005]

Ang nakaraan: (Ahy bongga! May nakaraan! Ahehe.) Nadapa si Natasha kaya tinulungan siya ni Peter. Dinala siya nito sa clinic at nagkaroon ng oras si Natasha par singhutin lahat ng pabango ni Peter sa katawan. Tayo’y magpatuloy.

Natasha’s POV

Uwian time! Woooshooo! Favorite subject ko to kapag may pasok! Aside pa yun sa recess at vacant period.

Maglalakad na lang ako pauwi. Malapit lang naman eh. Kaninang umaga kasi, nagsabay kami ni Daddy Ran. Pero ngayon, di daw siya uuwi kaya mag-isa na lang ako.

Oooppps. Teka.

Parang may mali.

“Sinusundan mo ba ako, Peter?”

Kanina pa kasi siya sunod ng sunod.

“Assuming ka talaga.” Nagpatiuna pa siyang naglakad para lamang ipakita sa akin na di nya ako sinusundan.

Pagtigil ko sa harap ng gate namin ay....

Huminto din siya sa gate ng kaharap namin bahay.

“Eh?”

“Bakit?” namaywang pa siya sa kin. Aba!

“Bahay niyo yan?” malaki kasi yung bahay. Gaya ng bahay ni Daddy Ran.

“Malamang hindi.” Tinawid nya yung kalsadang naghihiwalay sa amin at may inaabot na maliit na kahon sa akin.

“Ano yan?” tanong ko. Malay ko ba kung bomba na pala yun at balak niya akong pasabugin kasi ang kulit ko.

“Sa tingin mo?”

“Hmmm?” nilagay ko pa yung hintuturo ko sa sentido ko. “Hacienda ba yan?”

“May hacienda bang kakasya sa kahon na kasinlaki ng posporo? Stupid talaga.”

“Eh baka naman kasi sports car yan, yung red!”

“Tss. Band aid yan. Para ilagay mo sa tuhod mo. Ang bobo naman.”

Nung maiabot na sa akin yung box ay umalis na siya.

Ako naman si babaeng kinikilig hanggang sa pinakamaliit na buto sa katawaan. Nagdoorbell na ako. Si ate Jem ang nagbukas ng gate, sya ang katulong sa bahay. Di ko naman maatim na tawagin siyang ‘yaya’ gaya ng tawag sa kanya ng mga kasama ko sa bahay.

“Maganda ang araw ah,” puna nya sakin.

“Gwapo kasi yung nakatira dyan sa harap.”

“Hayun! Dumating na rin ang prinsesa ng Macabangbang high!” announcement ni Kuya Jono.

Nagcurtsy naman daw ako sa kanila.

“At may dala dala siyang sugat sa tuhod.” Dagdag ni kuya Jimmy.

“Hehe, ito ba? Swerte sa kin to noh.” Kung mahahalikan ko lang sana ang tuhod ko sa oras na yun ay baka ginawa ko na. “Nakita ko na kasi ang magiging ama ng mga pamangkin nyo!”

Dalawang magkasunod na batok ang nakuha ko sa kanila. “Ang bata mo pa!” sabay pa nilang sabi sa akin.

One week pa lang ako sa Loser Village. At noong unang araw ko pa lang doon ay kasundo ko na agad sina kuya. Paano ba naman kasi, nagiisa akong babae at bunso pa kaya sobrang caring nila sakin. Graduate si Kuya Jimmy ng Law habang si Kuya Jono naman ay Electrical engineering.

Peter's Angel: Nutella Natasha's TravelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon