[013]
Author: Spotlight muna ni Peter tong chapter na to d(*.*)b
***
Peter’s POV
“Good morning, ate Jem,” bati ko sa kasambahay nina Nutella. Alas-sais pa lang ng umaga pero gumising na ako para mag-exercise. Maya-maya lang ay naisipan kong ipagluto si Nutella bilang pagsunod s autos ni daddy.
“Ahy, kaw pala yung sinasabi ni Nat-nat na guwapong kapitbahay--- ahy este, ano nga palang kelangan mo?”
Lagot ka, Nutella. “Ipagluluto ko po sana si Nutella ng agahan kung okay lang po.” Tapos nagkibit-balikat ako.
“Pwedeng-pwede. Pasok ka na lang. Mamamalengke pa kasi ako eh. Kaw na ang bahala kay Nat-nat, ha? Nasa taas ang kwarto niya, katapat na katapat ng kalsada, yung may verandah, hindi yun nagsasara ng kwarto kaya bahala ka na.”
Pagkasabi niya niyon ay tumalikod na siya. Napalunok naman ako habang dina-digest ng utak ko yung sinabi niya. Iniisip ba niyang papasukin ko sa kwarto si Nutella? No way, Josè. As in no way!
Alam ko na ang daan patungong kusina nila dahil ilang ulit naman na akong naimbitahan doon.
Naghalughog na lang ako sa ref nila. Marami pa namang laman iyon kung bakit kailangan pa nilang mamalengke ngayon. “Hmmm...” nag-iisip ako ng iluluto para kay Nutella. Cheap naman ang babaeng yun kaya okay na lahat sa kanya. Sa lakas ba naman niyang lumamon. Ilang beses ko ng napatunayan iyan.
Naggiyat ako ng bawang at iba pang ingridients na kakailanganin sa pagluluto. Natuto akong magluto nung manirahan ako sa lolo’t lola ko sa probinsya.
Time check: 7:48.
Ang tagal namang magising ng babaeng yun. Ngayon lang niya ako di binungangaan sa verandah na lagi niyang ginagawa. Since malaman niya atang kapitbahay niya ako eh di na naging tahimik pa ang 6:00 am to 5:00 pm ng pang-araw araw na buhay ko. Kapag naging tahimik siya sa mga oras na iyan ay asahan mo ng may masamang nangyayari o di kaya’y may sakit siya.
Inaayos ko na ang mga ginamit ko. Kapag di pa bumaba si Nutella, kailangan ko na siyang akyatin sa kuwar---
“Aaahhhhhhhhh!!!!”
Todo iwas ako sa mga palo na galing mula sa isang mahabang bagay na hawak ng isang baliw na babae. Shit! Ang sakit na ng mga tinatamaan niya!
“Aw, hell! Stop that!”
Marahil ay nabosesan niya ako kaya unti-unting humina ang mga pagpalo niya.
“What do you think you’re doing!?” Bulyaw ko sa kanya nung tuluyan na siyang tumigil. Dammit! Si Nutella! Baliw talaga.
Napapikit pa siya at medyo napaatras, “mahiya ka naman, nagshower ka pa sa kin,” nagface palm pa siya, “eh ano bang ginagawa mo dito? At ano yan-----nagluto ka Peter? Bakit?”
“Oo nagluto ako at kakaiba ang paraan mo ng pagsasabi ng ‘thank you.’ Psh.” Tinanggal ko na ang apron, “maghilamos ka muna bago ka humarap dito.” Kung alam ko lang na ganun ang isasalubong niya sa akin, sana nilagyan ko na ng lason ang kakainin niya at hihintaying bumula ang bibig niya.
Psh. Pinagluto ko siya at pinagpapalo lang niya ako ng walis tambo. Nice!
“Owww-kay!” di mapuknat ang ngiti sa labi niya.

BINABASA MO ANG
Peter's Angel: Nutella Natasha's Travel
Teen Fiction☛ℕℴ ℑℴ ℊℛaℳℳaℛ ℕaℨi☚ Story of Petriatico Macabangbang the Fourth and Nutella Natasha Cademias. EijeiMeyou®