024

312 17 6
                                    

[024]

Natasha’s POV

Sa wakas at na-perfect din namin ni Peter ang sayaw para sa ball! After 21 days of practicing na walang tugtog sa rooftop, nagawa din namin. \(^o^)/

“Sasamahan ba kitang bumili ng susuotin mo?” tanong niya sa akin pagbaba namin ng rooftop.

Umiling ako, “sasamahan na daw ako ni Roda at baka kasama na rin si Mhea. Tapos baka makikita mo na isusuot ko, wala ng thrill, ampangit naman.”

“Ok, sasamahan ko din si Jason eh,” tumingkayad siya ng kunti at binigyan ako ng halik sa noo, “mag-iingat ka.”

Ohmigasss! Kinikilig lahat ng particles ko sa katawan! “O-okay...” yumuko ako ng bahagya.

“Nutella...”

“Oh---?”

Out of the blue ay ki-niss ako ni Peter sa lips!

Smack lang pala yun, masyado akong na-excite.

Narinig ko ang mga OA at hindi OA na singhap ng mga nakakita sa amin.

“Mag-iingat ka ha? Para sa akin,” pahabol pa ni Peter bago lumayo.

Si Peter pa ba talaga yun?

Naglakad na ako opposite sa pinuntahan ni Peter habang hinahaplos ang labi ko.

Ohmigasss talaga!

“Hoy, babaeng haliparot na mukhang anghel pero daig pa ang amasonang anak ng kidlat na kasing init ng nagbabagang apoy sa uling ng ihawan sa ikalawang kanto, nandito kami!”

Paglingon ko ay nakita ko sina Mhea at Roda.

Si Mhea ay nakangiti sa akin habang si Roda ay parang may hindi nagustuhan.

“Oooy, kaya pala yan,” medyo malumanay na sabi ko dahil di pa ako nakakababa sa ulap... masaya pa ako kaya mamaya na ako babalik sa tunay na mundo.

“Makipaghalikan, wagas?!”

“Roda naman,” saway ni Mhea, “okay lang yun, Natasha, nakakakilig nga eh!”

“Buti pa tong si Mhea, gets ako,” haaay buhay talaga.

“Landot landot nito, halika na nga!”

Nagmartsa na si Roda palayo sa amin.

***

“Miss, wala ba kayong blue nito na mas maiksi ang tabas tapos medyo mababa ang neckline na babagay sa haliparot na babaeng to na siyang magsusuot niyan eight days from now?” diretsang sabi ni Roda sa saleslady na umaasikaso sa amin.

Kanina pa tawang-tawa yung saleslady sa amin maging yung mga taong namimili din sa mall na gaya namin.

Papalit-palit ng isip si Roda sa kung ano ba talaga ang dapat kong isuot pero lahat naman ng tinitignan namin ay sinasabi niyang bilhin ko na lang daw, magagamit ko naman daw iyon eh. Siyempre, di ko pwedeng kontrahin ang manager ko, tutal, magaganda naman talaga ang mga damit na yun.

“Miss, ito pa oh, bigyan mo siya ng red. Yung red na nakakabasag ng mata ang kulay, yung tipong akala mo makakasalubong mo si Lucifer sa gitna ng disco bar,” hawak naman ni Roda ngayon ang isang tube dress na kung di ako nagkakamali ay hanggang itaas ng tuhod at kailangan pang mag-crossleg kapag umupo dahil kung hindi ay tuluyan ka ng masisilipan.

“Ayoko niyan! Super showy naman,” angal ko.

“Ayaw? Sige, umuwi na tayo kung ganun!”

“Charing! Sige na, miss, tignan mo na,” nakakatakot si Roda, ngayon ngang bakla siya, super nakakasindak na, ano pa kaya kapag naglalake na siya? Lol.

“Ikaw naman, Mhea, halika dito,” hinila naman ni Roda ngayon si Mhea, “bagay na kulay sayo? Hmmm... mint green. Para magmukha kang puno na puro dahon... o punong puro damo.”

“Anla?” natawa ako kay Mhea dahil nanlaki ang mga mata niya kay Roda.

Marami pang pinasukat si Roda sa aming dalawa ni Mhea at lahat ng pinasuot niya ay talaga namang bagay sa amin ni Mhea.

Kaya lang, hayun at nag-suffer ang nilalaman ng ATM ko kasi naglabas pa ako ng pera.

“Magpasundo na lang tayo kina Kuya,” sabi ko. Medyo dumidilim na kasi at hiwa-hiwalay pa naman kami ng uuwian.

“Mabuti pa nga, nag-fade na ang ganda ko para sa araw na ito eh,” sang-ayon ni Roda sa akin.

Nag-dial ako sa CP ko, “lohe, lohe?”

“Wag mo akong baliwin, Natasha, asan ka na? Di ka pa ba uuwi?” sagot ni Kuya Jimmy sa kabilang linya. Siya ang tinawagan ko kasi di ko sigurado kung nasa bahay si Kuya Jono sa oras na iyon.

“Eto nga po, Kuya, magpapasundo sana ako.”

“Nasaan ka ba?”

“May kasama po ako, kuya,” tapos sinabi ko na kung saang parte kami ng mall susunduin. Binaba ko na ang cellphone, “papunta na si Kuya Jimmy dito.”

***

Kinabukasan sa school ay nag-finalize kami para sa dance number namin sa ball.

“Once more from the top again from the very first beginning!” sigaw ni Peter na binuntutan pa niya ng tawa.

Napasunod na rin ako sa tawa niya.

“Kalokohan, nakakahiya kang anak ng president ng MH,” napakamot na lang ako sa ulo.

“Napatawa naman kita,” aniya at nag-peace sign.

“Oh my! Ulitin mo yun!”

“Anong uulitin ko?” patay-malisya niya.

“Yung peace sign, sige na dali!” nilabas ko pa yung cellphone ko para kuhanan siya ng picture habang naka-peace sign.

Umiling siya, “wag na! Nakakahiya eh!”

“Nahiya pa daw ah, sige na! Ginawa na nga kanina eh!”

“Psh!”

“Tayong dalawa na lang kung ganun,” nilapit ko ang mukha ko sa kanya, baba ka ng kunte, ang tangkad mo eh,” in-extend ko ang kamay ko sa harap namin at ngumiti sa camera.

“Patingin ako,” sabi ni Peter pagkatapos kong kuhanan kami ng larawan.

“Ang cute!” para kaming ewan na may tililing.

***

Author: Waley! Tatapusin ko na po to! XD

Peter's Angel: Nutella Natasha's TravelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon