022

316 20 5
                                    

[022]

Peter’s POV

“Come to my office, Peter.”

“Good morning, too, dad,” may pagka-sarkastikong sabi ko. Bakit ba kasi nauso pa ang duplicate key? Hayan tuloy, pinasok na naman ni Daddy ang kwarto ko ng walang paalam sa eksaktong alas-singko ng umaga. I was waiting for Nutella’s wake up call!

Bumangon ako at nagtungo sa banyo. Lumabas na rin naman si Daddy. Habang naghihilamos ay napatitig ako sa labi ko at napangiti sa sarili. Ako lang naman ang first kiss ni Nutella. Napailing-iling ako pero di pa rin nawawala ang ngiti sa labi.

Bumaba ako sa library-cum-office ni daddy. Kumatok muna ako ng mahina bago pumasok.

“Here’s your allowance for one month plus the increase,” diretsong sabi ni daddy sabay lapag ng sobre sa mesa. Humihigop siya ng kape.

Di ko na binalak pang bilangin iyon, alam ko namang tamang magbigay ng halaga si daddy at hindi ako kukupitan. “Thanks for this, ginising niyo pa talaga ako.”

“Pwede ka nang tumigil sa pag-aalaga kay Natasha. Nandito naman na kami, tapos na ang convention.”

The idea that I will stop eyeing Natasha makes me shiver. “Titigil na ako?”

“Yes, hanggang sa matapos lang naman ang convention ang deal natin, hindi ba?”

“Ah, yeah. Okay.”

“You may go now.”

Naninibago ako kay Daddy. Sobrang seryoso niya. Psh.

Lumabas ako ng library. Why am I feeling this way? Tapos na ang obligasyon ko kay Nutella, wala na akong po-problemahin pa. Pero... argh!

Pag-akyat ko sa kwarto ay diretso ako sa verandah. “You gonna do this, Peter?---yes! Baliw ka na eh!” ugh, nakikipagsagutan na rin ako sa sarili ko ngayon. “Nutella! Wake up!” yeahright, I’m doing it.

Mula sa manipis na kurtina ng kwartong kaharap ng verandah ay may nakita akong taong bumangon mula sa kama. Tapos naglakad at binuksan ang glass door.

Gotcha! Si Nutella.

Pupungas-pungas pa siyang nag-wave sa akin, “good ‘yawn’ing!” sabi niya sabay hikab. Nag-inat pa siya.

“Good yawning din!” kailangan talagang magsigawan.

“Aga mo gumising ah?! At bait ako na ang ginigising mo ngayon?! Bagong buhay ka na ba?!”

Buti natanong mo yan, I was about to ask that to myself, too! “Wala lang! Gusto ko lang!” umalis ka na, Peter, bago ka pa biglang magsasasayaw diyan, “sige na, mauna na akong mag-agahan sayo! Bye!”

“Ok! Sabay tayong papasok sa school?”

“Uh, y-yes.”

“Sige! Bihis na lang ako! Babush!”

Una na siyang tumalilis.

Pumasok na rin ako pagkaalis niya. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Peter?” umiling ako, “hindi ko alam.”

***

Natasha’s POV

“Kung ikaw si Batman, sino na ang bahala sa buhay mo?” tanong ko keh Peter habang nakatambay kami sa labas ng classroom, wala na namang teachers eh kaya sa labas muna kami habang nagkakagulo ang mga classmates namin sa loob ng classroom.

Peter's Angel: Nutella Natasha's TravelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon