[046]
Natasha’s POV
“Mag-da-dalawang buwan ka na dito, ha, ang chaka mo na rin,” sabi ni Roda sa akin. Basta bumibisita sila dito sa ospital, wala siyang ginawa kundi laitin ako.
Buti na alng at mag-isa lang siya at hindi kasama si Claire at Mhea kung hindi, lagot na naman ako. Tuluy-tuloy na sermon na naman to.
“Wala akong oras para magpaganda nuh.”
“Panu naman yang anak mo? Lalabas na gorang yan dahil mukhang bruha ang ina niya, yuck! Kung nagkataon, hindi ako a-attend sa binyag!” de-aircon na nga kwartong kinalalagyan ni Peter ay namaypay pa rin si Roda. Di na yata yun matatanggal sa kanya.
Inismiran ko siya tapos tinignan si Peter na nakahiga pa rin, magda-dalawang buwan na nga siyang natutulog. “Hindi magiging gorang ang anak namin ni Peter, pagkagwapo ba naman ng tatay niya... di ba? Di ba? Di ba, Peter?” nangingiti ako sa sarili ko. Madalas kasi kinakausap ko si Peter mag-isa. Umaasa akong magigising siya at sasagutin niya ako.
***
Peter’s POV
Pumasok ako sa opisina ni San Pedro. Kalahating araw lang nagbakasyon si San Pedro kasi hindi raw pinayagan ang pinasa niyang leave of absence sa nakatataas. “Knock, knock,” sabi ko na lang kesa kumatok sa pinto niya na gawa sa salamin.
“Pasok,” hindi siya nagtaas ng paningin. Nakatutok lang siya sa binabasa niya.
“Busy ako, baka di mo alam.”
“At ako hindi?” dumiretso siya ng upo at tumingin sa akin, “musta na butu-buto?”
“Okay lang. Di pa ba ako pwedeng pumasok sa langit? Kakasawa na dito sa boundary eh pwede naman na akong dumiretso na, di ba?”
“At paano si Jessie, aber? Hahayaan mo na lang? At hoy, bata, si Natasha, maawa ka naman.”
“Kaya nga magkukusa ng papasok sa langit kasi naaawa na ako sa kanya eh,” umingos ako sa kanya at umupo sa harapan niya.
Nagkibit-balikat siya, “oh yan,” inabot niya sa akin ang isang envelope, “result ng misyon ni Jessie.”
“May resulta na agad? Kasisimula pa lang ah?” advance lang? “Wow! Passed?! Sasabihin ko na ‘to---“
“Oy, atat, atat. Kapag sinabi mo yan sa kanya, kailangan ding sigurado ka na kung sa Lupa ka didretso o sa Langit na talaga. Kapag nakapili ka na, wala na, okay?”
“Langit.”
“Ang kulit.”
“Ako pa makulit, hindi kaya ikaw yun?”
“Akala mo lang ako pero ikaw ang makulit, ikaw, ikaw!”
Tinignan ko siya na parang nagulat.
“Joke! Sa lupa ka na muna.”
“Anong---“ pinaikot ko ang mga mata ko, “salamat ha,” ano pa bang magagawa ko? Biglaan na lang akong nasa lupa. And guess what kung saan?
Dito sa ospital kung saan ako naka-confine.
Yehey, yehey. Ang saya-saya. Esh!
Pumasok na lang ako kahit labag sa kalooban ko.
“N-Nutella...” now I’m staring at the most beautiful woman in the world. Papasok siya sa isang kwarto buhat-buhat ang mga prutas na nakalagay sa isang maliit na basket. She’s prettier now, I know.
Sinundan ko siya.
Gaya ni Jessie, tumatagos din ako sa mga bagay-bagay.
There I lay.
There I go.
“Palits, anong gusto mong paglihian ko? Prutas ba o bagay na lang?” kausap ni Nutella sa katawan ko.
“Lihi?” awtomatikong napatingin ako sa tiyan niya.
I’m having my--- child.
***
Author: the ending is near. Yehey!
BINABASA MO ANG
Peter's Angel: Nutella Natasha's Travel
Novela Juvenil☛ℕℴ ℑℴ ℊℛaℳℳaℛ ℕaℨi☚ Story of Petriatico Macabangbang the Fourth and Nutella Natasha Cademias. EijeiMeyou®