027

293 16 5
                                    

[027]

Natasha’s POV

“Kyaaah! Kuya, ang heels ko!” gustung-gusto ko na talagang batuhin ng picture frame si kuya Jono dahil kanina pa niya pinagdidiskitahan ang mga gamit ko.

Kanina lang ay ayaw niya sa nasa buhok ko kaya imbes na flowers ay pinapalitan niya ng maliit na tiara. Ngayon naman ay ayaw niya sa heels.

“Hindi kaya masyadong mababa to, Jim?” tanong niya kay Kuya Jimmy na pareho niyang nasa pintuan ng kuwarto ko. Tinutukoy niya yung heels ko.

Nagkibit si kuya Jimmy, “aba malay ko? Hindi pa naman ako nakakapagsuot ng ganyan.”

-_- “Yeah right, akin na nga yan!” tumayo ako at hinablot yung sandals, kung makikipagtalo pa ako sa kanila, malamang tapos na yung party ay hindi pa ako nakakarating.

“Tayo ka nga, baby,” lambing ni daddy Ran sa akin na kakapasok lang.

Bilang isang masunuring prinsesa slash anak, tumayo naman daw ako.

“Beautiful.”

“Pretty.”

“Ahy ewan,” si kuya Jono lang yata ang naiiba ang komento sa kanilang tatlo.

Panira talaga ng pantasya kahit kailan.

Maya-maya ay may nagdoorbell.

“Nandyan na ang pumpkin mo, Cinderella,” sabi ni kiuya Jimmy sa akin.

Ini-offer ni daddy ang kamay niya sa akin at para na nga akong prinsesa dahil dun.

Kulang na lang ay mapatili ako nang makita si Peter na kausap si kuya Jono.

Ohmigas.

Surprise nga ba?

Dapat na ba akong tumalon?

Oh, wait, naka-heels ako, pag-uwi ko na lang sa bahay mamaya, saka ako tatalon! Iiih! Kinikilig talaga ang cleavage ko. Ang gwapo niya.

Ehem.

Wag ipahalata, Natasha, ang daddy mo oh, nasa tabi mo lang.

“Take care of my princess, son,” sabi ni daddy bago ibigay ang kamay ko kay Peter.

Simbahan, pari, seminarista, flower girl, bridesmaid at bestman na lang ang kulang at parang ikakasal na ako! Kami pala--- siyempre kabilang ang papakasalan ko. (*o*) At sino pa ba iyon? Ehem. Wag tanga please.

“Daddy,” kunwari ay saway ko pa daw at todo ngiti kay Peter.

“Alas diyes, uwi ka na.”

“Buo ka dapat kapag umuwi ka.”

“Wag kalilimutan ang---“

“Boys, it’s ok,” si daddy na mismo ang pumigil kina kuya. Kung hindi pa magsasalita si Daddy, siguradong hindi titigil sina kuya.

Ang hirap kasing maging kaisa-isang prinsesa eh.

“Sir, mauna na kami,” at magalang na nagpaalam si Peter.

“May pa-‘sir’ ‘sir’ ka pang nalalaman ah,” kantyaw ko sa kanya. “Gwapo natin ngayon ah.”

“Nambola ka pa,” sabi niya sa akin at pinagbuksan ako ng pinto.

Sosyal, magko-kotse kami oh.

“Knock knock, Palits,” biglkang a umasoks ispnk. On the way na kami pauntang school. Time chck 5:30 pm.

“Don’t call me ‘Palits.’”

“Ahy knock knock sabi eh.”

“Oh, who’s there?”

“Great Wall of China.”

Nauuna pa kasi ang tawa ko bago ako makapagsalita.

“Great Wall of China who?” kita kong nakakunot ang noo niya.

Tumikhim ako. *tone ng theme song ng ghost buster* “Ding ding ding ding puro dingding... ding ding ding ding puro ding ding,” at tuluy-tuloy ang pagtawa ko.

“Nasaan ang ‘Great Wall of China’ dun?”

“Aisht ang slow,” pinaikot ko ang mga mata ko, “di ba nga ‘puro dingding’? Wag naman shunga, please.”

Nakapagbilang pa yata ako ng ten seconds bago ko narinig ang marahang pagtawa ni Peter.

Ang slow talaga. Ano ba yan. -_-

***

Author: Sows! Noon pa ko ‘kunti na lang’ ng ‘kunti na lang ah.’

Peter's Angel: Nutella Natasha's TravelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon