003

606 39 11
                                    

[003]

-Rewind 7 years ago-

Natasha’s POV

“Ashteg! Panis dito yung paaralan sa wherever province! Oks talaga dito sa Loser village!” kulang na lang ay halikan ko ang dinaraanan kong patag na damuhan. Ibang-iba kasi ang pinanggalingan kong paaralan dito sa school na nilipatan ko, ang Macabangbang high (MH). Kung gaano kapanget ang pangalan ng eskuwelahan ay sya namang ganda nyon.

Kaisa-isang school ang MH sa Loser Village at proud akong sabihin na vice president ang Daddy Ran ko sa eskwelahan.

“Aw! Stupid girl.”

Napatingin ako sa babaeng natapakan ko ang shining shimmering splendid black shoes niya. “Ahy. Sorry naman. Di ko naman kasi napansin na nakatayo ka jan eh.” First time ko pa lang sa school na yun at magte-third year high school na.  At syempre, wala pa akong masyadong kakilala... or mas tamang sabihing wala talaga akong kakilala.

At may dumating ding isang lalake... mahinhing masungit na version ng salitang ‘gwapo’.

“Bakit di ko yata nabalitaan na na-invade na pala ng gwapo ang Earth?” wala sa loob ko na nahaplos ko ang pisngi ng bagong dating na lalake.

Agad kong nilabas yung de-camerang touch screen na cellphone ko na bigay pa ni kuya Jono at kinuhanan ng picture yung nakakunot-noong lalake.

“Hey, little girl, what are you doing?!” bulyaw ng babaeng naapakan ko ng sapatos eksakto sa mukha ko.

“Little? Sinong little? Bakit di ko nakita? Sayang naman!” nag-snap pa ako. Kunwari di ko na-gets kung sino yung ‘little girl’ na tinutukoy niya.

Pinaikot nung babae yung mata nya upward. Mukhang frustrated na dahil sa akin. “Oh, come on, Peter, mababawasan lang ang popularity natin dito kasi we’re talking to a newbie. Baka section D siya, nakakahiya,” kumapit na siya sa braso nung lalakeng nagngangalang ‘Peter.’

“Bye, Peter!” habol ko pa nung talikuran nila ako. Ang gwapo niya! Super!

“Hey!”

Napalingon ako. Isang bading na may kahabaan ang buhok at kuntodo make-up pa ang nakita ko. Hindi naman kasi pinagbabawal sa MH na magpahaba ng buhok ang mga lalake, particularly ang mga bakla. “Bading ka noh?”

Eksaheradang napasinghap siya sabay palo ng pamypay na hawak niya sa balikat ko. “Ipaalala bang bakla ako?! Babae ako noh! Girl na girl! Churvang to, matris lang naman ang pinagkaiba natin ah! Che!”

“Ah, hehe... patawad ...” binitiwan ko yung killer smile ko. “Patulong naman ...”

“Hmp. Newbie ka rito, diba?”

“Oo eh.”

“So, bakit ka kinausap ng masungit na si Peter at ang bruhitang si Claire na leader ng Peternatics na nanliligaw yata kay Peter?” nangunot yung noo niya in a way that naaaliw pa siya.

“Peternatics? Nameyn! Ang lupet naman! May fans club pa siya ha??? Hehe.”

“Bruha ka. Yung tanong ko nga ang sagutin mo. Kung anu ano pinagsasabi mo eh. Namumuti ang kilay ko sayo!”

Nakakatakot pala tong baklitang to. “Wala lang yun. Aanga-anga lang kasi ako kaya ko natapakan yung sapatos nung si Claire.”

“Ahy pasok ka sa banga, sister! Sana pati pagmumukha niya, tinapakan mo na. Naku, yeah! Anong name mo, sis? Patingin nga ng pamphlet mo.”

Peter's Angel: Nutella Natasha's TravelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon