025

303 17 6
                                    

[025]

Peter’s POV

“You’re not really attending the ball?” tanong ko kay Jason habang nagkakape kami sa porch. Hindi pa kami papasok, napaaga ang gising ko eh.

Umiling siya, “no.”

“But why?”

“Natasha didn’t approve me to be her escort so I’d rather go back to the states.”

Hindi ko pinahalatang inubo ako sa sinabi niya.

“Aren’t you gonna ask her?” dugtong pa niya. Tapos napatigil siya, “I almost forgot you never really asked a woman,” he chuckled.

“Yeah,” simpleng saad ko kasabay ng paghigop ko ng kape.

Should I really need to ask Nutella? Nah.

***

Natasha’s POV

“6 days na lang pala nuh? Ang bilis naman ng araw,” kausap ko kay Mhea habang nakalupaypay ako sa upuan ko. Nakasubsob ako sa arm chair.

“Oo nga po eh.”

“Wala ka bang partner?”

“Wala nga po eh.”

“Sayang nuh? Ako nga rin, walang pang partner.’

“Kaya nga po eh.”

“Ang say among kausap, alam mo yun? Full of sense.” (“-_-)

“Hindi ka pa ba inaaya ni Peter?”

Buti naman at nagkaroon din ng sense! “Hindi pa nga eh. Ugh! Ang tanong, aayain ba ako?” mas lalo pa akong lumupaypay doon sa kinauupuan ko.

“Assumingera na nga, feelingera pa,” mula sa likuran ko ay may narinig akong nagsalita.

Wala sa loob na lumingon ako. “Kung mamalasin ka nga naman... what do you need?”

“Aba, sosyal? Umi-english ka na rin?” tumaas pa ang isang kilay ni Claire at sabay-sabay silang mga Peternatics na humalukipkip. “Hindi ka yayayain ni Peter.”

“Sure?”

“Yes.”

“Magkano pusta mo?” medyo umayos na ako.

“Basta hindi ka yayayain ni Peter.”

“Ewan ko sayo, wala ako sa mood.”

“Aba’t? Talikuran daw ba ako?”

“Peter’s rule number two, ayoko ng maingay. Peter’s rule number five, ayoko ng tanga. Peter’s rule number six, ayoko ng magulo. Peter’s rule number seven, ayoko ng makulit. Kuha mo?” supalpal ko kay Claire. Ang kulit eh!

“Let’s go, girls! We have no time to waste,” sabi na lang niya sabay martsa palabas.

Kaloka. “We have no time to waste daw, eh kung sana naisip na niya yun kanina pa, eh di oks na, wala na sanang mahabng usapan pa,” nag-pout ako.

“Buti naman at hindi ka natatakot sa kaniya?”

Tinignan ko si Mhea na napanganga pala kaninang nagsasalitan kami ng usapan ni Claire. “Bakit naman ako matatakot sa kaniya? Sa knaila? Sino ba sila? Hmm.”

“Sabagay.”

“Makapagbasa na nga lang sa wattpad,” these past few days, nakadiscover ako ng bagong tambayan kapag nabo-bore. Yun ay ang ‘wattpad.’ Wattpad, sa net siya, maraming magagaling na writers doon na hindi naman nag-aaral bilang ‘writer.’ Nais ko nga sanang magsubmit ng work doon kaso wala naman akong maisip na pang-ending.

Sa CP lang ako nagbabasa.

“Ano yan?” tumabi sa akin si Mhea.

“Makibasa ka na lang, etong isang binabasa ko, kagabi ko lang to nasimulan eh, pero nakakakilig, promise!” binuksan ko sa ‘library’ ko ang kwento ni MissForgottenLady, ang Somebody I Used To Know.

Unang chapter pa lang na nabuksan ay nagkanda-bali-bali na ang balikat ko.

Paano ba naman, pinanggigigilan ni Mhea dahil talo pa ang bulateng napahiran ng asin kung kiligin.

Mas inuunahan pa niya ang kilig ko eh. Sana pala nag-solo na lang akong nagbasa para di ako naging kawawa. Ugh. (_  _”)

***

Author: Waley nangyare. Haha.

Peter's Angel: Nutella Natasha's TravelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon