018

365 19 3
                                    

[018]

Natasha’s POV

“Rise and shine, Philippines!” *inat over here and over there*

Time check: 5:37 am. Hay ang aga pa! Maaga pa para gisingin si Peter. Mwehehe.

Bumaba na ako kahit na alam kong wala pang gising sa kanila, mga hatinggabi na kasi dumating sina Daddy Ran at  Tito the third, sayang at di ko sila naabangan.

“Makapag-jogging nga,” so nagsuot ako ng shorts na pang-jogging lang tapos ay t-shirt na may printa ni Spongebob kasama si Sandy at Patrick. “Who lives in a pineapple under the sea? Spongebb squarepants!” kanta ko pa habang tahimik na binubuksan yung gate.

“Hello, world! Nutella Natasha Cademias’ coming to town!” pero nung makakita ako ng mga nakaka-‘witwiw’ na nagjojogging ay parang pinanghinaan ako ng loob.

Eh parang nakakahiya!

“Ano ba, Natasha, tutuloy ka ba o hindi?” kausap ko sa sarili ko, “siyempre ‘oo’! Si Natasha yata to!”

Tapos may dumaang papabol, taga-kabilang barangay siguro.

“Nakita mo yun, Natasha? SUndam mo siya para may inspirasyon! Gorabels!” nagsimula akong tumakbo.

Iikutin ko lang naman ng isang beses ang lugar namin.

Pero di pa ako nakakapangalahati ay laylay na ang balikat ko at nakalawit na ang dila ko. Ang hirap pala! “Aww... awww...” sakit na ng paa ko! “Buset, may pasok pa, ano bang pumasok sa kukote ko at naisipan kong tumakbo?!”

“Psst!”

*lingon mah men, sino yun?*

“Jason!” kumaway ako kay Jason. Nakapang-jogging din siya.

Lumapit siya sa akin, “why’ you alone?”

Ang slang niya talaga. “Ahm---“ *pant* “Ah ewan! Ang hirap mag-explain sa English! Dagdag pa sa kapaguran ko yan eh.”

“Huh?”

Sana na lang pala, tinuloy ko na lang ang pagjo-jogging kanin apa para di na ako nakita ni Jason, dagdag pa talaga sa pagod na nararamdaman ko yan ee!

“Miss Natasha!”

(-_-“) Ikaw ba naman ang makakita ng gumagalaw na kurtina sa kalsada?

Ibig kong sabihin, si Mhea, mag-ja-jogging na nga lang, nakapalda pa ng pagkahaba-haba tapos pinartner’an niya ng t-shirt na may nakasulat na: “Saviour.” Kdot.

“Ano yang suot mo?”

“Pangit po ba?”

“Magja-jogging ka ba o ano?” Magsisimba!

“Sasabay po kay Jason.” (^_^)

Oh, Lord! Kailangan na talaga namin siyang i-make over ni Roda.

***

“Wag kang malikot kundi kikiskisan ko na ng tuluyan yang kilay mo! Kakalbuhin kitang bruha ka!”

Kanina pa pinagbabantaan ni Roda si Mhea na nakaupo sa di kataasang stall sa loob mismo ng parlor na pagmamay-ari ng pamilya ni Roda.

“Ano po ba ang gagawin niyo sa akin?”

“Cha-chop-chop’in ka namin at ibebenta sa mga turu-turo sa labas!” ang kulit niya! Sabin a ngang aayusan eh, ayaw pa? Libre na nga namin sa kanya ito ni Roda.

“Wag ka sabing malikot!” hinawakan na naman ni Roda ang ulo ni Mhea at dineretso ng tingin sa salamin na nasa harap nila. Ginupitan ni Roda ang buhok ni Mhea.

Nagsimula na namang pumalahaw si Mhea, “ang buhok ko! Pinahaba ko iyan ng ilang buwan!”

“Chussang to, para buhok lang naman, ang pangit kaya!”

“Roda, kahit pangit na, wag mo na lang sabihin, sobrang obvious naman na eh!” mwehehe.

Sumisinghot pa si Mhea pagkatapos siyang gupitan ni Roda. Ang ganda kaya! Mas lalong nakita yung ganda ni Mhea.

\(*o*)/

Ako naman yata ang mao-obssess sa kanya ngayon.

Isang salita lang... SUCCESS!

“Oh, tignan mo sarili mo sa salamin, palakang to. Kala mo naman kung sinong kagandahan, pangit naman.”

Ang bitter ni Roda, ayaw aminin na maganda si Mhea. Mwahaha.

“Okay po ba, miss Natasha?”

“Okay nga yan eh, naku, natalbogan mo pa yata ang kagandahan ko!”

Hindi pwede! Dapat ako lang!

“Pero kayo pa rin ang idol ko, miss Natasha!” sabi ni Mhea sabay yakap sa akin.

Ang swerte ko naman, mayroon akong nag-iisang fan!

***

Author: Maiksi lang siya ngayon. :3 Naba-blangko ang utak ko, sorry nameyns!

Peter's Angel: Nutella Natasha's TravelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon