"Love," Jennie's arms sneakily wrapped on my neck from behind, her cheek against mine.
Napangiti ako. Nakakawala ng pagod kapag nilalambing ka ng mahal mo.
"Ano 'yun, Love?"
"I miss you," she buries her face on the crook of my neck, sending me shivers. In response, hinigpitan niya ang yakap sa akin.
"Miss mo 'ko?"
"Super."
"Super?"
"Miss na miss," paglalambing niya, "It's your birthday soon..."
I tried to keep my smile from fading.
If it's my birthday soon, then it means it's been almost a year too since he...
"Yeah?" my eyes trained on the documents before me. Tila ba naubusan ako bigla ng lakas.
"Let's visit Papa?"
It would've been cute that she calls my father that. If only he isn't lying there on the hospital bed all year, unconscious.
"May trabaho ako," pagdadahilan ko.
"Sa gabi?"
"Dinner na lang tayo sa labas, Love," I slid my hand on her arm then tugged her hand to my lips before turning to face her.
"He'll be sad, Lisa-"
Hinila ko siya paupo sa hita ko.
"He can't even open his eyes," simpleng sagot ko. I sighed when she frowned at me, then tucked a strand of hair behind her ear, "Sorry na Love, pero birthday ko kasi. Gusto ko lang naman sumaya sa birthday ko. Hindi ba pwedeng i-date ko ang mahal ko sa spesyal na araw ko?"
"You can naman, but..." she bit her lip, her eyes on her room's carpeted floor, "You barely have time for your family. What about your mom? Si Ten? Your friends, Jisoo and Rosé?"
Masyadong mabigat sa bulsa. Maraming bayarin ngayong buwan.
"I barely see you rin naman, ah?" I placed a chaste kiss on her shoulder blade before resting my chin on her neck, "Nagtampo ka nga last week kasi hindi tayo nagkita ng dalawang linggo, 'di ba?"
She pulled her upper body away slightly to look at me, "Lisa... if it's the bills, I can help-"
"Hindi na."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Ayan na naman tayo.
"Lagi ka namang humihindi sa konting tulong ko," she stepped back. "Gusto ko lang naman na masaya ka sa birthday mo."
"Kaya ko naman kasi," inis na sagot ko. "Hindi ako charity case."
"Ikaw lang nag-iisip niyan," naiinis na rin siya kaya hinawakan ko na lang ang kamay niya.
I cupped her cheek with my other hand. Her frown softened into a pout tapos sumandal sa kamay ko nang bahagya.
"Sorry na. 'Wag na tayo mag-away."
"I just want to make your birthday special kasi..." she grumbles.
"And it will be, because I'll be with you," I leaned forward para ihilig ang noo ko sa kanya. "Mahal na mahal kita, Love."
"Fine," she pecks my lips, "Pasalamat ka mahal na mahal din kita."
I wished love is enough.
Pero hindi naman mapapakain ng pagmamahal ang tao.
Mahal na mahal namin si Papa. Mahal na mahal siya ni Mama. Pero naghihirap kami ngayon kasi sa sobrang pagmamahal namin, hindi namin magawang sukuan ang buhay niya.
BINABASA MO ANG
Worth the Shot - JENLISA collection
FanfictionMy collection of JENLISA one shot stories. May contain some stories written in Filipino.