CHAPTER ONE

2.4K 40 2
                                    


MULA sa ginagawa sa computer ay nag-angat ng mukha si Wilda nang sa sulok ng mga mata'y makita ang pagdating ni Brent Guttierez, her thirty-two-year-old gorgeous boss for a year.

"Good morning, BG."

"Do I have an important appointment this morning, Wilda?" tanong nito nang mapatapat sa mesa niya, tinapunan siya ng tingin. Then he grimaced. "What are you wearing?"

Umangat ang mga kilay niya sa distaste na nasa mukha nito. "Alin sa mga suot ko, Mr. Guttierez?"

"Iyang blouse mo na long-sleeved na'y close­necked pa. Hindi ka ba naiinitan?" Hindi nito hinintay ang sagot niya at tumuloy na sa loob ng opisina nito.

Dapat ay ma-offend siya. Pero sa totoo lang mas nangingiti siya kaysa sa naiinis. Kung hindi mainit ang ulo ng boss niya kapag dumarating sa opisina ay hindi maaaring hindi nito pansinin ang suot niya.

Hindi rin nito itinago ang disgusto sa lahat ng damit na isinusuot niya sa araw-araw. Ang sekretarya ng mga executives sa kompanyang iyon ay may choice na huwag magsuot ng uniporme. At sa nakalipas na isang taon, simula nang maging sekretarya siya ni Brent Guttierez ay wala siyang problema sa mga isinusuot niya. Sometimes uncomfortable but her disguise had served her well.

Inihinto niya ang ginagawa, tumayo at hinugot ang memo pad sa ilalim ng crystal paperweight at sumunod dito.

"Ngayong umaga ay wala, BG," aniya habang lumalapit sa mesa nito. "But you have a two o'clock meeting with Mr. Briones sa Club Filipino." Inilapag niya sa mesa nito ang kapirasong papel.

Bahagya lang sinulyapan ni Brent ang memo pad. Binuksan nito ang dalang briefcase.

"Nandiyan din ang mga tumawag sa iyo habang hindi ka pa dumarating. All of them are expecting return calls. Sino ang gusto mong unahin ko?" She wondered why she had to ask. Humigit-kumulang ay alam na naman niya kung sino ang unang patatawagan nito.

"I could use a cup of coffee, Wil," ani Brent, inilabas ang ilang dokumento mula sa briefcase at naupo sa executive chair nito.

"Mahigpit ang bilin ni Candra na tawagan mo siya pagdating na pagdating mo."

Pagkarinig sa pangalan ng girlfriend ay ibinaling ni Brent ang pansin sa memo pad at sinuyod ng tingin ang mga nakasulat doon.

"Unahin mong tawagan si Mr. Briones, Wilda." Itinulak nito sa isang tabi ang papel at muling binalingan ang ginagawa.

"Sir, inaasahan ni Candra na tawagan mo siya sa sandaling dumating ka. Iyon ang mahigpit niyang bilin. Tatlong beses na siyang tumawag mula kanina," paalala niya.

Hindi niya gustong tanggapin ang pagtataray na naman mula rito sa tuwing sasabihin niyang wala pa si Brent.

"Wala ka rin daw sa bahay ninyo," pahabol niya.

Brent muttered something undecipherable. "I got caught in an early traffic in Buendia. May aksidenteng nangyari." He sighed. "Ako na ang tatawag sa kanya. Get me that coffee, please."

Nang damputin ni Brent ang telepono at i-dial ang numero ng kasintahan ay agad na siyang tumalikod. Si Candra ay isang socialite at isa sa mga Pilipinang naging matagumpay sa abroad sa larangan ng pagmomodelo. Hindi pa ito natatagalang dumating mula sa Europa. At wala pang isang buwan mula nang dumating ito ay agad nang naitakda ang kasal ni Brent dito.

Anak si Candra ng general manager ng Guttierez Heavy Equipment & Trucking, ang sister company ng Guttierez Engineering na nakabase sa Tanay, Rizal.

Sa pagkakaalam niya, sa isang malaking subdivision sa Tanay rin nakatira ang mga dela Rosa. Pero nalaman niya ring may inuupahang town house sa Quezon City ang girlfriend nito magmula nang dumating ito galing sa ibang bansa.

Ang papa ni Brent na si Augusto Guttierez ang namamahala sa kabilang kompanya habang si Brent naman sa engineering and construction firm. Subalit nitong nakalipas na anim na buwan ay ipinaubaya ni Mr. Guttierez kay Mr. dela Rosa ang pamamahala sa kabilang kompanya dahil sa payo ng mga doktor nang magkaroon ito ng mild attack.

Mabigat ang loob na dinampot ni Wilda ang tasa at nagsalin ng kape mula sa coffeemaker. Matapang, kaunting creamer, at walang asukal. Kabisado na niya ang timpla ni Brent kahit nakapikit siya. Sinubukan niyang itimpla iyon sa sarili niya at napangiwi siya. Paano ba nakakainom ng matapang na kape at walang asukal?

Ilang sandali pa ay pabalik na uli siya sa loob ng silid nito dala ang tasa ng kape.

"I'll try to be there," wika ni Brent Guttierez sa kausap sa telepono sa nababagot na tinig.

Then he sighed patiently. "Patong-patong ang appointment ko ngayong hapon, Candra. Hindi ko matiyak kung maisisingit ko ang—all right... all right!" Walang kaabog-abog na ibinalik nito sa cradle ang telepono. "Damn," he muttered.

Nagtataka siyang napakadali ng naging pag-uusap ng dalawa. Karaniwan na'y umuubos ng mahabang sandali si Brent sa pakikipag-usap sa kasintahan lalo na ngayong nalalapit na ang kasal ng dalawa. Kunsabagay, mabuti na nga iyong hindi nagtagal ang pag- uusap ng dalawa. Sumasama lang ang loob niya.

Bagay na hindi dapat dahil wala siyang karapatan.

"Thank you, Wil," usal nito nang ilapag niya sa desk nito ang tasa ng kape. Ni hindi ito nag-angat ng ulo at itinuon na ang pansin sa isang contract na pinag-aaralan.

Sa halip na ipagpatuloy ang naudlot na trabaho nang dumating si Brent ay nagbubuntong-hiningang nangalumbaba si Wilda. Nasa isip ang nalalapit na kasal ng guwapong boss kay Candra. She wondered if she could continue working for him once he was married.

Wala siyang problema kay Brent Guttierez. Kabisado na niya ang ugali nito. Subalit hindi niya tiyak kung kaya niyang pakitunguhan ang mapapangasawa nito.

Spoiled brat at matapobre. Ang tingin sa sarili ay ito na ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa. Iyan si Candra. She made a face. Dahil talaga namang maganda ito. Bago ito naging modelo ay nanalo itong runner-up sa isang prestigious beauty pageant.

Inikot niya ang paningin sa loob ng munting cubicle niya sa labas ng opisina ni Brent. Kalahati niyon ay yari sa fiberglass at natatanaw niya rin ang buong engineering at accounting department na siyang umookupa sa palapag na iyon. Ang personnel department at admin ay nasa ibaba nila, sa ikasiyam na palapag.

Abala ang lahat sa kanya-kanyang gawain. Gusto niya ang trabaho niya sa kompanya at kasundo rin naman niya ang lahat ng mga empleyado.

Sa loob ng isang taon niyang panunungkulan bilang executive secretary ay taglay na niya ang taguring "little boss." At nirerespeto siya ng mga kasamahan niya na kung tutuusin ay ang siyang nagbigay ng titulong iyon sa kanya.

Bakit ba, eh, siya pa lang ang kauna-unahang baguhang sekretaryang tumagal ng isang taon kay Brent Guttierez. Totoong mahigpit ito pagdating sa trabaho. Higit sa lahat ay temperamental at hindi nito gusto ng sekretaryang nagbibilang ng oras sa trabaho, lalo kung may bagong project.

Pero hindi ang mga nabanggit ang dahilan kung kaya walang tumagal na sekretarya kay Brent. Hindi rin nag-resign ang mga ito at bagkus ay hindi na pinaabot ng personnel ng anim na buwan ang probationary period at agad nang pinagbibitiw dahil hindi raw nakaabot sa pamantayan ng kompanya.

Ang totoong dahilan: lahat halos ng mga naging sekretarya ni Brent ay nagkamaling magkagusto rito. Why, she couldn't blame his former secretaries. Sino ba ang hindi magkakagusto rito? Tall, dark, and gorgeous. Higit sa lahat, masalapi.

Bago siya nag-apply sa kompanya ay ipinangako niya sa sariling hinding-hindi siya magkakagusto sa magiging boss niya kung matatanggap siya. Kinain niya ang sinabi niya. Ang konsolasyon, hindi alam ni Brent ang damdamin niya. And she couldn't even admit her folly to her cousin Aurora.

Napabuntong-hininga siya, binabalikan sa isip ang mga pangyayari sa nakalipas na isang taon....

All-Time Favorite: The Substitute BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon