ISANG hapon ay dumating si Brent na may mga kasama. Ang isa' y nasa mahigit singkuwenta ang edad at naka-dark glasses; ang isa naman ay matangkad at guwapong lalaki na sa tingin niya ay nasa late twenties naman nito.
At ang isa pang kasama, kahit hindi ipakilala sa kanya ay nahuhulaan na niya kung sino kung ang pagbabatayan ay ang pagkakakawit ng braso nito sa braso ni Brent.
Candra dela Rosa. Five feet and eight inches ang taas. Tall and very slim. Typical sa mga modelo. Stunningly beautiful. Iyong sophisticated beauty kung tawagin. Maiksing-maiksi ang naka-style na buhok na mamula-mula. Natitiyak niyang ginamitan ng dye. But it didn't matter, bagay rito ang kulay ng buhok.
"Good afternoon," bati niyakay Brent. '"Afternoon," she murmured, para sa mga kasama nito.
Huminto si Brent sa tapat ng mesa niya at ipinakilala sa kanya si Candra.
"Candra, I want you to meet my secretary, Wilda Abrantes. Magkakilala na kayo dahil siya ang nakakasagot sa tawag mo." Nginitian siya ni Brent. "Dumating si Candra kaninang madaling-araw mula sa Europa."
"So. This is the little secretary! I got so insecure with your voice, my dear, that I insisted on coming here this morning. Bagaman matagal nang tiniyak sa akin ni Papa ang tungkol sa iyo," walang pakundangang sabi nito sa condescending tone habang hinagod siya ng tingin.
Napakunot-noo siya sa sinabi nito at nakita niyang kahit si Brent ay ganoon din. Agad na dinugtungan ni Candra ang sinabi.
"My father had seen you once. Nagpunta ka yatang minsan sa kabilang kompanya dahil may iniutos sa 'yo si Brent na kunin mula sa accountant doon..." Nilingon nito ang nakatatandang lalaki. "Hindi ba, Papa?"
Inalis ni Mr. dela Rosa ang dark eyeglasses nito at tumango. "I didn't bother to come out of my office. Tutal ang accountant ang sadya mo." His tone was as condescending as his daughter.
Pero hindi iyon ang dahilan kaya napasinghap nang malakas si Wilda. Na kung hindi niya napigilan ang sarili ay mapapatayo siya. Humigpit ang pagkakahawak niya sa edge ng mesa. Kung may nakapuna man sa panginginig ng mga kamay niya ay hindi niya matiyak.
"Huwag mong pansinin si Candra, Wilda.
Mabiro lang siyang talaga." Tinitigan nang masama ni Brent ang kasintahan at pagkatapos ay binalingan ang mas batang lalaki. "And this is Jimmy, pamangkin ni Hector. Jimmy, si Wilda."
"Hi," was all he said and shrugged his shoulders. Para bang ipinahihiwatig na bakit kailangan pa itong ipakilala sa isa lamang hamak na empleyado.
Then he turned his back, dismissing her. Which might as well. Dahil natitiyak niyang hindi niya magagawang umusal ng kahit isang salita.
Si Candra ay naunang lumakad patungo sa pribadong silid ni Brent na tila reyna kasunod ang mga ministro nito. Nagpupuyos ang loob niya habang sinusundan ng tingin ang mga dela Rosa. Bagaman naapektuhan siya sa disimuladong insulto ni Candra sa kabila ng pagsalo ni Brent ay hindi iyon ang dahilan ng matinding galit na biglang namuo sa dibdib niya.
Hindi niya makuhang kumilos at tumayo para sumunod at tanungin ang mga bisita ni Brent kung gusto ng mga ito ng kape o juice o tubig. Kahit pa siguro tawagin siya ni Brent at humingi ng kape para sa mga bisita ay hindi niya magagawang sumunod.
She was trembling with anger. Hindi niya alam kung paano pipigilin ang galit na nagsisikap kumawala mula sa dibdib niya. Hindi pa siya nakadama ng ganoong uri ng galit magmula nang mangyari ang trahedyang iyon sa buhay nila.
It had been six year when it happened. Pero hindi niya malilimutan ang mukhang iyon na lumabas sandali sa kotse nito subalit hindi gumawa ng paraan para madala sa ospital ang Tiya Agnes niya. Na kung hindi nito tinakbuhan ang tiya niya ay malamang na nabuhay pa ito.
BINABASA MO ANG
All-Time Favorite: The Substitute Bride
Romance"Marry me, Wilda. I cannot be jilted the second time around." Brent Guttierez was tall, dark-and wow! She was also Wilda's boss. Sa loob ng isang taong pagtatrabaho niya rito bilang sekretarya ay naitago niya nang mahusay ang damdamin niya dahil ma...