SA PARKING area sa ibaba ay nagtatakang tinitigan ni Jimmy si Candra habang binubuksan nito ang kotse.
"Ang buong akala ko kanina nang malaman mong pumasok si Brent at nagyaya kang magtungo tayo rito ay susugod ka sa giyera. Na hindi ka pa dapat umuwi kung hindi lang sa pagpipilit ni Tito Hector. Pero tila ka maamong tupa sa harap ni Brent at ng babaeng iyon."
"Tumigil ka, Jimmy!" bulyaw ni Candra at pumasok sa sasakyan. Umikot sa kabila si Jimmy at sumakay. "Hindi si Brent ang uri na makukuha mo sa init ng ulo. Nang magkausap kami kanina ay natiyak kong walang mangyayari kung magagalit at sisigaw ako. I tried tears. Maybe that would work with him. He looked remorseful." Pinaandar na nito ang makina ng kotse at inilabas sa parking lot.
"Nagtataka naman ako sa iyo, 'insan," he said. "Bakit kailangang guluhin mo pa si Brent? May asawa na siya. Kasalanan mo naman kung bakit nagpakasal sa iba iyong tao. Bumalik na lang tayo sa Europa at kalimutan mo na siya. Tutal marami ka namang reserba doon, 'di ba?" He laughed knowing that Candra had never been once faithful to Brent.
Tumiim ang mukha nito habang iminaniobra ang sasakyan palabas sa main road. "Hindi pinakakawalan ang tulad ni Brent, Jimmy. I underestimated him. Buong akala ko'y mapapasunod ko siya sa bawat naisin ko dahil anak na ang turing sa akin ng papa at mama niya. I knew they had always wanted a daughter and I was that to them. But I was wrong."
"Obviously."
"At napahiya si Papa. Napahiya rin ako sa mga kaibigan at sa mga empleyado na nakakaalam ng tungkol sa amin. Isipin mong ipinagpalit niya ako sa isang kisapmata sa isang empleyada lamang!" nagngingitngit nitong litanya.
"So, ano ang plano mo ngayon? Bakit kailangang magpaimbita ka bukas ng gabi sa condo ni Brent?"
"I will get him back, Jimmy boy! Kaya kong gawin iyon. At kailangang kong gawin iyon. Kailangan ko si Brent upang manatili sa kompanya si Papa. Alam mo namang iyon lang ang pinagkukunan ng kabuhayan at pang-mahjong ng matanda. Kulang pa sa akin ang kinikita ko."
Jimmy rolled his eyes. "Paano'y napakaluho mo, Candra. You are spending money na para itong tubig at may balon kang umaapaw. Sa income mo, hindi mo kailangan si Brent kung tutuusin."
"Well, you're wrong, I want him! Hindi ako mananatiling bata. Sa malaon at madali ay may hahalili nang mas bata... mas maganda. Ganito sa mundong ginagalawan ko. Alam mo iyan!"
"Oh, eh, ganoon naman pala, sana'y tinanggihan mo ang alok sa Paris, di sana'y buhay-donya ka ngayon. Kahit hindi ka magtrabaho' 'pag nagsimulang sumungaw na ang mga wrinkles mo." He sighed. "You wanted the best of both worlds, cousin."
"Huwag mo na akong sisihin at baka mainis mo pa ako'y hindi mo makukuha sa akin ang hinihingi mong twenty thousand."
He raised his hands in the air. "Okay... okay. So, ano ang balak mong gawin natin?"
"Makinig ka."
Isang makahulugang ngiti ang pinakawalan ni Candra at tinitigan siya sa paraang gusto niyang manlumo. But he couldn't say no to his cousin. Marami siyang utang-na-loob dito kahit paano.
At ang mag-ama na lang ang natitira niyang kamag-anak sa mundong ito. Bukod pa sa gusto niya ang trabaho niya bilang alalay ni Candra. Nakapagliliwaliw siya sa iba't ibang panig ng mundo nang hindi naghihirap at malaking pera ang tinatanggap niya ri to.
NAGING napakaabala ni Brent sa maghapong iyon at hindi nagkapuwang ang ano mang personal na usapan sa pagitan nilang dalawa. Bukod sa mga imbestigador para sa nangyaring holdup-an sa suweldo ng mga tauhan sa Palawan ay dumating din ang engineer at architect mula sa Mindoro. At kahit si Wilda ay abala rin sa maraming gawain.
BINABASA MO ANG
All-Time Favorite: The Substitute Bride
Romansa"Marry me, Wilda. I cannot be jilted the second time around." Brent Guttierez was tall, dark-and wow! She was also Wilda's boss. Sa loob ng isang taong pagtatrabaho niya rito bilang sekretarya ay naitago niya nang mahusay ang damdamin niya dahil ma...