HINDI kaagad nakatuloy sa puwesto niya si Wilda. Naabala siya ng maraming empleyadong bumati sa kanya, mula sa security guard hanggang sa itaas sa engineering.
Nakapuwesto na ang ngiti niya para sa mga ito at umuusal ng pasasalamat. Nakahinga siya nang maluwag nang makarating siya sa cubicle niya.
"Hi," bati ni Menchu. Nakaupo ito sa silya niya at agad na tumayo nang makita siya at inilahad ang kamay.
"Congratulations," bati nito. "Ano ba ang itatawag ko sa iyo ngayon? Mrs. Guttierez o ma'am?"
She grinned at her. "Loka..." Ang akma pa niyang sasabihin ay napigil nang maalalang may tatlong lalaking nakaupo sa mahabang bench sa labas ng cubicle niya.
"Sino ang mga lalaking nasa labas ng opisina ni Brent?"
"Mga imbestigador," anito. "Palawan case, alam mo na. Kung hindi mo ako kailangan dito babalik na ako sa puwesto ko." Then she hesitated, a worried look on her face.
She frowned at her friend. "May... problema ba?"
"I hope not," agad nitong sabi at sumulyap sa opisina ni Brent. "I envy you, my friend. But right now, I don't want to be in your place."
Hindi niya maunawaan ang huling sinabi nito pero may mga bisita at hindi sila maaaring magkuwentuhan. Lumabas na si Menchu bago pa siya makapagpasalamat. Inilapag lang niya ang bag niya at lumabas sa cubicle at hinarap ang mga bisita.
Ang mga mata niya'y nakatutok sa isa na medyo bata pa at tila pamilyar ang mukha sa kanya.
"May appointment ka ba kay Mr. Guttierez?"
"Tama pala ang ibinalita sa amin!" bulalas nito kasabay ng paghagod ng tingin sa kanya. "Why, the little secretary has changed!"
Kumunot ang noo ni Wilda at inaalala sa isip kung sino ito. At bago pa niya maisip ay agad itong nagpakilala. "Ako si Jimmy, remember? Pinsan ni Candra."
An "Oh" formed her lips. Nilingon niyang muli ang opisina ng asawa. Nakasara ang pinto niyon na bihirang gawin ni Brent malibang may close-door meeting ito sa mga tauhan.
"Nasa loob ba si Mr. dela Rosa?" tanong niya bagaman iba ang kutob niya sa kung sino ang nasa loob at kausap ni Brent. Si Jimmy ay pinaniniwalaan niyang super-alalay ni Candra.
"Si Candra," kumpirma ni Jimmy sa iniisip niya sa kalmante at nakakalokong ngiti. "We arrived yesterday afternoon. Despite the jet lag, she would have gone straight to Brent kung hindi siya nasabihan ni Tito Hector na nasa Palawan si Brent kahapon. Well, narito na siya bago pa dumating si Brent ngayong umaga."
"I see," aniya nang wala sa loob.
Ang mga mata niya'y nanatiling nakatutok sa nakasarang pinto ng opisina ni Brent. Kaya ba hindi siya pinagmamadali nito sa pagpasok dahil kasama nito si Candra?
"Do you really?" sarkastikong sagot nito na nagpabalik ng pansin niya rito. Nakaplaster na sa mga labi nito ang nakakalokong ngisi.
Sunod-sunod ang pag-ahon ng kaba sa dibdib ni Wilda. Muli siyang bumalik sa puwesto niya at naupo sa silya niya. Her legs felt like rubber. She chided herself for feeling guilty. Gayong hindi naman dapat.
Sumunod si Jimmy at naupo sa visitor's chair sa harapan ng mesa. "Hindi agad kita nakilala, Wilda," anito kasabay ng muling paghagod ng tingin sa kanya sa malisyosong paraan. "Ang laki ng ipinagbago mo. Kailan mo sinimulang hubarin ang old maid look? Noon ba mismong unang araw na umalis si Candra patungong Paris? Sinamantala mo ang pagkakataon?"
BINABASA MO ANG
All-Time Favorite: The Substitute Bride
Storie d'amore"Marry me, Wilda. I cannot be jilted the second time around." Brent Guttierez was tall, dark-and wow! She was also Wilda's boss. Sa loob ng isang taong pagtatrabaho niya rito bilang sekretarya ay naitago niya nang mahusay ang damdamin niya dahil ma...