SA FAMILY room siya dinala ni Mrs. Guttierez. Malaki at maaliwalas ang buong silid. Ang isang bahagi ng silid ay isang malaking French door at bukas mula halos sa sahig hanggang sa kisame at palabas patungo sa lanai. Natatanaw niya ang swimming pool at back garden mula sa silid.
May plasma TV at stereo component. Sa gitna ng silid ay isang overstuffed na pang-isahang sofa at naka-parallel dito ay isang komportable at malaking sofa bed. Sa gitna ay isang malaking coffee table na may magandang flower arrangement sa isang mamahaling vase.
Mula sa drawer ng isang antigong chest ay inilabas ni Mrs. Guttierez ang isang malaking album.
"Although I truly want you to look at these pictures, Wilda," anito at naupo sa sofa bed at iminuwestra sa kanyang maupo rin siya sa tabi nito, "ay ginawa ko lang dahilan iyon upang magkasarilinan tayo." Inilapag nito sa pagitan nila ang album.
Marahan siyang tumango. Nahulaan na niyon.
"Tungkol po ba sa amin ni Brent ang pag-uusapan natin, Mrs. Guttierez?" she asked the obvious. Nakahanda nang tanggapin ang pagtanggi nito sa kanya na hindi maipakita sa harap ni Brent.
Pero hindi niya inaasahan ang kasunod nitong sinabi.
"Simulan mo nang tawagin akong 'Mama,' hija. And yes, tungkol sa inyo ni Brent ang nais kong ipakipag-usap sa iyo." She paused for a moment, tila naghahagilap ng tamang sasabihin. "Una, hindi ko alam kung paano ka napapayag ng anak kong pakasal sa kanya..."
Umiwas siyang tingin. "Sinikap kong magpaliwanag kay Brent hanggang kahapon. He wouldn't see reasons. Ikinalulungkot ko."
"Oh, don't be," anito. "I am glad you agreed to marry my son."
Bahagya siyang nagulat pero nanatili siyang composed. "He... is very persuasive. He left me with no choice."
"Yes. Brent could be persuasive if he wanted to. Isa sa mga dahilan kung bakit mahusay na negosyante ang anak ko even at a young age of twenty-four when he had just finished his masters. Mana sa papa niya." Puno ng pagmamalaki ang tinig ng ginang.
She looked at the older woman levelly. "How... how could you have agreed to this wedding so easily? I mean, si Candra, ano na lang ang sasabihin ng—" Pinutol nito ang sasabihin niya. "Sinasang- ayunan ko ang anak ko nang sabihin niyang marapat lamang ang gagawin niyang pagpapakasal sa ibang babae matapos ang muli na namang—"
It was her turn to cut Mrs. Guttierez's words. "But you can't allow him to marry me just to spite Candra!" She groaned silently. She had this tiring argument yesterday with Brent.
"Don't feel like you're being used to spite Candra, hija. Hindi gusto ni Brent na iyon ang isipin namin ng papa niya. Dahil ipinaunawa mismo namin sa kanya ang bagay na iyan."
"Yeah," she said drily. "Brent wanted to use a subtle term, Ano kaya ang dapat? Proxy bride? Substitute bride?" She gave a small self-mocking smile.
Mataman siyang tinitigan ni Mrs. Guttierez bago, "Sinabi ni Brent na..." Tumikhim muna ito bago itinuloy ang sasabihin "may nangyari na sa inyo. That he seduced you. That you had no experience. Na hindi niya magawang talikuran ka. Sa bagay na iyan ay sang-ayon kaming mag-asawa. Paano nga naman kung magbunga ang namagitan sa inyo? Hindi kayo gumamit man lang ng proteksiyon, hindi ba?"
Nag-init ang mukha niya at bago pa siya makasagot ay nagpatuloy ito. "Oh, well, both of you mustn't have planned that. Binigla ka ng anak ko. At hindi ko gustong magkaroon ng apong bastardo, hija."
Wilda groaned in frustration and embarrassment.
"What happened between the two of you cemented his decision to marry you. My son is a very responsible person, hija. Isa pa, your willingness to marry him saved us from another scandal. Yes, there are explanations to be made. But scandal is another matter. Nagpaliwanag na ako noon sa mga kaibigan namin kung bakit hindi natuloy ang kasal nina Brent at Candra. Ayokong ulitin sa ikalawang pagkakataon. At muling mapahiya."
BINABASA MO ANG
All-Time Favorite: The Substitute Bride
Romance"Marry me, Wilda. I cannot be jilted the second time around." Brent Guttierez was tall, dark-and wow! She was also Wilda's boss. Sa loob ng isang taong pagtatrabaho niya rito bilang sekretarya ay naitago niya nang mahusay ang damdamin niya dahil ma...