CHAPTER EIGHTEEN

2.6K 31 0
                                    


"NARINIG mo, Hector. And if you wish to witness our wedding..." Ikiniling ni Brent ang ulo at painsultong ngumiti, "you are invited."

Nanlaki ang mga mata ni Hector dela Rosa. Hindi agad nakapagsalita. Namula at kinabahan si Wilda na baka may sakit ito sa puso at bigla na lang matumba.

But then that would be poetic justice, wouldn't it?

"Are you mad?" anito makalipas ang ilang sandaling titig na titig kay Brent. "Paano ka magpapakasal diyan sa sekretarya mo..." Dinaanan siya nitong tingin "...gayong kayo ni Candra ang ikakasal?'

"Kinansela ko na ang kasal namin ni Candra, Hector," bale-wala nitong sagot na para bang ang kinansela ay isa lamang business appointment.

"Brent, alam mo ba ang sinasabi mong ito?"

"Hindi ba at iyon naman ang inaasahan ninyo ni Candra, namuli'y ikansela ko ang kasal namin? Puwes, sa pagkakataong ito ay tuluyan ko nang kinansela ang ano mang kasal sa pagitan namin ng anak mo. I am marrying another woman. A one who is worthy of my name."

"Hindi mo ito magagawa, Brent!" Sa kabila ng lamig ng air-conditioning ay gumiti ang pawis sa noo ni Hector dela Rosa. "Hindi ipinapa-cancel ni Candra ang kasal ninyo. Ipinapa-postpone lang ng ilaw araw."

"Come on, Hector," he said in a dangerous tone. "Don't take me for a fool. Ilang beses ko ring pinahintulutang gawin ninyong mag-ama sa akin iyan dahil sa pagkakaibigan ng pamilya. Alam mong tumawag ang ahente ni Candra at alam mo ring hindi tinanggihan ng anak mo ang alok ng ahente niya. Pero ni hindi mo sinabi sa akin... sa amin ni Mama. You allowed us to proceed on distributing wedding invitations to friends."

"H-hindi ko alam ang pamamahagi ng mga imbitasyon—" Hindi nito itinuloy ang sinasabi nang makitang unti-unting naniningkit ang mga mata ni Brent. Agad itong nagbawi. "Oh, well, I guess... kaya siguro pinahintulutan ni Candra iyon dahil makababalik naman siya kaagad. What she was asking was a few days postponement. Isang linggo..."

Hindi sumagot si Brent at nakatitig lang sa matandang lalaki sa nagngangalit na mga bagang.Dumukot ng panyo sa bulsa nito si Hector at nagpunas ng pawis sa mukha. Pagkatapos ay humakbang patungo sa swivel chair at naupo paharap kay Brent. Sa wari ay tinakasan ito ng lakas.

"Higit kanino man ay ikaw ang dapat na umunawa, Brent. You can't deny my daughter... your future wife, for crying out loud, that chance of a lifetime! She had been dreaming of going to Milan and model for the famous Martelliani. We both thought that you'd be proud of her... " He was explaining frantically.

"Walang kailangang ipaliwanag nang mahaba, Hector. Ano man ang gawin ninyong mag-ama ay hindi na matutuloy ang kasal namin ni Candra."

"Can't you be a little bit reasonable? Kung ang mga wedding invitations ang ipinagsisintir mo, gasino nang tawagan ang mga napadalhan ng imbitasyon upang baguhin lamang ang petsa ng kasal dahil pagkatapos ng isang linggo ay narito na uli si Candra. Kung kinakailangang ako ang tumawag at magpaliwanag ay gagawin ko," patuloy na pagpapaliwanag nito. Muling nagpunas ng pawis sa noo.

"It doesn't matter. Kinansela na ni Mama ang mga naunang imbitasyon. Sa halip ay may ipinadala siyang panibagong imbitasyon bukod pa sa siya mismo ang personal na nag-aabot ng mga invitation cards." Nasa tinig nito ang dismissal para sa matandang lalaki.

Tumayo ito at lumapit sa kanya. "Get ready, darling..."

"Hindi mo magagawa ang kahihiyang ito, Brent! You can't marry another woman out of spite. It isn't fair."

Wilda winced. Hector dela Rosa pointed out her very own thoughts days ago.

"Fair?" Galit na bumaling si Brent dito. "You and your daughter do not know the meaning of the word even if it hits you both in your noses! At hindi ang sinasabi mo ang dahilan kaya magpapakasal kami ni Wilda, Hector."

All-Time Favorite: The Substitute BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon