CHAPTER ELEVEN

2.6K 34 5
                                    


"Kung inaasahan mong hihingi ako ng paumanhin sa nangyari ay tinitiyak ko sa iyong maghihintay ka ng milyong taon, Wilda, dahil hindi ko pinagsisisihan ang namagitan sa atin!" ani Brent na pumukaw sa pananahimik at pag-iisip ni Wilda.

"Salamat, kung ganoon," sagot nito sa matabang na tono nang hindi lumilingon sa kanya. "That would be the last insult kung hihingi ka ng paumanhin pagkatapos ng ginawa mo."

"Ang kaisa-isang bagay na ikinalulungkot ko ay ang katotohanang sarili ko lang ang nasiyahan. I never made you come. I am sorry about that. How was I to know that it was your first time?" he said, his tone wondering.

Her cheeks colored. "Please, Mr. Guttierez."

"But you are not going to spoil my record, are you, Wilda?" he teased, meaning to lighten up her mood.

Kanina pa nagsasalubong ang mga kilay nito at nakikita niyang pinipigil ni Wilda ang umiyak.

At mas nanaisin pa niyang nagagalit ito kaysa umiyak. He felt like a bastard taking a young virgin.

At paano ba naman niyang mahuhulaang wala itong karanasan gayong sa buong panunungkulan nito bilang sekretarya niya ay sinasabi nitong may boyfriend na ito?

Brent wanted to comfort her. Gusto niyang ikulong ito sa mga bisig niya. Tell her that everything would be all right. But he held himself. Kinakabahan siyang baka hindi tanggapin ni Wilda ang pang-aalo niya at mag-hysteria ito.

Nakikita niya sa mukha nito that she was on the verge of it. And he was real worried. He had never been in a situation like this. Hindi niya alam ang gagawin at sasabihin. This was all new to him.

But then Wilda was something of an enigma. Kahit noong araw pa nang nagsisimula pa lang itong magtrabaho sa kanya. She had intrigued him. Dahil sa kabila ng pangit nitong salamin sa mata ay hindi nakaila sa kanya ang makinis nitong kutis. Kahit ang balahibong pusang nakakalat sa mga braso nito ay may kakaibang damdaming idinulot sa kanya na sadya niyang sinikil.

Kay raming pagkakataon na lihim niya itong pinagmamasdan, wishing he had an X-ray eyes. Gusto niyang malaman kung ano ang nasa likod ng salamin nito sa mata; sa ilalim ng isinusuot nitong mga damit na kahit ang mama niya ay hindi gumagamit.

Despite the attire that she was portraying, she had an inherent grace; she was soft-spoken; well- mannered. Lahat ng iyon ay kabaligtaran ni Candra. Oh, Candra had grace. No doubt about it. Pero nakuha nito iyon sa finishing school at kailangang pairalin dahil sa trabaho.

Ang inilamang lang nito sa sekretarya niya ay higit na maganda si Candra. Yaong uri ng gandang nakikita sa cover ng mga magazine na pambabae.

Also the kind of beauty that was skin-deep.

Nang mahantad sa kanya ang pagbabalatkayo ni Wilda kanina, though she was pretty in her own right, ay hindi pa rin ito maihahambing sa pisikal na ganda ni Candra.

But then there's beauty and there's beauty.

And Wilda was beautiful, inside out.

Totoong nagagalit siya na ipinapo-postpone ni Candra ang kasal nila. But deep inside him, naroon ang kasiyahang nakalaya siya sa taling itinali sa kanya ng responsibilidad. Perhaps the feeling had been there all these time. Hindi lang niya binigyan ng pagkakataong makapangibabaw dahil inaasahan na ng bawat pamilya na magkakapangasawahan sila ni Candra.

At may nararamdaman siyang kakaiba sa kaibuturan ng kanyang puso para kay Wilda na hindi niya kayang bigyan ng pangalan.

All he could say was that Wilda was refreshing. Para siyang nanggaling sa disyerto at uminom ng malamig na tubig sa katauhan nito.

All-Time Favorite: The Substitute BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon