CHAPTER FOUR

2K 35 2
                                    


"HINDI mo naipasa ang typing exam," ulit nito.

Napakagaga niyang talaga! Wala siyang mahagilap na sasabihin kaagad kaya isang bahagyang tango ang ginawa niya. Kung iyon ang idadahilan nito para hindi siya tanggappin dahil ngayon pa lang ay bumagsak na siya sa personal na pagsubok, so be it.

Bahagyang kumunot ang noo ni Brent Guttierez sa casualness ng reaksiyon niya. "Pero naipasa mong lahat ang mga examinations mo. Above average ang resulta. Sa mga naunang aplikante ay ikaw ang may pinakamataas na nakuha."

"Oh. Thank you."

"You are single and twenty-eight years old," he murmured and again looked down into her files. Kapagkuwa'y muling nag-angat ng mukha at tumingin sa kanya.

Disimuladong umiwas ng tingin si Wilda dahil sa wari niya kapag sinalubong niya ito ng tingin ay malalaman nito ang totoo niyang edad na beinte- dos. Sa halip ay itinuon niya ang mga mata sa folder na hawak nito at tumango.

Sinadya niyang dagdagan ng anim na taon ang edad niya, for good measure.

"May boyfriend ka na ba, Miss Abrantes?" he asked in a silky and seductive tone, nagpapahiwatig na mas gugustuhin nitong marinig na wala pa siyang kasintahan.

Napakunot ang noo ni Wilda sa tanong na iyon. Hindi niya inaasahan ang personal na mga katanungan sa interview niyang iyon.

She squared her shoulders and raised her chin a fraction. "Yes. I do have a boyfriend, sir."

"I see," simpleng sabi ni Brent Guttierez na tumango-tango. "Pang-anim ka na sa na-interview ko ngayong umaga, Miss Abrantes, and the only one to have admitted having a boyfriend."

Nahihimigan ni Wilda ang amusement sa tinig nito. Ikinaaliw ba nito ang naging sagot niya? Dahil ba hindi ito makapaniwalang sa hitsura niyang iyon ay magkaka- boyfriend na siya? Did he see through her lie?

O para iyon sa mga naunang aplikante na hindi niya masisi sa pagsasabing mga walang boyfriend? Napangiti siya nang wala sa loob.

"Gusto mo bang sabihin sa akin kung para saan ang ngiting nakasungaw sa mga labi mo?" tanong nito na bahagya niyang ikinagulat dahil hindi niya inaasahang napangiti siyang talaga.

"N-nothing important, Sir. I... I just remember something funny."

His lips twitched at the corner in a smile. "O dahil hindi mo rin mapaniwalaan na walang boyfriend pare-pareho ang mga kasama mo sa labas?"

Pilit sinikil ni Wilda ang pagsinghap sa percep­tiveness ng lalaki.

"Do you think they lied, Miss Abrantes, considering na may mga magagandang personalidad ang mga ito at nasa hustong gulang na rin naman?"

"I-I have no way of knowing that, Sir." Personal ba ang paraan ng pag-i-interview ng lalaking ito?

Sumandal ito, ini-relax ang sarili, looking so delectable, like a melting ice drop on a stick that she wanted to lick hurriedly, dahil baka tumulo sa lupa.

"So, may boyfriend ka na, Miss Abrantes, pero sa palagay mo ba ay maaari ka pang mag-entertain ng ibang admirers?" Again, he smiled. In his most charismatic smile.

Nag-init ang mukha niya. Walang kinalaman ang tanong nito sa ina-apply-an niyang trabaho. She was correct in her assumptions. Na sa interview pa lang ay nagsisimula na ang pagsubok.

She couldn't blame the previous girls for falling for this man. At kung hindi siya binalaan ng pinsang si Aurora ay malamang na napatanga na rin siya ngayon pa lang.

All-Time Favorite: The Substitute BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon