CHAPTER THIRTY - FINALE

4.2K 61 19
                                    


NAPAUNGOL si Brent. "Na naman? Can't we totally forget about her? Hindi ko na gustong marinig ang pangalan niya."

"But she was with you in Mindoro," giit niya.

Nagsalubong ang mga kilay nito. "No!" mariing tanggi nito. "Magkasama kami kanina dahil dumaan ako sa bahay nila upang hingin ang cell phone ko na hiniram niya noong gabing bumibili kami ng pagkaing iuuwi rito. Ang sabi niya ay may dadalawin siyang kakilala dito sa building. I almost didn't believe her but gave her the benefits of the doubt.

"At kaya nga maaga akong umalis dito kanina ay para daanan iyon sa kanya. Pero wala siya at maaga raw umalis. Tumuloy ako sa Mindoro nang walang dalang cell phone, Wilda."

"Oh," banayad niyang bulalas. But she was unstoppable. "Noong gabing magkasabay kayong dumating, ang sabi ni Candra ay magkasama kayo..." Muling umiling si Brent. "Inabutan ko siya sa tabi ng kotse niya sa parking lot. Galing daw siya dito sa itaas at hindi ka nga raw nakapagluto kaya bumili na lang kami ng pagkain sa labas. Hindi ko sana gustong sumama dahil pagod na pagod ako sa dami ng trabaho pero mapilit siya." Hinawakan nito ang baba niya at itinaas. "Another miscommunication, my dear wife?"

"Oh, Brent... Napakaraming hindi pagkakaunawaan. At lahat ay dahil sa akin." Pinaglandas niya ang daliri sa mukha nito. Marahang hinaplos niya ang mga labi nito, as if she was begging for a kiss.

Hinawakan ni Brent ang kamay niya and kissed her fingertips one after the other.

"From now on, you can forget Candra. Hindi na niya tayo gagambalain pa. Kinausap ko siya kanina pagkahatid ko sa iyo. I bargained with her. May pinagsamahan din naman kami kahit paano, I hope you understand, darling..."

"Ano ang naging pag-uusap ninyo?"

"Totoong sinabi niya sa papa niya na gawan ng paraang huwag matuloy ang kasal natin but she never thought her father would think of murdering you. Noong araw na sinabi mong nabundol ni Hector ang tiyahin mo ay sinabi niya sa papa niyang dalhin sa ospital ang babaeng nabundol nila.

"Subalit hindi pumayag si Hector. Hindi raw nito gustong makulong I believed Candra because they were really honestly arguing about it. Candra blaming her father. Narinig ko iyon sa tape na lihim na iniwan ni Daniel sa silid niya habang naroroon ang mag-ama.

"So, I told Candra to go out of the country and never come back. Na huwag na niyang naisin pang guluhin ang buhay natin dahil mahal kita. Kapalit ng hindi ko pagsampa ng demanda sa kanila ni Jimmy ay sumang-ayon siyang umalis na lang ng bansa."

"What about Hector?"

"Nakiusap si Candra. Subalit bahala na ang batas sa kanya. Maliban sa kaso ng tiyahin mo na naitago niya sa matagal na panahon ay pinagtangkaan pa niya kayo ni Rory. And then there's the money that he embezzled from the company.

"I kept silent about it. Dahil hindi ko gustong atakihin si Papa sa sandaling malaman niyang ang pinagkatiwalaan niyang kaibigan ay nakadispalko ng malaking halaga. Mapipilitan si Hector na ipagbili ang share niya sa kompanya at nang mabayaran niya ang halaga ng perang nadispalko niya sa trading firm sa nakalipas na dalawang taon."

She sighed. Sa ibang araw ay magagawa na niyang sabihin sa mga magulang at sa Uncle Samuel niya na nabigyan na ng hustisya ang pagkamatay ng tiyahin niya.

"Pangako, Brent, mula ngayon ay hindi ko na pahihintulutang kontrolin ng mga maling hinala ang puso at isip ko. Though you can't totally blame me," bawi niya at lumabi. "Ni hindi mo sinabi sa aking mahal mo ako."

"Didn't my kisses tell you that? Didn't my eyes say that I so love you, darling?" Tumayo ito, scooped her in his arms. "I love you, wife. More than any man could ever love a woman."

Dinala siya ni Brent papasok sa silid at ibinaba sa gitna ng kama.

"Hindi pa tayo naghahapunan, Brent," aniya at akmang babangon pero muli siyang ibinalik nito pahiga.

"Kung nagugutom man ako ngayon ay sa isang bagay, darling, at hindi ako makapaghihintay pa."

Bumaba ito sa tabi niya. Then he rained her face with kisses. His lips moved down to the hollow of her throat. His arms went around.

Mainit at buong laya niyang tinugon ang mga halik ng asawa. Unti-unti'y nagsisindi ng apoy si Brent sa katawan niya. Tila siya tuyong gubat na nagsisimulang maglagablab. She was moaning and whimpering. She wanted more and fast.

Subalit ang mahigpit na pagkakayakap ni Brent sa kanya ay unti-unting lumuwag. Ang mga halik nito ay nanatili sa iisang lugar—sa leeg niya at nakayupyop na roon.

At nararamdaman niyang bumibigat sa ibabaw niya ang asawa.

Bahagya siyang kumawala at tinitigan ito. Ibig na niyang humalakhak nang malakas nang makitang tulog na ito. Brent was breathing evenly. Instead, a tender smile broke her lips slowly.

She sighed in contentment and gazed at the handsome face of her husband. Bawat linya at anggulo. At bagaman nakabakas doon ang kaligayahan at katiwasayan ay alam niyang pagod na pagod ito.

Mula sa tensiyong namagitan sa kanilang mag-asawa mula nang ikasal sila hanggang sa pamamahala sa kasalukuyang problema sa opisina. At hanggang sa mga pangyayari kanina.

Kagabi ay alam niyang puyat at pagod si Brent dahil galit ito nang lumabas sa silid nila.

Natitiyak niyang hindi na ito natulog. Natitiyak niya ring maraming problema itong dinatnan sa Mindoro at napagod ito sa mahaba at balikang biyahe.

Dapat ay nanindigan siyang pakainin ang asawa but she missed him so much that she, too, wanted to spend the next hours making love to him.

Sa nakikita niyang kapaguran nito ay natitiyak niyang mas gugustuhin na lang ni Brent ang matulog kaysa kumain.

"Sleep well, my darling," bulong niya, planting a soft kiss on his forehead and craddled him against her chest. "I love you."

"Hmm. .. love you, too, at huwag kang umalis," he murmured sleepily. Muling humigpit ang pagkakayakap sa kanya. His hand on her soft curves, forcing himself awake.

But she softly and lovingly caressed the thickness of his hair, hanggang sa tuluyan uling makatulog si Brent.

Nanatili si Wilda na nakayakap sa asawa. Nagsisimula pa lang ang marriage life nila ni Brent. Malalaking unos pa ang darating sa buhay nila. But they would weather them all as long as they were together. Sa ngayon ay sapat na ang kaalamang mahal nila ang isa't isa.

•••WAKAS•••

All-Time Favorite: The Substitute BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon