Kinakabahan siya sa tono nito. Nalilito siya. Hindi niya gustong makipaghiwalay rito. Nasasaktan siyang malamang magkasama ito at si Candra. Despite what happened tonight, hindi pa rin niyon maitatatwang magkasama ito at si Candra sa Mindoro. Mahal niya ito at nagagalit siya rito. At hinihiwa ang puso niya sa kaisipang maaaring makipaghiwalay si Brent sa kanya.
Nakita marahil ni Brent ang lahat ng emosyong naghahali-halili sa mukha niya. Binabaan nito ang tono.
"Bakit ka uuwi sa inyo? At bakit nagbago ang isip mo? Bakit ka sumama kay Jimmy?" sunod-sunod nitong tanong, and each question made her flinch.
He was trying to control his anger. At her. At himself. Paano kung hindi nito nakita ang pagsakay ni Wilda sa kotse ni Jimmy?
Ang galit nito ay dagling napatungan ng pag-aalala at takot nang masulyapan nito ang maleta ng asawa sa silid. Tila may sumuntok sa sikmura nito.
Tuluyan nang napahikbi si Wilda. "N-nalilito at naguguluhan ako sa mga nangyayari, Brent. Hindi ko na alam kung ano ang iisipin."
"Natural, Wilda, dahil gumagawa ka ng sarili mong multo at ikaw ngayon ang natatakot."
"Maybe. And I'm sorry. Pero isang bagay lang ang gusto kong sabihin sa iyo..."
"Say it!" he snapped. He could kill her for torturing him like this. Would she leave him? How would he take it if that was Wilda's plan?
"Huwag mo akong sigawan!" she snapped back. Pagkatapos ay bumaba ang tono, she almost sobbed when she said, "I am starting to be a nervous wreck..."
Tumingala sa kisame si Brent at hinagod ang batok, looking so weary and tired. Nagpakawala ito ng malakas na paghinga. "Ano ang gusto mong sabihin?"
She must tell him the truth now. She owed it to herself. Maybe to both of them. Napakarami nang pakukunwari at pagsisinungaling ang namagitan. At wala namang namamatay sa pagkapahiya.
"Wilda, I'm waiting..." Brent muttred.
"That... that... I love you and I am so scared of losing you," she said in between sobs.
There. Nasabi na niya ang nasa dibdib niya. Ang damdaming sa loob ng may kung ilang panahon ay inalagaan niya sa puso. Ilang beses na gustong kumawala sa dibdib niya iyon subalit pilit niyang sinisikil.
Ano man ang mangyari ngayon ay bahala na.
For a few seconds Brent was stunned. He wanted to hold on to something least the world would spin. Matagal na tinitigan ang asawa, bago, "Ulitin mo ang sinabi mo."
Oh, god! Now she had nothing left. Kahit ang pride niya. Now she wished embarrassment could actually kill.
"I-I love you."
There was a stunned silence. Then Wilda noticed that Brent seemed to have lost some of his grandness.
Then, "Some love, huh?"
Wilda looked at him. Hindi matiyak kung nanunuya ito o amusement ang nasa tinig nito.
Nagpatuloy si Brent. "Kung totoo ang sinasabi mo, then I guess there's a new meaning to that word, my dear. Nitong nakaraang apat na araw ay wala kang ipinakita sa akin kundi pagkasuklam. If you call that love—"
"But it's true, Brent I love you!" she said frantically. Hindi ba siya paniniwalaan nito ngayon pagkatapos ng mga ipinakita niya rito sa nagdaang mga araw? "Kaya lang naman ganoon ang—"
Pinutol nito ang sinasabi niya. "Kailan pa?" His face softened, his voice gentled.
Gumuhit ang kalituhan sa mukha niya. "A-anong ibig mong sabihing kailan pa?"
BINABASA MO ANG
All-Time Favorite: The Substitute Bride
Romance"Marry me, Wilda. I cannot be jilted the second time around." Brent Guttierez was tall, dark-and wow! She was also Wilda's boss. Sa loob ng isang taong pagtatrabaho niya rito bilang sekretarya ay naitago niya nang mahusay ang damdamin niya dahil ma...