CHAPTER TWENTY-TWO

1.9K 28 0
                                    


ISANG marahang tapik sa balikat ang nagpabalikwas ng bangon sa kanya. Namulatan niya si Brent na nakatunghay sa kanya. Ang mukha nitong nangingitim na sa bagong tubong balbas ay tulad sa isang slate that had been wiped clean. Walang galit at walang paninisi siyang nakita roon. Not even curiosity. Just a deadly, deadpan politeness.

"Brent?" naalimpungatang sabi niya. Ano bang oras na? Ngayon lang ba ito nagbalik mula kagabi.

Tumalikod si Brent at humakbang patungo sa bintana. Sinundan niya ito ng tingin nang hawiin nito ang kurtina at pumasok ang nakasisilaw na liwanag ng araw. He shielded her eyes with her hand.

Nang lumakad ito pabalik sa kanya ay napansin niyang nakabihis na ito ng panibagong damit at mamasa-masa pa ang buhok nito na nangangahulugang nakapaligo na ito.

"A-anong oras na?"

"Quarter past ten," sagot nito, in a voice that was as emotionless as his face. "Hindi kita gustong gisingin subalit mahuhuli tayo sa flight natin patungo sa Boracay." Humakbang ito patungo sa mga bagahe nila at inayos ang mga iyon.

"Boracay," anas niya at bumangon. Hindi na niya inaasahan na itutuloy pa nito ang pagtungo nila roon pagkatapos ng nangyari kagabi.

"Alas-dose ang flight natin. Baka ma-traffic sa EDSA. You overslept."

"Y-yes," aniya. Mag-uumaga na siyang nakatulog kaya tinanghali siya ng gising. Kung tutuusin ay may pakiramdam siyang katutulog niya lang. Pero hindi niya aaminin kay Brent ang bagay na iyon.

"Habang nag-aayos ka'y tatawag ako ng room service para sa almusal mo." Hindi siya nililingon nito habang nagsasalita at patuloy sa ginagawa. "Ano ang gusto mong almusal?"

"H-hindi ako nagugutom." Huli na para bawiin niya ang sinabi. She felt churlish. Imposibleng maniwala si Brent na hindi siya nagugutom gayong hindi siya naghapunan kagabi. Mabilis niyang idinagdag, "But coffee and toast would be fine."

Expression flared into his eyes. Isang mapanuring tingin ang ibinigay nito sa kanya.

She avoided his gaze. Tumayo siya mula sa kama at nagtungo sa banyo. Tinimpla ang tubig. Naghubad at itinapat ang sarili sa dutsa. Nanatili siyang nakatayo sa ilalim ng lumalagaslas na tubig at hindi kumikilos. Hinayaang maglandas ang maligamgam na tubig sa katawan niya.

Paano na sila ngayong dalawa?

Ganito ba sila kalamig palagi sa isa't isa sa susunod na mga araw na tila sila estranghero?

Siya ba ang dapat sisihin?

May luhang naglandas sa pisngi niya at humalo sa tubig mula sa dutsa.

PAGLABAS niya sa banyo ay nakatayo ito sa gitna ng silid, sa wari ay hinihintay siyang lumabas ng banyo. Hawak na nito sa isang kamay ang jacket nito at sa kabila ay ang isa pang maleta. Napuna niya ring may nai-deliver nang almusal. Sa isang rolling tray ay may umuusok na kape, fresh orange juice, scones with something that looked like almond nuts on it, at isang hiwang papaya. Agad ang pagsalakay ng gutom sa sikmura niya.

"May oras pa naman," ani Brent na marahil ay nakita ang paraan niya ng pagkakatitig sa pagkain.

"Maaari ka pang mag-almusal. Hihintayin kita sa lobby at pababalikan ko sa porter ang iba pang maleta natin." Pagkasabi niyon ay muli itong tumalikod.

Narinig niya ang banayad na pagsara ng pintuan sa labas. Kung nagugutom man siya'y agad ding naglaho sa inasal ng asawa.

Pero ano ba ang inaasahan niya pagkatapos ng mga sinabi niya rito kagabi? At kung sakali mang maging muling malambing si Brent sa umagang iyon, paano siya kikilos?

All-Time Favorite: The Substitute BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon