MAY KUNG ilang sandaling nanatili si Brent sa dibdib niya, recovering his breath. Hindi napigilan ni Wilda ang sariling kamay at inihaplos iyon sa ulo ng asawa, gathering him to her chest, loving him so much.
She felt shame and embarrassment. At hindi niya mapigil ang paglandas ng mga luha na agad din naman niyang pinahid bago pa nito makita iyon.
Makalipas ang ilang sandali'y nag-angat ng katawan si Brent. Itinukod nito ang mga siko sa kama at pinagmasdan siya. His eyes searched her face.
"Now, tell me..." Kumikislap ang mga mata nito mula sa reflection ng ilaw mula sa bed lamp. He raised a finger and gently touched her swollen lips. "Mali ba akong sabihing hindi ko kailangang mamilit ng babae, kung nais kong makipagtalik sa kanya?" Gentle sarcasm laced his voice.
Muli niyang ipinikit ang mga mata sa kahihiyan at sa pagnanais na huwag ipakita rito ang muling pamumuo ng mga luha sa mga mata niya.
Ganoon lang ba ang lovemaking sa pagitan nilang dalawa? She gave him pleasure dahil mahal niya ito. Pero si Brent ay katawan niya ang dahilan kaya ganoon pa rin ang kasidhian ng pagnanasa nito.
Sex. It was purely sex.
Nawawala na ang kahalagahan ng salitang lovemaking.
She opened her eyes and tried to meet his. "Yes. You are an expert, Brent. I couldn't find fault, if you want postcoital evaluation. Pero hindi ba at kaya namang gawin iyon ng kahit sinong lalaki sa akin?"
"Ano ang ibig mong sabihin?" Unti-unting tumigas ang mukha nito. Sinundan iyon ng paggalawan ng muscles sa leeg at bagang.
"We didn't make love, Brent. Huwag mong ipagkamali sa salitang iyon ang ginawa mo. Lovemaking was something two people do with deed emotions involved. What we just had was simple screwing. Magagawa sa akin iyon ng ibang lalaki and still my body will respond."
Biglang sumiklab ang galit sa mga mata nito na tila nagliliyab na kagubatan. Naramdaman niya ang kamay nito sa leeg niya at inihanda niya ang sarili sa ano mang mangyayari. Maybe she had gone too far at pinagsisisihan niya ang pag-provoke dito.
"Damn you, Wilda! Now I understand why some men murdered their lovers," he said furiously.
Humigpit ang kamay nito sa leeg niya, almost choking her. Subalit agad din nitong binitiwan ang leeg niya. Marahas itong tumayo mula sa ibabaw niya. Then he gazed at her with contempt in his eyes.
"You hypocrite! Go ahead, burahin mo sa isip mo ang nakalipas na sandaling ipinagkaloob mo ang sarili mo sa akin—in wild abandonment. Hindi na kita aabalahin pang muli. I will use the other room from now on!"
Walang salitang lumabas sa bibig ni Wilda. Sinundan niya ng tingin ang asawang lumakad patungo sa banyo. Kumikislap ang katawan nito sa pawis, showing only male perfection and well- coordinated muscles.
Katawang kani-kanina lang ay mainit niyang dinadama at hinahagkan, staking her own claim, tulad ng ginawa nito sa kanya.
Buong panlulumong idinapa niya ang sarili sa mga unan at impit na umiyak.
TANGHALI na nang magising si Wilda. Wala na ang asawa. Isang note ang nakita niyang nakalagay sa ibabaw ng tokador.
I left around five. There's no need to come to the office anymore. Sa sandaling magising ka'y nasa daan na ako patungong Mindoro. Dala ko ang Land Cruiser. Sasalubungin ako ng barge ng kompanya sa Batangas. I will try to be back tonight.
Brent
Hindi niya maunawaan kung bakit sa pakiramdam niya'y may malaking bahagi ng pagkatao niya ang nawala sa pag-alis ni Brent nang hindi siya ginising.
BINABASA MO ANG
All-Time Favorite: The Substitute Bride
Romance"Marry me, Wilda. I cannot be jilted the second time around." Brent Guttierez was tall, dark-and wow! She was also Wilda's boss. Sa loob ng isang taong pagtatrabaho niya rito bilang sekretarya ay naitago niya nang mahusay ang damdamin niya dahil ma...