"Breaktime, Wilda. Hindi ka ba tatayo riyan?" ani Ernie na sumungaw sa pinto ng cubicle niya nang bandang alas-tres. "Hindi ka rin yata nag-lunch. Are you doing it on purpose to look sexier on your wedding day?" he teased.
"Magpapakuha na lang ako ng sandwich sa canteen, Ernie. Thank you," she said wearily. Binitiwan ang ginagawa. "I feel like hiding my head in the sand."
Natawa si Ernie. "Can't help us, Wil. Dumating ka sa opisina ngayon with a new look. Beautiful and with those legs that run forever. Wow! You really surprised us all " His eyes twinkled.
"Sana nga'y pinanatili ko na lang ang dati kong ayos."
"I'm glad you did not because I prefer this new you. Na totoong nakakabigla. At hindi mo pa man lang nabibigyan ng pagkakataon ang mga kabinataang pumorma, heto na ang announcement that you are marrying the boss. Surprise is an understatement. At natural na mapukaw mong lahat ang curiosity ng mga tao."
Nagbuntong-hininga siya. "Kaya nga ayokong magtungo sa canteen. Hindi ko alam kung paano ipaliliwanag ang ginawang announcement ni Brent."
"You can't hide forever. Halika na. Ako na ang sasagot sa mga tanong nila."
"At ano ang isasagot mo, aber?"
He shrugged his shoulders. "That BG truly loves you because the disguise hadn't detered him. Period." Umikot ang mga mata niya. "Nakalimutan mong sila ni Candra ang nakatakdang pakasal."
Sandaling natahimik si Ernie at tinitigan siya. "You are spoiling my romantic explanation. Ni hindi agad pumasok sa isip ko iyon."
"See?" Ibinalik niya ang tingin sa computer. "Now, you're going to ask me what really is the truth behind the wedding announcement."
"I won't, rest assured. Unless you fill me in. But knowing you, you will clam up. So, paniniwalaan ko ang sinabi ni Boss sa canteen kanina, that he decided to follow his heart and marry the woman of his dream. I can almost believe it, Wil. His eyes spoke it all."
She bit her lip. Mabuti na lang at nakaharap siya sa computer at hindi nito nakikita ang ekspresyon niya. Brent was an accomplished actor. He had his employees eating in his hand.
"Now, come on. Ibigay mo sa akin ang honor na i-escort sa canteen ang pinakamagandang babae sa building na ito. Mamatay sila sa inggit." Sinabayan nito iyon ng malutong na tawa.
Huminga siya nang malalim at alanganing tumayo. Kung alam niyang kaya lamang siya niyayaya ni Ernie sa canteen ay dahil sa bagong anyo niya ay hindi niya ito pagbibigyan.
Subalit maraming mga pagkakataon sa nakalipas na hindi miminsang niyaya siya nito sa breaktime. Ang iba roo'y pinagbigyan niya at ang iba'y magalang niyang tinanggihan.
At minsan man ay hindi nagpahiwatig si Ernie na may gusto ito sa kanya, which made him comfortable to be with. Alam niyang may girlfriend ito na nagmamay-ari ng isang boutique sa Makati at paminsan-minsan ay napag-uusapan pa nga nila.
"Hurry up. Make your eyes sparkle and put your heart on your sleeve and you won't have a difficult time explaining."
"Okay." She chuckled. "Sa totoo lang, nagugutom na ako."
"Oh, dear."
Kalahating oras din silang nasa canteen ni Ernie. At totoong hindi iilan ang lumapit sa kanya para magtanong subalit itinataboy lahat ni Ernie ang mga kasamahan sa pabirong paraan.
"Thanks, Ernie. You're a darling," aniya nang nasa itaas na sila uli.
"Anytime. Kung hindi nga lang ako ipakukulam ng girlfriend ko ay baka ngayon din ay puwersahan na kitang itatanan at agawin kay BG."
BINABASA MO ANG
All-Time Favorite: The Substitute Bride
Romance"Marry me, Wilda. I cannot be jilted the second time around." Brent Guttierez was tall, dark-and wow! She was also Wilda's boss. Sa loob ng isang taong pagtatrabaho niya rito bilang sekretarya ay naitago niya nang mahusay ang damdamin niya dahil ma...