CHAPTER TWO

2.3K 34 1
                                    


TULAD ng marami sa mga bagong college graduates, Wilda scanned the newspaper's ad para maghanap ng mapapasukan nang matitigan niya ang advertisement ng Guttierez Engineering. Nangangailangan ito ng isang executive secretary.

Hindi na sana niya papansinin iyon dahil natitiyak niyang hindi siya matatanggap. Ang mga executive secretaries ay karaniwan nang hindi baguhan kundi nagmumula sa rank and file ng ibang department at napo-promote sa posisyon na iyon.

Kung nagpapa-advertise man ay natitiyak niyang ang kinukuha ay yaong mga may karanasan na at galing din sa ibang malalaking kompanya.

Pero kumuha ng interes niya ang nakalagay na, preferably with experience but not necessary. Nang muli niyang basahin ang pangalan ng kompanya ay naisip niyang pamilyar iyon sa kanya.

Bitbit ang peryodiko ay agad siyang tumawid sa kabilang bakod, sa bahay ng pinsang si Aurora. Ang ina ni Rory at ang daddy niya ay magkapatid at isang hanggang dibdib na bakod lamang ang pagitan ng mga bahay nila.

"Tiya, si Rory po?" tanong niya sa tiyahin na kasalukuyang nagti-trim ng mga tanim na halaman.

"'Ayun sa loob at dalawang oras ng kausap ang boyfriend." Puno ng disgusto ang mukha nito nang umiling. "Puntahan mo na at awatin dahil baka magliyab na iyong telepono. May tawag pa naman akong inaasahan mula sa kumare ko."

Nakatawang dumeretso na siya sa sala. Naroon ang pinsan at nakahilata sa sofa at nakataas pa ang mga binti sa sandalan. Sa wari nga ay nagliliyab na ang telepono.

Naupo siya sa mismong paanan nito at sumenyas na tapusin na nito ang pakikipag-usap. Tinakpan nito ang mouthpiece at bumulong ng "Bakit ba?"

"Ibaba mo ang telepono nang malaman mo." Aurora rolled her eyes. "O, hang up na muna, Noy," sapilitan nitong sabi sa kausap. "May kailangang mahalaga ang isang tao rito sa akin. Sino? Eh, di, sino pa ba... di ang pinsan kong pinalad na gumanda sa akin ng kalahating puntos."

Wilda chuckled.

"O, ano na naman iyang ipakikita mo sa akin?" anito matapos ibaba ang telepono. "Ad na naman ng mga sale items?"

"Sorry to disappoint you. Not this time, cousin," nakatawa pa ring sabi niya at tinapik ito pausod sa sofa upang makaupo siya nang maayos.

Matanda sa kanya si Aurora ng tatlong taon at sa kasalukuyan ay nagtatrabaho sa call center. Hindi siya miminsang niyaya nitong doon na rin magtrabaho at tinitiyak sa kanyang mas mataas ang suweldo kaysa sa alinmang kompanyang papasukan niya bilang clerk, receptionist, o sekretarya

But she didn't like the idea of working graveyard shift, na karaniwan na sa mga ganoong trabaho. Hindi lang siya ang hindi papayag kundi ang daddy niya. Sasabihin na naman nitong sa patahian na lang nila siya magtrabaho. Na kung tutuusin ay inalok din kay Rory ng daddy niya. But like her, hindi gusto ni Rory ang trabahong sa isang pag-ikot ng tingin at ilang hakbang ay ang bahay na nito.

"Tsismis ng mga artista?"

"Hello?" Nginusuan niya ang pinsan. "Ikaw lang ang mahilig doon." Ibinaba niya ang flower vase sa sahig at inilatag sa coffee table ang peryodiko, sa mismong advertisement page.

"Ah, so trabaho iyang ipakikita mo sa akin."

"Tumama ka rin," nakangising sabi niya. "Hindi ba at dati kang nagtrabaho sa Guttierez Engineering?"

Umasim ang mukha ni Aurora pagkarinig sa pangalan ng kompanyang binanggit niya at inalis ang mga mata sa classified ads at kunwa'y sinisipat ang mga kuko.

"So?"

"Nangangailangan uli sila ng sekretarya, Rory. Executive secretary. Gusto kong mag-apply. Bigyan mo ako ng tip para madali akong makalusot sa exams at interviews."

All-Time Favorite: The Substitute BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon