ANG AKMANG paglapit nito sa kanya ay napigil nang bumukas ang pinto ng silid at lumabas si Brent. Sa ibang pagkakataon ay gusto niyang matawa sa biglang pagbabagong-anyo nito. Iglap na nawala ang poot sa mukha at ang humalili'y matamis na ngiti nang salubungin nito si Brent.
She sighed worriedly. Hindi siya naniniwalang aalis si Candra pabalik ng Europa. She had just waged a war between them. So war it would be. She'd get hurt. Alam niya iyon. Pero hindi siya umuurong sa digmaang inilatag nito matalo man siya.
Ilang sandali pa'y nasa harap na sila ng hapunan. Pinili nitong maupo sa mismong kanang bahagi ni Brent. Manipulado rin nito ang usapan.
She couldn't care less. Hindi siya interesado sa pagpipilit nitong makuha ang buong atensiyon ni Brent. Ang nakakasakit sa loob niya ay ang indulgence ni Brent dito na tila kasintahan pa rin ito.
Labis-labis ang pagpipigil niya sa sarili na tumayo at iwan ang mesa. Struggling to be polite, she turned to Jimmy, na sa tantiya niya ay sinisikap na kuhanin ang atensiyon niya, and flirt with her. Hindi niya naiintindihan ang sinasabi nito at nakayuko siya sa pagkain. At ni hindi niya namamalayan na sa paningin ni Brent ay may ibinubulong sa kanya si Jimmy.
Pagkatapos kumain ay nagtuloy ang mga ito sa sala at naiwan siyang inililigpit ang mesa at dalhin sa lababo ang mga pinagkainan nila.
"Leave that," utos ni Brent.
"Hayaan mo siya, honey," ani Candra na hinatak ito pabalik sa living room na ilang hakbang lang mula sa dining room/kitchen. "She's doing her wifely duties. Let her. Ako dapat ang nasa lugar niya, 'di ba? At maluwag sa dibdib kong gawin ang tungkulin ko."
Kung paano niyang natiis at dinala ang sumunod na mga sandali ay hindi niya alam. Hatinggabi na nang umalis ang magpinsan.
Walang kibong inililigpit niya ang mga baso ng alak at ang bote, ganoon din ng ice bucket. Isa-isa niyang dinala sa lababo at hinugasan kasama na ang mga naroroong pinggan. Alam niyang tinititigan siya ni Bient. Kung bakit ay hindi niya maintindihan. Nang lingunin niya ito ay may nahagip siyang pag-aalala sa mga mata nito. Kung para saan ay hindi niya alam. Hindi siya kumibo at ipinagpatuloy ang ginagawa.
"Bakit uminom kang kasama ni Jimmy?" usisa nito makalipas ang ilang sandali at tinulungan siyang punasan ang mga hinugasan niya.
"Ano naman ang masama roon? Mga kaibigan mo sila, hindi ba?" paangil niyang sagot. "At ano ang gagawin namin habang naghihintay kami sa inyo ni Candra?"
She felt snappy and irritable. Nagmukha siyang tanga. Ang konsolasyon, she and Candra both knew the score. At naiparating niya kay Candra na hindi siya ang uring magmumukmok sa sulok. Kung ano man ang laro ni Candra ay sisikapin niyang matutuhan.
She wasn't the bitchy type. But she could be, kung kinakailangan.
"Kilala ko si Candra pero hindi ang pinsan niya. At hindi ka sanay uminom. Kung natagalan pa ako'y baka nalasing ka na." Binuksan nito ang cupboard at inilagay roon ang mga napunasan.
"At hindi pa pala kayo natagalan sa lagay na iyon, ha?" patuyang sabi niya. Padabog na ibinaba sa drying rack ang mga hinugasan.
"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ni Brent sa mapanganib na tono.
"Wala!" she snapped.
"Ito ang ikaapat na gabi mula nang ikasal tayo at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan ang pagbabago ng ugali mo," he said wearily. Pagkatapos ay kinuha ang pamunas ng pinggan sa kamay niya. "Iwan mo na iyan at matulog na tayo."
"Mauna ka na." Her voice was icy cold.
May ilang sandaling natigilan si Brent. Nakatitig sa kanya. Kapagkuwa'y lumakad na ito papasok sa silid. Tinapos lahat ni Wilda ang gagawin bago sumunod.
BINABASA MO ANG
All-Time Favorite: The Substitute Bride
Romance"Marry me, Wilda. I cannot be jilted the second time around." Brent Guttierez was tall, dark-and wow! She was also Wilda's boss. Sa loob ng isang taong pagtatrabaho niya rito bilang sekretarya ay naitago niya nang mahusay ang damdamin niya dahil ma...