"SI CANDRA?" ulit nito sa tanong niya.
"Yes, BG, si Candra." Iginala niyang muli ang paningin sa loob ng unit. Umaasang lalabas mula sa isa sa dalawang silid si Candra.
It was a studio-type two-bedroom condominium unit. Walang division ang pagitan ng sala at dining room/kitchen. Ang pinto sa isang silid ay nakaawang nang malaki ang pintuan at natatanaw niya na iyon ang ginagamit na silid ni Brent dahil nakakalat sa sahig ang ilang damit nito. Kung nasa loob si Candra ay malamang na narinig na siya nito.
Unless the woman was soundly sleeping.
"That bitch!" mura nito na ikinapitlag niya.
"B-BG—"
"Wala siya rito, Wilda."
"Kung ganoon ay hindi ako dapat magtagal rito," aniya sa tonong pormal at businesslike. Humigpit ang pagkakahawak niya sa strap ng shoulder bag niya.
Hindi niya kailangang magtagal sa unit kung ganito rin lang ang hitsura ni Brent. Lasing ito at galit. Kung ano man ang pinagkakagalitan nito at ni Candra ay hindi niya problema. At kung nagkakatampuhan man ang mga ito ilang araw bago ang kasal ay lalo nang wala siya roon dapat. Hindi magandang datnan siya roon ng kasintahan nito. Lalo sa halos hubad na ayos ni Brent.
Pahakbang na siya pabalik sa pinto nang hawakan siya ni Brent sa braso.
"Wait a minute, Wil."
"BG," usal niya. Bahagyang nanlaki ang mga mata niyang niyuko ang kamay nitong nakahawak sa braso niya.
Minsan man sa loob ng panunungkulan niya bilang sekretarya nito ay hindi dumantay sa balat niya ang kamay ni Brent—friendly or otherwise.
Not for the lack of trying from Brent's part. Pero siya mismo ang umiiwas na magkadikit sila, para na rin sa sarili niyang kapakanan.
"Keep me company, Wil," wika nito. Nagsusumamo ang tinig sa karagdagang pagkamangha niya.
"Kailangan ko ng kausap sa oras na ito bago ako makapatay ng tao."
She frowned at his last sentence. Pero minabuti niyang huwag mag-usisa kahit na pinapatay siya ng curiosity. It must be personal between him and Candra. Kung hindi niya malalaman, hindi siya maapektuhan.
"Lasing ka, BG. Hindi magandang tingnan na nandito ako sa unit mo at ganyan ang kalagayan mo." Kinakabahan siya pero sinikap niyang manatili ang no-nonsense tone.
"Damn you, Wilda! For once, lumabas ka naman sa lungga mo. I need a friend right now. Kaibigan na makakausap ko. Kailangan talaga kitang makausap. At hindi ako lasing. Nakainom, oo."
May lasing bang umaaming lasing ito? she thought drily.
"At sino ang makakaalam kung narito ka o wala?" angil nito.
"May makaalam man o wala..." Binigyang-diin niya ang mga kataga "...hindi iyon ang punto, BG. Hindi magandang tingnang narito ako lalo at ikakasal ka na. At saka, ano na lang ang sasabihin ni Candra sa sandaling malaman niyang naparito ako nang ganyan ang ayos mo? She'd hate me more, kung hindi pa sapat ang galit niya sa akin."
"To hell with Candra! To hell with her father!"
She winced though she agreed with him silently.
Then she took a calming breath. Habang nagtatagal siya roon ay nakakatiyak siyang hindi lang si Candra ang dahilan kung bakit galit ito. Kasama na rin ang future father-in-law nito.
She wished she could just disappear. Hindi niya gustong malaman at i-involve ang sarili sa problema nito tungkol sa kasintahan at sa ama nito. At hindi rin iyon ang sandali para ipaalam dito ang tungkol sa natuklasan niya.
BINABASA MO ANG
All-Time Favorite: The Substitute Bride
Romance"Marry me, Wilda. I cannot be jilted the second time around." Brent Guttierez was tall, dark-and wow! She was also Wilda's boss. Sa loob ng isang taong pagtatrabaho niya rito bilang sekretarya ay naitago niya nang mahusay ang damdamin niya dahil ma...