CHAPTER FOURTEEN

2.5K 37 1
                                    


"Kung... kung magagawa mong ipaliwanag sa mga magulang mo ang mga bagay tungkol sa atin, bakit kailangang apurahin ang kasal? Why don't we wait until you hear from Candra?"

Nagsalubong ang mga kilay ni Brent at sandali siyang dinaanan ng tingin. Pagkatapos ay tumuwid ng tayo at itinuloy ang pagbibihis.

"Bakit ko gagawin iyon?"

"Para makapag-usap kayo at makapag- paliwanagan."

"At iniisip mong kapag nagkausap kami ay magbabago ang isip kong pakasalan ka, ganoon ba?"

"You don't really want to many me, Brent. You are only acting on impulse. Kayo ni Candra ang magkasintahan at hindi mo basta na lang—"

"I wasn't acting on impulse when I made love you moments ago. I took my time deliciously."

"Oh, Brent." She groaned in frustration. "Be reasonable."

"I am. At ano ang nangyayari sa iyo?" he said irritably. "I am offering you my name. The best a man can offer to a woman. At nagsisikap kang tanggihan ang bawat salitang lumalabas sa bibig mo. Hindi ko malaman kung maiinsulto ako."

"You don't love me. Si Candra ang—"

"I don't believe in love, Wilda," putol nito sa sinasabi niya. "I believe in marrying for practical and sensible reasons. As long as we understand each other, respect each other, iyong love na sinasabi mo ay darating din."

"Mas higit mong kilala si Candra kaysa sa akin. Mga bata pa kayo'y magkakakila na kayo. Kung iyan ang idadahilan mo, mas higit na dapat na ituloy mo ang pagpapakasal sa kanya. Give her this one last chance, Brent. Huwag mo akong gamitin para pasakitan siya."

Matalim ang tinging ipinukol nito sa kanya. "Hindi kita ginagamit!" He grimaced. Guilt flooded his face. "Shit, I hate that word. Somehow, indirectly, it rang true," he admitted reluctantly. "But don't put malice on it, please."

Wilda bit her lip. Kahit paano nakaluwag sa dibdib niya ang honesty nito.

"When I first thought of this, I want you to help me, upang iiwas sa kahihiyan ang mga magulang ko. Kung ako lang, bale-wala sa akin kung makasal man kami o hindi ni Candra.

Pagkatapos ng namagitan sa atin kahapon, hindi lang kita inaalok ng kasal para tulungan ako. I want to feel responsible."

"I am not holding you—"

He muttered something unintelligible. "Ihinto na natin ang pagtatalong ito, Wilda. It is so tiring and wearing. Wala kang sasabihing makapagbabago sa isip ko. Magpapakasal tayo sa susunod na linggo. And that's it."

Sa paano man ay tama ito. Kahit siya ay nahahapo na sa pakikipagtalo rito para makakita ito ng katwiran. Kung tutuusin ay hindi niya binibigyan ng pagkakataong makaahon sa dibdib ang kasiyahang magpapakasal siya kay Brent.

She loved him. Being married to him was a dream come true. Pero hindi niya matanggap ang mga dahilan nito sa pagpapakasal sa kanya.

Hindi rin niya gustong maging panakip-butas. Or a bride proxy, o substitute bride, o kung ano man ang dapat itawag sa kanya.

Nangarap siyang kapag nagkaasawa siya ay mamahalin nila ang isa't isa, kung paanong gayon ang mga magulang niya.

Brent didn't love her and would only marry her for all the wrong reasons. Paano na ang susunod na mga araw sa buhay nila? Gumagawa ba siya ng sariling nitso niya para higaan iyon?

Life is a gamble, Wilda, her father once said. Tulad ng totoong nagsusugal, nangangailangan ang pagharap sa buhay ng diskarte. Kung hindi mo matutuhan iyon, matatalo ka. "

All-Time Favorite: The Substitute BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon