CHAPTER TWENTY-EIGHT

2.4K 29 0
                                    


Bago pa nakakilos ang dalawa'y nakaikot na sa driver's seat si Brent at marahas na binuksan ang pintuan sa bahagi ni Jimmy. Hinawakan nito sa kuwelyo ang binata at hinila palabas.

Malaki rin si Jimmy at mataas subalit sa galit ni Brent sa sandaling iyon ay napakadali para dito ang hilahin ito palabas.

"B-Brent... teka... teka! Iyang asawa mo ang sisihin mo. Kusa siyang sumama sa akin dito!" pasigaw nitong depensa.

Si Wilda ay nakatayo na at kasalukuyang inaabot ang bag sa upuan ay napasinghap sa narinig.

"Inaakit ako ng asawa mo, Brent—Candra!" Bulalas nito nang mapuna ang pinsan na nakatayo sa likuran ni Brent sa nanlulumong anyo.

Isang suntok ang pinakawalan ni Brent na tumama sa mukha nito. Sumadsad sa ibaba ng kotse si Jimmy, sapo ang dumugong ilong.

"Kung ang asawa ko ang nagyaya sa iyo dito, bakit kailangan niyang sumigaw at magpilit lumabas ng kotse mo? Bakit kailangang hilahin mo siya at saktan?" Uundayan pa sana nitong muli ng suntok si Jimmy nang bigla ay itinaas nito ang dalawang kamay.

"Maniwala ka sa akin, Brent! Sa inyo pa lang ay nagpapakita na sa akin ng motibo si Wilda! Itanong mo kay Candra."

Subalit humagulhol lamang si Candra ng iyak. "Hayop ka!" Hinawakan nito ang pintuan ng kotse upang ipitin doon si Jimmy.

"Huwag, pare," wika ng tinig mula sa likuran nila. "Huwag mong dungisan ang mga kamay mo. Ipaubaya mo sa amin iyan. Sa jail pa lang ay bugbog-sarado na iyan sa mga loko roon ngayong gabi."

Maliban kay Brent ay napalingon sina Wilda at Jimmy sa pinanggalingan ng tinig. Isang itim na Pajero ang nakaparada sa labas ng town house katabi ng Land Cruiser ni Brent at tatlong lalaki ang nakatayo roon. Sa anyo ay .mga civilian clothes policemen with military haircut.

May ilang residente na ring nakiusyuso sa kanila.

"Salamat, Dan " ani Brent sa mas mataas na lalaki. "Duda na nga ba ako, eh. Dalhin n'yo na sa presinto itong tarantadong ito."

Agad na lumapit ang isang kasama ng tinawag na Dan at pinosasan si Jimmy na nagsisigaw.

"Inutusan lang ako ni Candra, Brent!" hiyaw nito sa nagpa-panic na tinig. Hindi nito gustong matulog sa city jail kasama ng mga inmates kahit isang gabi man lang.

Bago pa nakaiwas si Jimmy ay muling tumama sa mukha nito ang isang suntok. Si Wilda ay nanlaki ang mga mata sa narinig.

"You son of a bitch! Ano ang ibig mong sabihin?" bulyaw ni Brent sa nagtatagis na mga bagang. Kung wala ang kamay ni Dan na pumipigil sa balikat nito ay malamang na sinugod nitong muli si Jimmy.

"Jimmy, please..." sindak na awat ni Candra sa pagsasalita nito.

"Sorry, Candra. Hindi ko gustong makulong. Binalaan na kitang hindi mabuti itong gusto mong mangyari." Tumingala ito kay Brent. "S-sinabi niyang puntahan ko si... si Wilda sa unit ninyo sa ganoong oras at kausapin. Sasabihin kong magkasama... kayong dalawa ni Candra. At kapag nanlumo at umiyak si Wilda ay naroon ako at nakahandang aluin ito," anito na napasandal sa gilid ng kotse at dumaing sa sakit na inabot.

Nilapitan ito ni Brent at pinitserahan. "Bakit ka niya inutusan nang ganoon?" he asked dangerously. Humigpit nang humigpit ang kuwelyo sa leeg ni Jimmy.

"Dahil... dahil... Oh, please, Brent!" pagmama- kaawa nito. "Si Candra na lang ang tanungin mo. Pinlano na niya ito noon pa mang gabing manggaling kami sa inyo."

"Jimmy, don't say anything that would incriminate us both! Hintayin mo ang abogado!"

"Naghihintay ako, Jimmy!"

All-Time Favorite: The Substitute BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon