"Jimmy?"
"Hi. Saan ka ba pupunta at mag-aalas-diyes na ng gabi'y narito ka pa sa daan?"
"Ah, eh, nasa Mindoro si Brent. Balak kong umuwi muna sa amin sa Quezon City."
"Nabanggit nga niTito Hector kahapon. Naroon din yata si Candra sa Mindoro dahil niyaya siya ni Brent," walang anumang sabi nito na tila hindi siya asawa at natural lang naroroon si Candra at magkasama sila ni Brent.
Kinumpirma ng sinabi nito ang hinala niya. Lalong nagsikip ang dibdib niya. Gusto niyang umiyak. Gusto niyang isigaw ang matinding galit na nararamdaman niya.
"Pupunta akong Tomas Morato, gusto mong sumabay?' alok ni Jimmy napumukaw sa pagkatigagal niya.
Napatingin dito si Wilda. Sandaling nag-isip at pagkatapos ay nagpalinga-linga sa kalsada. Wala siyang matanaw na nagdadaang bakanteng taxi. Baka lalo siyang gabihin.
"Hop in. Gagabihin ka kung maghihintay ka ng taxi. Idadaan na kita sa inyo. Hindi mo ako maaabala dahil doon din ang daan ko," ganyak nito at binuksan ang passenger door sa tabi nito.
Nagkibit ng mga balikat si Wilda at umikot sa kabila at sumakay.
KASALUKUYANG papasok ang four-wheel drive ni Brent sa condo tower sa kabilang entrance nang matamaan ng headlights niya ang pamilyar na kotse ni Candra at ang isang pamilyar na bulto. Hindi nakaligtas sa mga mata nito ang pag-ikot ni Wilda patungo sa kabilang bahagi ng sasakyan ni Jimmy at ang pagsakay roon ng asawa.
"Si Wilda ba iyon?" tanong ni Candra na sinundan ang hinahayon ng mga mata ni Brent.
Nagsalubong ang mga kilay niya. Hindi niya maaaring ipagkamali sa iba ang asawa. Kilala niya si Wilda ihalo man ito sa karamihan, sa dati man o sa bago nitong gayak.
"Saan pupunta ang mga iyon sa ganitong oras ng gabi?" muling tanong ni Candra sa nagtatakang tinig.
"Alam mo bang may nasabi sa akin si Jimmy? Na..." She seemed to choose her words carefully "...na medyo madaling imbitahin ang asawa mo."
Nagtiim ang mga bagang ni Brent. Iminaniobra paatras ang kotse. "Bumaba ka na, Candra, hahabulin ko sila."
"C'mon, Brent. Baka naman niyaya lang ni Jimmy na kumain sa labas ang asawa mo. Akala siguro ni Wilda ay hindi ka makakauwi ngayon dahil gabi na."
"Get off, Candra. Now and fast!" utos niya na tila hindi ito nagsalita.
"Brent, don't be ridiculous. Tara sa itaas ng condo." Sandali siyang natigilan. Hindi siya naniniwala sa mga pagkakataon. Natanto niyang ilang pangyayari ang masyadong dikit-dikit ang mga nagkakataon lang.
"No. Tama. Huwag ka munang bumaba." Ang kamay niya'y dumiin sa braso nito. Tinitigan ito. His eyes narrowed down to slits. "Saan dadalhin ni Jimmy si Wilda?"
"How... how would I know. Sa... sa restaurant marahil... E-ewan ko..."
Bumaon pa nang husto ang mga daliri niya sa braso nito. "Magsabi ka ng totoo, Candra, dahil sa sandaling may mangyari sa asawa ko, titiyakin kong hindi ka na makakapangibang-bansa pa at mabubulok kayong mag-ama at magpinsan sa kulungan!"
"B-Brent... A-ano ba ang—"
"Don't waste my time, Candra. Magsasabi ka ng totoo o sa presinto ka matutulog ngayong gabi!"
Nahihintakutang umilap ang mga mata nito. At nang matiyak na hindi siya nagbibiro ay bumulalas ito ng iyak. Sa pagkakataong iyon ay totoong iyak na sanhi ng pagkatakot.
BINABASA MO ANG
All-Time Favorite: The Substitute Bride
Romance"Marry me, Wilda. I cannot be jilted the second time around." Brent Guttierez was tall, dark-and wow! She was also Wilda's boss. Sa loob ng isang taong pagtatrabaho niya rito bilang sekretarya ay naitago niya nang mahusay ang damdamin niya dahil ma...