HINDI na gaanong naririnig ni Wilda ang sinasabi ni Rory. Pasulyap-sulyap siya sa rearview mirror. Treinta minutos na silang tumatakbo mula sa bahay nila patungong Ortigas at hanggang sa makalabas sila ng EDSA pero hindi nawawala sa likuran niya. ang sasakyang iyon.
"Lingunin mo nga iyang sasakyang kanina pa sa likod natin," utos niya kay Rory. "Hindi mo ba napunang mula nang umalis tayo sa bahay ay nakasunod na sa atin iyan?"
Lumingon si Rory. Iyong uri ng lingon na kahit na ikaw iyong driver ng kasunod na sasakyan ay makikitang sinisilip ka dahil humarap talaga ito at sinilip ang kasunod. Tinted ang mga salamin ng sasakyang nasa likuran nila. Pulang Toyota Tamaraw FX.
"Hindi ko napansin. Baka naman iisa ang lugar na pupuntahan natin. O tingnan mo at nag-o-overtake..."
Nakahinga siya nang maluwag nang makitang kumanan iyon at mabilis na nakisiksik sa traffic.
O dahil naipahiwatig nila na alam nilang nakabuntot ito sa kanila?
Bahagya na niyang nasulyapan ang plate number niyon. Kuwatro ang huling numero. Ewan niya kung bakit partikular na siya ngayon sa mga numero ng mga plaka ng sasakyan magmula nang maaksidente ang tiyahin niya.
Ilang sandali pa ay nasa tapat na sila ng bahay ni Mrs. Aurelio. Ang subdivision ay nasa likod lamang ng Ever Fairview. Ipinarada niya ang sasakyan sa gilid ng daan sa labas ng bakuran ng mga Aurelio, sa likuran ng Kia Pride ni Menchu. Naroon na ang ilang mga kasamahan niya sa opisina. Nagulat pa ang mga ito nang makilala si Rory. Lalo na si Luisa at Menchu.
Ilang sandali pa'y nagkakatuwaan na silang pito. Pagkatapos ng kainan ay nanood pa ng video ang mga babae na si Mrs. Aurelio ang nag-supply ng tape. It was a naughty movie. Ang sex scenes ay binantuan ng pagiging comedy ng pelikula. They really had a good times, lalo na nang binubuksan na ni Wilda ang mga regalo ng mga kaopisina niya.
Tilian at tuksuhan ang naganap. Alas-onse na nang gabi nang matapos ang kasayahan.
"I am sorry, guys," aniya kina Menchu at sa tatlo pang kaopisina. "Alam kong maliban kay Ate Luisa ay wala nang mga empleyadong imbitado. It was Brent's—"
"Huwag mo kaming alalahanin," agap ni Menchu. "Naiintindihan naming pribado ang affair. Basta ba pagkatapos ng honeymoon ay iti-treat mo kaming lima... o anim, kasama ka, Rory, doon sa kubo-kubo."
She smiled. "Promise. Thanks sa gabing ito. I thoroughly enjoyed it." She kissed the personnel manager's cheek. Gayundin ang mga kasamahan.
"Mag-iingat kayo," ani Luisa. "See you both at the wedding."
Muli ay nasa daan na silang magpinsan. Nasisiyahang ini-recline ni Rory ang sandalan ng upuan. "Hay. I enjoyed the food. Lalo na ang movie. Sobrang bold, huh?"
She chuckled.
"Kahit ako ay naiilang na kanina. Kaya lang hindi naman ganoon kabastos dahil comedy iyong movie."
"Oo nga, Sino kaya ang magbibigay sa akin ng shower kapag itinakda na ang kasal ko?"
Grinning, she rolled her eyes. "Hus, nagpaparinig ka pa—" She stopped in midsentence. "R-Rory, wala yata tayong preno."
Napaangat ang likod ni Rory sa sandalan. "What?"
"Ikabit mo ang seat belt mo," kinakabahang utos niya. "Wala tayong preno. Paanong nangyari ito?"
"H-hindi ba at tiningan ni Tito Peping ito kaninang bago tayo umalis?" tanong ni Rory na biglang hinatak ang seat belt at ikinabit.
"Oo nga. Oh, god. Tawagan mo sina Daddy... No! Mag-aalala si Daddy. Call... Brent. Yes! Call Brent. Nasa cell phone ko ang number." Ipinagpapasalamat ni Wilda na paahon ang daan, bumagal sila.
![](https://img.wattpad.com/cover/346057478-288-k681017.jpg)
BINABASA MO ANG
All-Time Favorite: The Substitute Bride
Любовные романы"Marry me, Wilda. I cannot be jilted the second time around." Brent Guttierez was tall, dark-and wow! She was also Wilda's boss. Sa loob ng isang taong pagtatrabaho niya rito bilang sekretarya ay naitago niya nang mahusay ang damdamin niya dahil ma...