"Hindi ka na nakakibo riyan," puna ni Brent sa pagkatigagal niya. Kahit nang makaalis na si Mrs. Guttierez matapos niyang matawagan ang printer at makausap nito. "Para kinumpirma ko lang ang sinabi ni Mama na magpapakasal na ako'y naestatwa ka na."
"H-hindi naman, BG. Binigla n'yo lang ako. Congratulations." Atubiling inilahad niya ang kamay rito na tinanggap naman nito.
"Thanks."
She withdrew her hand abruptly. "Binabati kita. Maganda si Candra at bagay na bagay kayong dalawa." Umaasa siyang hindi mahahalata ni Brent ang insincerety at bitterness sa tinig niya. Pakiramdam niya, kung wala ang filing cabinet sa likuran niya ay baka hindi niya nakayanan ang panlalambot ng mga tuhod niya.
"Yes, she is beautiful." Nagkibit ito ng mga balikat. "Dalawang taon na kaming magkasintahan, Wilda. Pero napansin mo siguro na marami sa mga buwang iyon ay wala rito sa Pilipinas si Candra. Napakahalaga sa kanya ng modelling career niya."
Hindi niya matiyak kung bakit sinasabi nito sa kanya iyon. "Well, you have a famous girlfriend. Dapat lang na asahan ang pagiging abala niya." She was trying to sound so casual. Sinisikap niyang huwag makita ni Brent na tila unti-unting may kamay na pumipiga sa puso niya at nag-aalis ng kakayahan niyang huminga.
Maliban sa paninibugho, paano niyang matatanggap na ang babaeng pakakasalan nito ay anak ng lalaking pumatay sa tiyahin niya?
"Nagtataka nga ako kung papaano siya napapayag ni Mama na i-set na ang kasal namin. We've been forever setting dates of our wedding. At kapag nai-set na, then cancel it to the last minute dahil may importanteng modelling show si Candra."
"Siguro ay naisip niyang panahon na para pakasal kayo, BG," sagot niya sa nanginginig na tinig kasabay ng panalanging huwag sanang mahalata ni Brent iyon. She was actually an idiot. So patronizing. Bakit niya binibigyan ng katwiran si Candra kay Brent?
"Actually, si Mama ang may pakanang apurahin ang pagpapakasal namin. Gusto na kasing magkaapo," matabang nitong sabi.
Pagkatapos ay tinitigan siya. "Alam mo bang nagseselos sa iyo si Candra?"
"S-sa akin, BG? Nagseselos sa akin si Candra?" Well, that was something new and indeed very surprising.
''Yes. Sa iyo, Wilda. Selosa si Candra, alam ko. At hindi niya inaaming nagseselos siya sa iyo pero iyon na rin iyon. Galit siyang lagi sa tuwing nababanggit kita."
"I... I don't understand," nalilitong sabi niya at sandaling nakalimutan ang tungkol sa sariling damdamin.
Pinagseselosan siya ni Candra? Siya, sa gayak niyang iyon?
"Women!" Brent murmured wryly.
"Pero bakit siya makakaramdam nang ganoon sa akin? Isa lamang akong makalumang sekretarya..." She bitterly emphasized the word makaluma "...at napakaganda niya."
Nagkibit si Brent ng mga balikat. "Siguro dahil alam niyang dependent ako sa iyo pagdating sa mga bagay na may kinalaman sa trabaho. Hindi gusto ni Candra na umaasa ako sa ibang babae sa maraming bagay. Malamang na iyon ang dahilan. I hate to admit it, but Candra's too possessive."
"But of course, iyon ang dahilan. Dahil kung personalidad ang pag-uusapan ay isang malaking kalokohan iyon."
"Huwag mong maliitin ang sarili mo, Wilda," ani Brent na kumunot ang noo at tinitigan siya.
"I am a realistic person, BG. I do not have any illusion—"
"You have so many plus factors," putol nito sa sinasabi niya. "At kung huhubarin mo lang ang iginagayak mo sa iyong sarili at palitan ng normal na isinusuot ng mga babae sa panahon ngayon, di sana'y..." His voice trailed off, stared at her intently.
BINABASA MO ANG
All-Time Favorite: The Substitute Bride
Romance"Marry me, Wilda. I cannot be jilted the second time around." Brent Guttierez was tall, dark-and wow! She was also Wilda's boss. Sa loob ng isang taong pagtatrabaho niya rito bilang sekretarya ay naitago niya nang mahusay ang damdamin niya dahil ma...