CHAPTER TWENTY-ONE

2.1K 25 2
                                    


Mabilis siyang tumalikod mula sa pagkaka- panungaw at bumalik sa loob ng silid. Napahinto siya sa paghakbang nang makitang nakatayo sa may gilid ng kama si Brent, in total nudity.

Nagpupunas ito ng buhok. Halos pigilin niya ang hininga sa pagkakatitig dito. Ni wala siyang makita kahit kaunting unwanted flesh sa katawan nito. All hard muscles.

Pero hindi ba at nakita na niya ang kahubdan nito sa dalawang pagkakataong nauna? At kaya niyang iguhit sa isip ang bawat bahagi ng katawan nito. Bakit tila namamangha pa rin siyang makita ang kagandahan nito?

"Bakit para kang natuklaw ng ahas, darling? Parang ngayon mo lang nakitang nakahubad ako." He chuckled, echoing exactly her thoughts.

Binuksan nito ang bagahe at mula roon ay inilabas ang isang maroon silk robe at isinuot.

Mabilis na dinampot ni Wilda ang mga pantulog sa gilid ng kama at nagmamadaling pumasok sa loob ng banyo. Marahang diniinan ang lock ng pinto. Sandali siyang napahugot ng hininga sa luxury ng banyo ng hotel.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay makagagamit siya ng bathtub. Pinuno niya iyon ng maligamgam na tubig. Nilagyan niya ng bath salts na nasa tabi lang at pagkatapos maghubad ay inilubog ang sarili.

Sa pamamagitan ng paglalaro sa tubig ay pilit niyang inaalis sa isip ang kaba sa gagawin niya sa gabing ito. Ni hindi siya nakatitiyak kung kaya niyang gawin ang pinlano mula kanina. At lalong hindi niya tiyak kung ano ang magiging pagtugon ni Brent doon.

Kung maaari nga lang na huwag na siyang umahon pa mula sa tubig ay gagawin niya. Matapos patuyuin ang sarili sa nakalaang hotel towel ay isa-isa niyang isinuot ang pajama at ang blusa. Pagkatapos ay alanganing lumabas ng banyo.

Bahagya pa siyang napasinghap nang bumulaga sa kanya ang malamlam na ilaw sa silid.

"Akala ko'y hindi ka na lalabas ng banyo," tukso ni Brent na nasa kama at amused na nakatingin sa kanya. Nakaunan ito sa dalawang braso at nakatakip ng kumot ang ibabang bahagi ng katawan.

Hindi siya kumibo at nagtuloy sa tokador. Kinuha niya mula sa bag ang brush at nag-brush ng buhok. Marahan na parang nagbibilang one hundred strokes.

Impatiently, tumayo si Brent at nilapitan siya. Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at marahan siyang itinayo.

"You may not be aware how lovely you are, wife," he said huskily.

A silent moan came out of her throat as his lips softly brushed her nape.

"Mula nang maging akin ka'y pinanabikan ko ang mga sandaling ito... ang muli kang maangkin." Sinikap niyang alisin sa isip ang epekto ng ginagawa ni Brent sa kanya. May kung ilang beses siyang lumunok bago nagsalita.

"Higit na maganda si Candra, Brent. A well- known personality. Sophisticated and classy."

"Kalimutan mo siya!" Nasa tinig nito ang pagsaway. "Ikaw ang asawa ko. Hindi ko gustong pag-usapan natin ang ibang babae sa unang gabi ng ating kasal o kahit kailan. Si Candra ay bahagi ng nakaraan, Wilda. Alisin mo siya sa isip mo." Pagkasabi niyon ay ikinulong siya nito sa mga bisig ng asawa.

Gustong sipain ni Wilda ang sarili sa reaksiyon ng sariling katawan sa simpleng yakap na iyon. Nararamdaman niya ang unti-unting pagsisimula ng apoy na gumagapang sa bawat himaymay ng katawan niya.

Nang biglang pumasok sa isip ang plano. She pushed him abruptly. "I-I am tired, Brent. Gusto kong magpahinga." Nagpilit siyang kumawala mula sa pagkakayakap nito. Kasabay niyon ay ang pagsisikap na panaigin ang isip kaysa sa dikta ng sariling katawan.

All-Time Favorite: The Substitute BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon