BAGAMAN hindi madaling boss si Brent Guttierez ay masaya si Wilda sa trabaho niya. Metikuloso si Brent, perfectionist, temperamental. Hindi iilang beses niyang nakita ang pagkailang ng mga empleyado kapag nagagalit ito.
Hindi rin miminsang siya ang nagiging shock absorber ng galit nito lalo na kapag nagkamali ang mga architects sa ilang delikadong designs.
Isang linggo na lang at malalampasan na niya ang anim na buwang probationary period. Natitiyak niyang walang empleyado ang umabot sa ganoong buwan kung hindi ito gusto ni Brent. Kasalukuyang nagmi-meeting ang mga ito, kasama siya, bilang tagakuha ng minutes ng meeting, nang hingin nito sa kanya ang isang file.
Mabilis siyang tumayo at lumabas ng conference room para kuhanin iyon mula sa filing cabinet dahil kahit papaano ay kinakabahan siya kapag sumisigaw na ito at alam niyang lahat ng naroroon ay katulad niya rin ang pakiramdam.
"Ang sabi ko ay file ng San Nojasco building, Wilda!" bulyaw nito. "Hindi itong Legaspi Mall!" Pabagsak nitong ibinalik sa kanya ang folder. "I never thought my employees to be a bunch of idiots!"
She pressed her lips tightly in embarrassment, at para awatin na rin ang sarili sa pagsasabi rito ng mga bagay na nasa isip niya. After all, Brent Guttierez was his boss. Ni hindi niya magawang sulyapan ang mga executives na nasa palibot ng mesa. Ang mga ito man ay umiiwas na mapatingin sa kanya.
Kinuha niya ang folder at lumabas uli at kinuha roon ang hinihingi nito at muling ibinigay rito.
It was forty-five minutes later when the meeting was adjourned. Isa-isa nang naglabasan ang mga architects at engineers at nagsibalik sa mga puwesto nila.
Nakayuko pa rin si Brent sa makapal na file na nasa harap nito at sa wari ay hindi nito nakikitang nakatayo siya roon.
Kapagkuwa'y tumayo ito at sinamsam ang ilang gamit sa mesa at basta na lang ipinasok sa nakabukas na briefcase.
"Oh, you're still there," wika nito nang mapuna siya. "May appointment ako at—" Nahinto sa pagsasalita si Brent nang mapuna ang galit sa mga mata niya. "May problema ba?"
"Gusto kitang makausap," she said.
"Wilda, nagmamadali ako. Can't it wait? I will be late with my—"
It's now or never.
"Gusto ko lang sabihin sa iyo na hindi ako bingi," she started, tinitimpi ang galit na kanina pa namumuo sa dibdib. "You asked for the Legaspi Mall file at natitiyak kong iyon din ang narinig ng mga narito kanina, if you bother to ask any one of them." Nagsalubong ang mga kilay ni Brent Guttierez sa pagkamangha. Alam ni Wilda na mainit pa rin ang ulo nito dahil may mali sa existing project at malaking gastos iyon sa bahagi ng kompanya kapag inulit at malamang ay hindi matatapos sa completion date.
"Ano ang ibig mong sabihin, Wilda?" Marahan ang tanong pero sa ilalim ng tinig nito ay naroroon ang babala.
Ang galit niya' y nahalinhan ng kaba. Pero naroroon na siya at hindi niya matanggap ang pagkapahiya sa harap ng ibang empleyado na tila siya tanga.
"That you didn't have to shout at me, Mr. Guttierez, gayong ikaw naman ang nagkamali. If you have raised your voice a little then I wouldn't really have taken offense. Naiintindihan kong mainit ang ulo mo dahil sa nangyaring pagkakamali.
"But you literally shouted at me and called me name sa harap mismo ng mga executives mo." Sinikap niyang huwag marehistro ang panginginig ng tinig.
Matagal siyang tinitigan ni Brent at unti-unti nang nanginginig ang mga tuhod niya. Ikinagalak niya ang silyang nasa harap niya. Disimulado siyang humawak sa likod ng sandalan niyon upang kumuha roon ng lakas.
BINABASA MO ANG
All-Time Favorite: The Substitute Bride
Romantik"Marry me, Wilda. I cannot be jilted the second time around." Brent Guttierez was tall, dark-and wow! She was also Wilda's boss. Sa loob ng isang taong pagtatrabaho niya rito bilang sekretarya ay naitago niya nang mahusay ang damdamin niya dahil ma...