CHAPTER SIXTEEN

3.1K 39 2
                                    


Hinugot niya sa ilalim ng paperweight ang listahan ng mga tumawag at sinundan si Brent papasok sa silid nito.

"Nagpapa-return call si Mrs. de Vega. Tungkol yata sa proposed supermarket at office building na itatayo niya sa Legaspi."

"Why don't you kiss me, Wilda?" anito sa himig na nag-uutos, nakasandal sa gilid ng mesa at hindi man lang tinapunan ng pansin ang papel na inilagay niya sa mesa. Then his arms snaked around her waist. Ang noo ay idinantay sa noo niya.

"You smell so heavenly. You are turning me on." "I cannot believe you are so vulgar!" She was indignant.

He laughed. Pulled her closer against him. She was trying to ignore his closeness and the way it was affecting her senses wildly. Ibaba lang nito nang bahagya pa ang mukha at lalapat na ang mga labi nila sa isa't isa. Nararamdaman niya ang pagnanais nitong gawin iyon. His breathing was uneven.

But Brent wouldn't dare ravage her in his office lalo at nakabukas nang bahagya ang pinto at ano mang sandali ay may papasok.

"If I started kissing you now, I don't think I can stop until—"

"At si Mr. Perez ay nakikipag-appointment sa iyo ngayong tanghali. Ikaw daw ang magsabi kung saan." Kapagkuwa'y mabilis na kumawala at lumayo rito.

"So. We're back to formalities, huh? My superefficient and cold secretary," wika nito sa pagitan ng amusement at iritasyon.

"Hindi ka nakikinig, Mr. Guttierez."

"Mr. Guttierez?" Tumaas ang mga kilay ni Brent. "Any day this week you will become my wife pero iyan pa rin ang tawag mo sa akin?"

"Empleyado mo pa rin ako hanggang sa mga sandaling ito." She knew she was provoking him. Pero naiinis siya. Hindi niya mawari kung saan. It was as if her whole life was in his hand and she couldn't do anything about it. And Brent knew it.

Nagdikit ang mga kilay nito. "Ah, ganoon?" Diniinan nito ang tatlong buton sa intercom para sa personnel department. "Luisa... yes. Magpa-advertise ka ng makakapalit ni Wilda."

"What is wrong, BG?" nagtatakang tanong ng personnel manager na naririnig ni Wilda mula sa speaker ng intercom. "Nagkakaproblema ka ba kay Wilda? Umabot na rito sa ibaba ang balitang may bagong imahe ang sekretarya mo ngayong umaga. Mahirap yatang paniwalaang pagkatapos ng mahigit isang taon ay biglang naiba ang ihip ng hangin."

"What are you doing?" bulalas niya sa pabulong na paraan upang hindi siya marinig sa kabilang dulo ng linya.

Brent ignored her. "Oh, yes, Luisa. Sa wakas ay hinubad na ni Wilda ang disguise niya. And I decided to promote her."

Naulinigan pa ni Wilda ang maluwag na buntong-hininga ng personnel manager na sa pananatili niya roon ay nakakahulihan na rin niya ng loob.

"Really? Well, that's good news. I hate to think you would lose a sensible and efficient secretary, BG. I almost thought that after all this time she suddenly turned to be one of those... oh, well, Wilda deserved the promotion. Sa anong posisyon mo siya ipino-promote?"

Sinulyapan siya nito, the corner of his lips twitched in a half smile. Then he winked at her.

"As my wife."

"As your—What?!" bulalas ng manager.

Napaungol si Wilda. Naupo sa visitor's chair sa harap ng desk nito. Nai-imagine na niya ang pagkabigla sa mukha ni Mrs. Luisa Aurelio.

"Ipabababa ko sa iyo ang imbitasyon mo para sa kasal namin sa susunod na linggo. And start screening applicants. Si Wilda ang bahala sa final interview kung sino ang gusto niyang pumalit sa kanya."

All-Time Favorite: The Substitute BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon