Chapter 1

8 1 0
                                    


Chapter 1

Moving up.

Yes! Thankyou Lord at sa wakas bakasyon na. Pero, hep, hep. Practice pala ng recognition namin at hindi pa— mamaya pag tulog ko at paggising bakasyon na. May dalawang linggo pa kaming babalik sa school para mag practice ng recognition.

Nakakainis nga at kailangan ko pang gumising ng maaga. Sa umaga kasi practice naming mag mo-moving up tapos sa hapon ang mga graduating. Katulad ng grade 10 atsaka grade 12.

"Una na ako" may kumalabit sa braso ko at napatingin ako rito. Tumango naman ako sakanya bago siya umalis at lumabas ng room.

Hindi ko pa kasi tapos ang pinapagawa ni ma'am sa akin. Sa dami namin dito sa classroom ako pa talaga ang napagutusan niya. Nagla-lagay ako sa isang papel ng mga pangalan ng mga awardee this school year. Eh, sa ang dami. Whole grade 11 ba naman. Atsaka, lima ba naman ang section namin. Masyado nilang ginalingan this school year at halos lahat sa kada section ay honors. Tuloy, hirap na hirap ako mag lista ngayon.

Nasa kalagitnaan ako ng ginagawa nang maihi ako. Pumunta ako sa cr at ginawa na nga ang dapat gawin. Inayos ayos ko pa sa salamin ang sarili ko bago pihitin ang doorknob ng banyo. Mabuti at may sariling cr itong classroom namin. Nakakatamad din kasing pumunta sa baba at doon mag banyo. Dagdag pang may kwentong may nagmu-multo raw doon.

Bumalik ako ng upo at binalikan ang gawain ko. Naging okay ang mga susunod kong minuto hanggang sa mapatingin ako sa relo na nasa braso ko. Namilog ang mga mata ko ng makitang alas dyis na.

"Lintek!" napatayo ako at napa punta sa pintuan. Gago. May practice pala kami ng ten. Nakalimutan ko. Sinabihan pa naman ako ni ma'am na kailangan maaga ako. Ako pa naman ang kakanta ng ending song. Kailangan ko pang ipractice ang ibang grade. At kailangan ko ring sabihin kung ano ang kantang napili ko.

Nagtaka ako ng lumapit ako sa pintuan at naka sira ito. Doon na bumilis ang tibok ng puso ko. Don't tell me... SINIRADUHAN AKO NG PINTO!? Patay, nasa labas pa naman ang lock.

Pero nandito ako kanina pa. May nang trip ba sakin at sinaraduhan ako!? Pinihit ko ang doorknob at pilit na binuksan. Kahit na sira naman talaga ang doorknob at may double lock lang talaga sa labas. Lintek, ang laki pa naman ng door lock sa labas.

Sumilip ako sa bintana at tiningnan kung may katao-tao ba sa hallway. At malas dahil wala. Nasa second floor pa naman ang classroom namin. Wala talaga medyong nadaan dito, lalo dahil wala nang klase.

Napasabunot ako sa buhok ko. Naku, lagot ako kay ma'am. With high honor na tanga. Ako yon.

"May tao ba riyan!?" patanong na sigaw ko kahit wala namang sasagot sa akin. Kung may sasagot sa akin baka mahimatay pa ako, dahil hindi na tao ang sumagot pag ganon. Potekz. Ang malas na malas na sobrang malas ko talaga sa buhay.

Malas na nga sa love life! Malas pa sa bahay! Malas nalang sa lahat!

Teka—panong malas sa love life, eh hindi pa naman ako nagkaka-boyfriend. Napakamot nalang ako sa ulo ko. Kinuha ko ang payong na nasa gilid ng pintuan at binalak na buksan ang pintuan. Buti nalang talaga at may sira ang bintana nitong classroom namin.

Nag vibrate ang cellphone ko sa aking bulsa kaya natigil ako sa ginagawa kong pag abot ng lock ng pinto—gamit ang payong ng kaklase ko.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at may isa akong text message. Kumunot naman ang ulo ko dahil hindi pamilyar sa akin ang number nang nag text.

"Where are you?" basa ko sa text.

Namali lang ba ito ng text o para sakin talaga to? Bakit naman ako tinatanong nito kung nasaan ako? Atsaka English pa ha. Alangan naman si mama, eh alam non nasa school ako. Atsaka hindi ume-english english si mama. Isang 'San K" lang iyon. Tipid pa sa letters pag nag text.

Wala naman akong ibang binigyan ng number. Ang nakakaalam lang ng number ko ay ka close ko lang. Malas pa dahil wala akong ka close. Si mama tsaka papa. Ang kapatid kong grade 7. Iyon lang. Sila lang. At kung meron paman si Queenie na taga kabilang section. Ibinigay ko ang number ko dahil umo-order ang mama niya sa amin ng mga beauty product na benta ni mama.

Gusto ko sana itong replyan nang 'who u' kaso lang naalala ko ang sitwasyon ko. Baka matulungan ako nito. Kung sin o man ito. Pero baka wala ito sa school, diba.

Sasagutin ko ba?

Magte-text back ba ako?

"Nasa room aku. Na lock. Plz. Help" at tinap ko ang send. Buti nalang may lod pa ako.

Napairap ako sa kawalan at naalala si Queenie! Hala, napakatanga ko talaga. Pwede naman pala si Queenie nalang ang itext ko.

Pero, hindi naman kami close? Baka sabihin fc ako. FEELING CLOSE. Dahil tinext ko siya na na-lock ako rito sa classroom namin. O baka nasa practice iyon? O baka hindi niya ako paniwalaan, o baka—

"Bahala na nga..."

Nagtipa ako ng text kay Queenie at sinend iyon. Pagka send ko palang ay may narinig akong yabag ng paa sa labas. Nagsaya ang puso ko at sumilip sa bintana.

"Help! Na lock ako!"

Nakita ko ang mga kaklase ko na papalapit sa gawi kung nasaan ako.
Tatlo sila at sapo-sapo ng isang kaklase ko ang noo niya.

"Hala! Sorry beb!"

Binuksan ka agad nila ang pinto.

"Ako ang nag lock kanina. Akala ko kasi wala nang tao"

Tumango tango lang ako at tiningnan ang cellphone kong nag vibrate. Si Queenie, nag reply. Wala raw siya sa school. Absent, te-text lang daw siya sa ibang kaklase niya na paki-puntahan ako. Nag reply naman ako kaagad na huwag na dahil na buksan na ang pinto at nag thankyou kahit pa-paano.

"Pano niyo pala nalamang na lock ako? Naalala mong nandito ako? " tanong ko habang nag t-type sa cellphone.

"Mabuti lang at nag se-seating arrangements palang, di na galit si ma'am na wala kapa"

"Bakit namam magagalit? Eh, may reason naman bakit wala pa siya"

"K, k"

Naguusap sila at hindi ata narinig ang tanong ko.

"Hoy!"

Pagtawag ko ng atensyon at napatingin naman sila sa akin. Buti naman.

"Hep? "

"Pano niyo nalaman na na-lock ako? Naalala mo? "

Kinamot ng kaklase kong babae na nag lock sa akin ang batok niya.

"Hindi ko nga naalala, bebz" tumingin siya sa mga kasamahang kaklase na mga lalaki. "Napagalitan nga ako nang maalala ko.. sinabi ko kay ma'am na na lock kita" paliwanag nito.

"Eh? Pano nalaman na-lock mo ako?"

"May Grade 12 na nagsabi kay ma'am" sabat ng isang kaklase kong lalaki.

"Huh? Ano namam ginagawa ng grade 12 dito sa grade 11 building?" tanong ko nanaman.

"Aba, ewan" nagkibit balikat si Janella, ang nag lock sa akin. "Narinig ka raw na sumigaw. Ewan nga bakit hindi nalang siya ang tumulong sayo. Basta, pasalamat ka nalang"

Tumingin ako sa kisame at napatanong sa sarili. Sinong grade 12? Ah bahala na basta thankyou sakanya!

"Si Cael ata? "

Bumalik ang mga mata ko sa kaklase kong lalaki.

Cael? Sino naman yan?

Nagpakita ako nang question face kaya natawa sa akin ang tatlo.

"Hala siya! Unbelievable!"

Natawa tawa na rin ako tsaka bumalik sa bag ko kanina kung nasaan.

"Si Cael. Iyong Editorial in Cheif"

Text Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon