Chapter 8

3 0 0
                                    


"H-Hindi ko siya boyfriend..." maliit na boses ko pero tumawa lang si mama.

"Sus, mga kabataan talaga"nilungo-lungo niya ang kanyang ulo. Tumayo siya sa kinauupuan niya at matalim na tiningnan ako.

Alam ko si mama. Alam kong galit siya ngayon sa akin dahil sa akala niya ay may boyfriend na ako. Pakitang tao lang talaga si mama sa mga tao na mabait siya. Na okay siya. Lumapit siya sa akin at nilagpasan ako. Pero bago ako nilagpasan ay kinurot niya ako  sa aking tagilirin. Namilipit naman ako sa sakit dahil sa bigla.

Simula bata, ganito si mama. Lage siyang nangungurot sa tagilirin pag may pasaway ka na ginawa. At okay lang sa akin yon dahil alam ko namang pasaway ako minsan. Pero ngayon, wala naman akong sinaway sa sinabi niyang bawal pa ako mag boyfriend.

Lumabas si mama sa pintuan ng bahay namin na alam ko pupunta nanaman siya sa kapatid niya. Ang tita ko.

"Oh! Edi tara na!"nilagay ni Jeya ang kanyang kamay sa braso ko.
"Approved naman pala si mama mo na may boyfriend ka eh!" maligayang sambit ni Jeya. "Naniwala nga siya kaagad na boyfriend mo tong si Cael—"

"Ano!?" hindi ko pinatapos si Jeya. Binaklas ko ang kamay niya sa braso ko at lumayo ng ka-onti sakanya.

"Sinabi ko sa mama mo na boyfriend mo si—"

"Bakit mo sinabi!?"tumaas ang boses ko.

Isa sa mga ginintuang utos iyon ni mama sa akin. Ang huwag ako mag boyfriend. At wala naman talaga akong boyfriend pero sinabi ni Jeya na may boyfriend ako, at iyon ang iniisip ni mama. Dinisappoint ko ang mama ko. Kahit na hindi totoo na may boyfriend talaga ako.

"Uy.. chill" tinaas niya ang kanyang dalawang kamay katulad ng kanyang ginagawa. "Don naman ata—"

"At bakit alam niyo ang bahay ko?" hindi ko siya pinatapos at nag tanong agad. Isa rin iyan sa mga pinagtataka ko kasi. Bakit alam nila ang bahay namin. Wala ako kahit kailan man na taga eskwlahan na dinala rito sa amin.

"Ah.. nagtanong" naga-alinlangan pa nitong sagot.

"Umalis na kayo" tiningnan ko nang masama si Jeya.

"Pero..."

"Ikaw, Cael" tiningnan ko si Cael na inaayos ang kanyang glasses. "Bumalik kana sa school, may practice ka pa"tiningnan ko ulit si Jeya. "Umuwi kana, pagod na ako sayo" ani ko rito atsaka pumasok ako sa kwarto namin ng kapatid ko.

Bahala na sila kung aalis sila o hindi. Basta ayoko sila harapin. Lalo na si Jeya. Akala ko talaga magiging kaibigan ko na siya. Pero inuunahan niya ako lage sa lahat. Naiinis na ako sakanya. Hindi pa nga kami masyadong close pero grabe na siya sa pag apak ng boundaries ko. Ano pa kaya kung maging mag kaibigan kami. Baka pati buhay ko pakialaman niya.

Pag ka sirado ko ng pinto ay nag bihis ako atsaka humiga sa kama ko. Ipinikit ko ang aking mga mata at inalis ang pagmumukha kanina ni Cael nang tiningnan ko siya.

GABI na at kakatapos lang namin mag hapunan. Himala nga at sama-sama kami sa hapag, kahit na parang nagdarasal kami sa sobrang tahimik. Pagkatapos kumain, ako ang nagligpit at nag hugas ng pinggan. Si mama naman ay pumasok na sa kanilang kwarto. Habang si papa ay nanood ng tv. Ang aking kapatid naman ay natulog ng maaga dahil pagod.

Lumapit ako kung nasaan si papa at umupo sa tabi niya. Isinandal ko ang aking ulo sa kanyang balikat at pinanood ang pelikula na kanyang pinapanood. As usual, action movie ito.

"Totoo ba?" tanong ni papa.

Bumangon ako sa pagka-kasandal ko sa kanyang balikat at tiningnan siya.

"Ang ano pa?" kunot noong tanong ko.

Text Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon