Chapter 3

5 0 0
                                    

Pabaling baling ang mga mata ko habang nasa harap kami ng counter. Halos kasi lahat ng nasa food court ay ka school din namin at teacher naman ang iba. May ibang bumabati at ngumingiti sa akin at sa kasama ko.

Akala ko talaga hindi marunong makipagusap itong si Cael. Pero kanina nang mapadaan kami sa kumpol ng teacher. Para kaming aabutan ng bandila sa dami ng pinagusapan nila. Kung hindi lang ako napabuntong hininga sa tabi niya kanina ay hindi pa siya aalis sa harap ng mga teachers.

"Ano iyo?" tanong nito sakin.

Magkatabi kami. Naka side view siya sa akin kaya habang nakatingin ako sakanya ay malaya kong natitingnan ang matangos na ilong niya. Hindi man lang nalalaglag ang salamin niya dahil may nakakapitan.

"Depende sayo" sagot ko naman.

Tumingin siya sa akin. Mas matangkad siya sa akin kaya nakayuko siya nang kaonti. Tumingin lang siya sa akin ng mabilis at bumalik tingin sa menu na nasa taas. Nakita kong namula ang leeg niya at minasahe ito.

"Pili kana"

"Hindi ko nga alam"

Totoo iyon. Hindi pa nga ako naka try mag order dito kaya wala akong ka-alam alam. Tumingin lang ako sa menu at nangunot ang noo ron. Ang mahal. Shemz. Siguro ang pinaka mura nalang piliin ko.

"Ah.. yan.." tinuro ko ang rice tapos siomai ang ulam. Hindi pa ako naka try mag siomai na ulam at ngayon palang siguro. Meron kasing beefsteak, chicken adobo at ano pang ulam. Meron ding fried chicken at pritong isda. Pero lagpas fifty ang presyo. Iyong rice at siomai thirty seven lang. Wala kasong drinks. May tubig naman ako sa bag.

"Kumakain ka ng manok?"

Tumingin ako rito na nakatingin pa rin sa menu. May iba rin palang nasa tabi namin at bumibili. Hindi ko na napansin dahil na tense akong kasama itong nasa gilid ko.

"Oo" sagot ko.

"Ano inyo, sir?" tanong ng tindera.

"Dalawang fried chicken with rice, tapos dalawang mineral water,"  sagot nito sa tindera.

Tumaas naman ang kilay ko. Wowz. Hindi umiinom ng soft drink si manoy.

"Umiinom ako, ayoko lang ngayon" ani nito.

Mukhang napalakas ata ang sabi ko sa utak ko.

Umupo na kami sa isang bakanteng upuaan. Nasa may gilid malapit sa mga halaman. Magkaharap kami ngayon pero hindi siya nakatingin sa akin. Nasa cellphone niya siya nakatuon at parang may ginagawa.

"Alam mo ba, parang nasa karinderya lang tayo. Pero sosyal lang" pagdaldal ko. "Kung sa karinderya nalang sana tayo, edi sana tipid pa," dagdag ko pa. Kasi totoo namam, parang nasa kerinderya lang kami. Ang iba lang ay kung paano mag order tapos malaki ang space. Iyong mga binebenta mala karinderya rin ang iba.

"Thankyou," pagpapasalamat ko sakanya.

Inangat niya ang ulo niya. Tumingin siya sa akin pero nag iwas kaagad ng tingin.

"Welcome"

"Hehe" wala na akong maisagot.

"Kunin ko lang order natin." Tumayo siya at pumunta ulit sa inorderan namin kanina.

Okay naman kasi kanina na hintayin nalang kaso mga ilang minuto pa. Takot mangalay ang kasama ko kaya umupo kami kaagad. Ayon, siya naman ang bumalik kaya bahala siya.

Mga ilang minuto bumalik na siya at dala ang inorder niya for me and for himself. Nilapag niya sa harap ko ang akin, pati narin ang mineral water na order niya.

Umupo na siya sa harapan ko at uminom ng tubig.

"Sana nag soft drink tayo" pabiro ko. Wohoi! Si ate nilibre na nga may pa hirit pa. Tumawa ako sa loob-loob ko. Akala ko tatawa rin ang kasama ko pero tumingin lang ito sa mukha ko ng seryoso.

Text Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon