Chapter 26

4 0 0
                                    

Ngayon na ang libing ni papa. Nandito ang pamilya niya at mga kaibigan. Madaming sasakyan ang dumating. Ganon din ang mga motorsiklo. Habang sa pamilya naman ni mama ay nag-akupa sila ng tatlong jeepney na bayad ng syudad, tapos sasakyan galing sa isang councilor dito sa amin. Walang gastos sa pagkain para mamaya dahil sinalo ng syudad at pamilya ni papa. Kaya ganon nalang ang hindi maguhit na pagmumukha ng pamilya ni mama. Kesyo mayayabang daw. Pero noong nakaraan ay gusto nila ang mga ito na magbayad ng gastusin.

Kasama ko ang kapatid ko sasakyan ng purinarya na magdadala kay papa sa sementeryo. Sa isang private cemetery ililibing si papa. Ayaw pa sana ni mama, pero nagpumilit si tiya dahil sila naman ang magbabayad.

Wala kaming imikan lalo pa at pinagkalat niya sa kapamilya ni mama na matagal na kami ni Cael. Ang sama pa ng mga narinig ko. Akala ko kakampi ko na siya. Yon pala hindi.

"Sasama ka sakanila diba."

Mabagal ang sasakyan na sinasakyan namin. Nakasunod ang madaming sasakyan at mga tao. Kita ko pa si mama na yakap yakap ang picture ni papa na nasa frame.

"Kapag sasama ka sakanila, hindi na kita kikilalanin bilang ate."

"Para din naman sainyo iyon kung sasasama ako."

Ayoko biguin si papa. Gusto niya makapagtapos ako. Alam niyang hirap ang dadanasin ko kung hindi ako hihingi ng tulong sa pinagkakatiwalaan niyang kapatid. Buhay palang siya non ibinilin na niya ako sa kay tiya. Alam ko na makakabuti kung sasama ako. Pero iniisip ko rin ang maiiwan ko. Mawawalan ng katuwang si mama, at mawawalan ng ate ang kapatid ko. Bata pa siya alam kong hindi pa niya masyado alam ang pasikot sikot ng mundo. Kaya ako na ate. Kailangan kong maging matatag.

At tungkol naman kay Cael. Siya na mismo ang nagsabi. Unahin namin ang mga pangarap namin. At sa mga pangarap ko hindi ko siya nakikita. Ayoko maging sagabal ako sakanya. Nakikita ko ang malaking opurtinidad na kanyang sinayang dahil sa sakin. Kung hindi kami naglandian ay baka nasa ibang bansa na siya kasama ang papa niya. Ayoko na kalong kalong ako lage ni Cael. Ayoko na mabigatan siya sa akin. He's too good for me. And I'm not. Hindi kami bagay. Para siya nalang lage ang bumubuo sa amin. Isa pa, wala namang kami.

Hagulhol ako nang hagulhol ng ibinaba na si papa sa lupa. Si mama ay napaluhod pa. Sumabay pa ang munting ulan sa nararamdaman namin. Nagulat pa nga ako na umiyak ang kapatid ni mama. Mas sobra pa ang iyak niya kaysa sa asawa.

Naghugas kami ng kamay tapos ay kumain. Kasama ko si tiya na nagmumuni-muni sa likod ng sasakyan na dala ng isa pang kapatid ni papa. Nakatanaw ako sa kalangitan. Nakikita ko ang araw na papalubog na. Nagsi-siuwian na rin ang iba. Na una pa ang pamilya ni mama, kasama rin siya at ang kapatid ko. Ayaw nilang makipag-usap sa pamilya ni papa. Masama raw ang loob nito sakanila kasi mga hambog daw ang mga ito. Gumawa kasi ito ng eksena kanina. Nakakahiya. Naka inom pala siya.

"Boyfriend mo yon?"

Lumingon ako kay tiya. Ngumuso siya at nakita ko ang pamilyar na sasakyan sa malayo. Nasa labas ang may ari at nakatayo. Kahit sa malayo ay kita ko ang kakisigan nito. Mas lalo akong na inis.

"Alam mo, if you find comfort in him. Go for it."

Umiwas ako ng tingin at uminom ng softdrink. Nilagok ko ito ng isahan kaya nagulat si tiya.

"But, don't burn your future for temporary comfort."

Hindi ko napigilan na umiyak nanaman. Cry baby. Hinayaan ako ni tiyang umiyak.

"Mga bata pa kayo. Nakikita ko na naga-alinlangan kapa sakanya. Gusto mo siya, yes. But deeply ikaw lang ang makakalaam na parang may iba."

May iba talaga. Dahil puro si Cael nalang. Diba dapat ay give and take. Pero puro si Cael nalang ang give at wala siyang nakukuha sa akin. Palagi pa siyang nakikinig sa akin, pero kahit kailan hindi ko siya narinig. Palagi pang ako nalang ang iniisip niya, kahit kailan hindi ko siya naisip. Hindi talaga kami fit for each other. He's too perfect, and I can't handle it.

Text Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon