Chapter 5

5 0 0
                                    

Singkit ang mga matang naglalakad ako papasok sa school. Kagabi umiyak ulit ako pag-uwi ni mama tsaka papa. Sinira ni papa iyong tv namin. Sinuntok niya ba naman sa sobrang kalasingan.

"Beh!" may umakbay sa akin habang naglalakad ako sa hallway. Tumingin ako rito at si nakaharap ko ang ngiti-ngiting si Jeya. "Singkit ka ngayon, ah." Lumayo na ito sa akin at sumabay maglakad.

Nandito rin si Jeya dahil awardee siya. May practice kami mamayang ten. Mamimigay pa nga ako ng copy ng kanta.

"Hindi bukas ang room" ani nito. Magkaklase kami ni Jeya at nasa unahan ko siya nakaupo ng may klase pa. "Sa Office nalang namin tayo tambay," suggestion niya.

Ano naman gagawin ko ron? Tambay? Hindi naman ako camp journalist. Tsaka mamimigay pa ako ng copy.

"Mamimigay ako ng copy," sagot ko sakanya.

"Wala pa masyadong estudyante. Seven in the morning palang," tumawatawa siya. "Kitang alas dyis pa ang practice ng moving up. Mamaya pa darating mga estudyante, dayz"

Tama nga naman siya. Wala nga masyadong estudyante pa. Kung may nakita man ako kanina mga grade 11 lang.

"Office namin tayo."

Bago pa ako maka hindi ay inakbayan na ako nito at kinaladkad papunta sa building ng mga grade 12. Umakyat kami sa hagdan at dumiretso sa office nila. Sirado pa ang ibang classroom at tahimik ang paligid. Wala rin masyadong teacher at kung may kasalubong man ay mga kakarating lang din.

"Ang aga pa. Bukas office niyo?" tanong ko dahil baka sirado rin katulad ng ibang room ang opisina nila.

"Oo naman. Maaga dumarating si boss" kinindatan niya ako bago buksan ang pintuan ng room.

Lumantad ang maliwanag na ilaw at walang tao sa loob. Pumasok naman ako at umupo sa malapit na upuan. Nilibot ko ang paningin at tumingin sa mga nakasabit na picture at papel sa dingding.

May blackboard na malaki tsaka maliit. May mga to do list at mga programs. May tatlong mesa at ang isang lamesa ay may computer tsaka printer. Ang lamesa kung saan ako kahapon nag print. Sa ikalawang mesa ay may nakasulat na adviser desk. Maraming libro sa desk na iyon tsaka notebooks. Sa ikatlong mesa naman ay—

"Goodmorning"

Napaiwas ako ng tingin ng maalala ang kagabi.

"Goodmorning, Cael"

Bakit ba ako sumama rito!? Hindi ko naman kasi naalala kaagad iyong kagabi. Hindi ko inaccept ang mama niya dahil nahihiya ako. Pero nilike ng mama niya iyong profile picture kong naka public. Napa only me tuloy ako ng profile picture kagabi. Atsaka napa friends only ng mga post. Hindi naman sa ina-assume ko na titingnan ng mama niya ang profile ko. Pero mabuti na ang handa. Handa saan? Handa kong istalk niya man ako?

"G-Goodmorning" nauutal na sabi ko. Hindi ako tumitingin sakanya pero ramdam ko na may nakatingin sa akin.

"Magkakape muna pala ako" nangunot ang noo ko sa sinabi ni Jeya.

"Sama ako" tumayo ako tsaka inayos ang bag kong nasa likod.

"Huwag na, mabilis lang ako. Bibili lang ako ng kape natin" ngumiti siya sa akin ng nakakaloka.

"Sasama pa rin ako" hahakbang na sana ako ng pigilan niya ako.

"Mabilis lang ako. Tatagal pa ako kung may kasama ako" Tinulak niya ako ng mahina para maupo.

"Huh? Sasama nga ako" pamimilit ko dahil ayoko maiwan kasama si Cael. Ano namam gagawin ko rito? Tsaka bakit ba lage ako iniiwan ni Jeya. Kahapon iniwan niya rin ako.

Text Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon