Chapter 25

2 0 0
                                    

Wala na si papa.

Graduation na namin at siya pa sana ang gusto kong magsasabit sa akin ng medalya. Pero wala, kinuha na siya sa amin. Namahinga na siya. Kaya naman ang tiya ko ang sumama sa akin sa graduation ko. Si mama kasi ay iyak nang iyak simula kahapon nang magising siyang wala ng hininga ang katabi niya. Busy din siya sa paga-asikaso sa kay papa. Mamayang hapon darating na sa bahay ang katawan niya.

Hindi man lang nahintay ang pinakamamahal niyang kapatid na umuwi. Ang ate niya. Si tiya. Nagka-usap naman daw sila. Alam ni papa na uuwi si Tiya sa araw na ito. Pero hindi man lang niya ito hinintay. Alam naman niyang ang layo ng Canada sa Pilipinas.

Ang tamlay ko kanina ng binigyan ako ng medalya. Hindi ko na sungkit ang with highest honor. Wala pa akong best na subject. Para tuloy akong tanga na lutang na nakaupo sa gitna. Pagkatapos ng seremonya, niyaya ako ni tiya na kumain muna. Pero tumanggi ako. Panay din ang ring ng cellphone ko pero ayaw ko muna siyang maka-usap. Gusto ko nalang umuwi muna sa bahay at matulog.

Pagkauwi sa bahay. Nadatnan ko na ang kabaong ni papa. Mas lalo pa akong naiyak ng tinanong ako ng kapatid ni mama bakit dalawa lang daw ang medalya ko. Hindi raw matutuwa si papa. Hindi tuloy ako lumapit sa kabaong at hanggang tanaw nalang sa malayo. Pumasok nalang ako sa kwarto at humiga sa kama. Umiyak ako nang umiyak hanggang sa makatulog.

Nakaramdam ako ng presensya sa tabi ko. Iminulat ko ang aking mga mata at nagtinginan kami. Bumangon ako at hinubad ang medalyang suot suot ko pa pala. Bumuntong hininga ako at dahan dahang binuksan ang botones ng aking uniform.

"Asan si mama?" tanong ko.

"Still crying." Sagot ni tiya at tumayo sa pagkakaupo. Inayos niya ang up shoulder niyang suot at maluwag na kulay cremang pants. Humawak siya sa noo niya at napabuntong hininga. "Kung tatanungin mo ako kung anong oras na. Alas-otso ng umaga."

Nakasando nalang ako ngayon na kulay puti at naka palda pa rin sa ibaba. Umalis ako sa hinihigaan at tumayo. Kumuha ako ng jogging pants at hinubad ang palda ko. Hindi naman ako nahiniya kay tiya dahil parehos naman kaming babae. At isa pa, pinagiisipan ko ang sinabi ni papa sa akin. Hindi na dapat ako mahiya sakanya kung pipiliin kung sumama sa abroad.

"Bago mawala ang papa mo, nakapag-usap kami. Sabi niya ay gusto niyang sumama ka sakin."

Inayos ko ang suot kong sando at jogging pants. Kumuha ako ng sabon na ginagamit ko sa cabinet. Hinarap ko si tiya at bumuga ng hangin.

"Kaya siguro hindi niya na ako hinintay para sumama ka sakin." Mahinang tumawa siya. "Napakaloko talaga." dagdag niya.

Hindi ako sumabat sa sinabi niya at lumabas sa kwarto. Don natadatnan ko si mama na naka upo sa harapan. Habang ang kapatid ko ay umiinom ng kape. Ang mga kapatid niya sa labas ay naglalaro ng baraha at mahjong. Ang mga pinsan ko naman sa mother side ay nagi-ingay at nagkakalat.

Napatingin sa akin si mama pero mabilis lang. Tumayo agad siya at pumunta sa labas. Niyaya siya ng mga kapamilya niyang maglaro at tumango naman siya. Hindi ko naramdaman ang paglapit ng kapatid ko sakin. Hindi niya ako pinansin at pumasok siya sa kwarto. Mabilis lang naman siya at lumabas ulit. Kumuha lang pala ng cellphone. Walang may pumansin sakin, pwera kay tiya na nasa likod ko at nagkwe-kwento ng kung ano ano na hindi naman ako nakikinig. Naglakad ako papunta sa banyo para mag hilamos. Akala ko ay hindi na ako susundan ni tiya pero sumunod pa talaga siya.

"Siya pala... sinagot ko kagabi ang tawag sa phone mo."

Humarap ako sakanya na nagty-type ngayon sa cellphone.

"Oh?"

Binasa ko ang aking mukha at binuksan ang sabon na kinuha ko kanina. Humarap ako sa salamin at nakita ang lantang gulay na repleksyon ko.

Text Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon