Chapter 33

0 0 0
                                    

Isang walang tigil na pagkatok ang gumising sa akin. Tumingin ako sa paligid at nanlaki ang dalawang mga mata sa kung nasaan ako. Agad akong tumingin sa gilid ko kung saan walang humpay ang pagkatok ng isang lalaki.

"Shit..."

Binabaan ko agad ng bintana ang lalaking may edad n, at nakasuot ng traffic enforcer na uniform. Tumigil ito sa pagkatok at pagsuri sa sakyan ko. Ginawaran ko agad ito ng awkward na ngiti at binati siya.

"G-Good morning, sir.."

"Tanghali na, miss."

Tumingin ako sa likuran niya at nakitang madami ang sasakyan na dumadaan. Gumala pa ang aking mga mata at nakitang nasa gilid pala ako ng kalsada. Sa tapat ng seven eleven! Gusto ko na lang sabunutan ang sarili ko dahil nasa intersection pa talaga ako at malapit sa pedestrian lane. May mga tao na napapasilip sa gawi ko.

"Sorry po.."

Yumuko ako at kinuha ang aking bag. Ipinakita ko ang aking lisensya at i.D.

"Nalasing po kasi ako kagabi, sir. Hindi ko na po kinayang mag drive. Hindi ko na po alam kung saan ako tumigil," klarong pagpapaliwanag na sabi ko. Pero hindi ko sinabi na nag break down ako sasakyan. Nakakahiya naman sabihin iyon. At ayoko malaman ng kahit sino iyon.

"Sabagay, miss, mabuti ang ginawa mo. Iwas aksidente, pero namali ka lang dahil dito ka sa harap mismo ng..." ipinakita niya sakin ang likod niya. "Sa daan kung saan maraming tao kung may araw ka tumigil."

Napakamot-kamot sa sinabi niya. Tinanong ko siya kung may gagawin ba siya o ako, kung may penalty. Pero sabi niya ay warning lang daw muna. Nagpasalamat naman ako.

"Thankyou talaga, sir." Halos mangalay na ako kakayuko sa pagpasalamat dito. Siya naman itong hindi matigil kanda lungo-lungo. Tumingin ako sa likuran niya sa bandang may seven eleven nang may makitang pamilyar na taong naka side view. "What the hell.." tinakpan ko agad ang aking labi dahil nasa harap ko pa pala ang enforcer.

Tumingin ulit ako doon sa may seven eleven at kausap nito ang cashier. Naka salamin, at naka t-shirt na kulay itim at skinny jeans. Ang kumuha talaga ng atensyon ko ay ang malaking pangangatawan nito. Sa bawat pagalaw ng braso niya ay kita ko ang malaking biceps niya. Down to his chest. At ang braso niya... MAY TATTOO? Really!? Bakat na bakat pa naman ang kanyang katawan sa t-shirt niya at sa suot niyang skinny jeans.

"Miss, naglalaway na ho kayo," saway ng enforcer na nagpabalik sakin sa reyalidad. Pinandilatan ko ito ng mga mata sa sinabi niya.

"Oy! Di ah! Di ako naglalaway!" Defensive kong sabi at pinaandar na ang makina. Sa huli ay ngumiti pa rin ako dito at nagpasalamat. Pero bago umalis ay tumingin ulit ako sa loob ng seven eleven. Pero wala na ang taong nakita ko.

Baka ibang tao lang yon. At hindi siya yon. Sa pagkakilala ko sakanya, ay hindi naman siya ganon. Parang ibang tao kasi talaga iyon pero magkamukha lang. Baka kambal?

PAGKA-UWI sa bahay ay natulog ulit ako. Pagkagising ay umiyak. Naligo at kumain ng dinner. Sa gabi ay umiyak ulit. Nanood ako ng documentary crime, pero imbes na manindig balahibo ay humagulhol ako. Nanonood naman ako ng comedy para maging masaya ang mood ko. In the end, parang baliw naman ako na umiiyak habang tumatawa. Kaya napagpasyahan ko na lang na lumabas ng bahay.

Kailangan ko ng kasagutan. Akala ko nga ay pupunta ang kapatid ko at sasabihin ang lahat sakin. Pero wala, naghintay ako sa wala. Kaya ako na mismo ang pupunta sakanya o kaya sa tiyo ko. Mabuti pa kasi yon nagsalita. Eh ang kapatid ko. Kung hindi ata sinabi ni tiyo noong nalasing siya ay walang may magsasabi sakin. Hindi sasabihin sakin ng kapatid ko.

Ang sakit kasi. Alam mo iyon, dugo't pawis ko ay inalay ko. Kulang pa ako sa tulog minsan habang nagtra-trabaho at naga-aral. Meron pa na time na nakatulog talaga ako sa klase. At nadala ako sa clinic dahil dumugo ang ilong ko dahil sa walang pahinga. Natatakot kasi ako na walang maipadala at mapa-ano si mama. Ayoko mawala siya, kaya noong naka-graduate ay nag trabaho agad ako. Well, nagsaya naman ako. Pero masasabi ko talagang lamang ang stress ko kakaisip sakanila. Dahil inuna ko sila.

Text Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon