Chapter 22

2 0 0
                                    

Linggo at nasa hospital ako. Kakadating ko lang at si mama naman ang umalis. Hinabilin sa akin na bantayan maagi si papa na payapang natutulog.

Magda-dalawang linggo na si papa sa hospital at palaki na rin nang palaki ang bayarin namin, kahit pa nasa public lang kami. Ang sabi ay baka bukas makalawa ang makaka-uwi na si papa. Sa narinig ko ay hindi dahil sa okay na siya, kundi dahil nagmamaka-awa na ito kay mama na umuwi na. Hindi niya na raw kayang makitang nahihirapan kami. Pero mas lalo naman kaming mahihirapan kung nasa bahay siya at lumala ang sakit niya.

(May Tuberculosis at Kidney failure si papa. Ang sabi ng doctor ay baka sa hangin na nalalanghap nito sa trabaho. Sa isang factory kasi ito nagtra-trabaho. Dagdag pa ng doctor ay baka sa mga iniinom din ni papa kaya siya nagka kidney failure.)

Hindi ko mapigilang maluha habang nakatingin kay papa. Ngayon nag sink in lahat nang sinabi ng kapatid ko. Na nagtra-trabaho siya ng todo dahil sa akin. Nadatnan pa kami non ni mama na naga-away. Pinagalitan pa ako dahil umiiyak ang kapatid ko, hindi ko naman sinabi na nadatnan ko itong may kasamang babae sa bahay.

May nurse na dumating at chineck si papa pagkatapos ay umalis din. Buong maghapon lang tulog si papa at nag mulat lang ng mga mata nang dumating si mama. Hindi niya ako pinansin at sinabihan pang umuwi na. Hindi siya makatingin sa akin at parang nahihiyang harapin ako. Sa huli, ay sinabihan ako ni mama na umuwi na at siya na ang bahala. Sumunod naman ako at malungkot na lumabas sa hospital.

Parang nasa ulap akong naglalakad patunga sa terminal ng jeep ng may kamay na humawak sa braso ko. Natigil ako at walang ganang tumingin dito. Kanina ko pa nga rin naririnig na tinatawag niya ako simula ng lumabas ako sa hospital pero pinabayaan ko. Ayoko ng kausap ngayon, kahit siya.

"Why aren't you answering my calls?" Hiningal niyang tanong. Binitawan niya ang aking braso at inayos ang buhok kong buhaghag. Hinayaan ko siya dahil wala akong lakas ngayon na ibuka ang bibig.

"Hindi mo man lang sinabi sa akin na your father is currently at the hospital. You know I can help—"

"Umalis kana."

Kaya ayoko na sabihan siya. Dahil alam kong tutulungan niya ako. Nalaman ko rin nitong nakaraan na pumupunta pa siya sa school at nakakausap ang kapatid ko. Binigyan niya raw ng baon nang nalaman na wala itong baon.

Hindi pa nga ako nakakabawi sa mga panlilibre niya noon sa akin tapos dinagdagan niya na naman. Napakamot nalang ako sa ulo ko nang hindi siya umalis. Tinalikuran ko siya at hinabol naman niya ako habang nagsasalita.

"Magi-isang linggo mo na akong hindi kinakausap? Are we good?"

Huminto ako dahil sa kulay pula ang ilaw sa taas. Marami akong kasabayang tao na nakatingin sa amin. Ang iba pa ay estudyante, kapareho pa ng id lace na suot niya. Tinitingnan nila ako mula ulo hanggang paa. At pagkatapos ay mag bu-bulungan.

"Please, Trinity." At nagmakaawa na nga siya. "Let's talk about this."

Nagsimula naman ulit akong maglakad. Nakasunod pa rin siya sakin pero ni isang beses ay hindi man lang ako nito hinawakan. Alam niyang ayoko siyang kaharap ngayon kaya nasa likod ko lang siya nagsasalita nang kung ano ano. Nasa gitna kami nang daan naglalakad pero nagsa-salita pa rin ito. May mga tao na ngang sinabihan siyang bigyan daw ako ng time o kaya tinutukso siya. Hinayaan ko lang. Bahala siya.

Sa totoo, ay miss na miss ko rin siya. Gusto ko siyang yakapin at sabihin na hindi ako okay. Gusto kong umiyak sa harap niya at sabihan niya ako ng mga magagandang salita. Pero ayoko na maging mabigat para sakanya. Ayoko na isipin niya rin kung ano ang nasa isip ko. Alam kong galing siya sa university nila kahit linggo dahil sa suot niyang id lace na nakalimutan niya sigurong suot niya pa rin. Alam ko na busy siya sa pag-aaral at ayoko na dumagdag pa ako. Ayoko na patunayan ang sinabi ng ina niya noong huli naming pagkikita.

Text Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon