Chapter 16

3 0 0
                                    


Ang bilis ng mga araw. Pasukan nanaman next week. Kaya nasa bilihan ako ng school supplies ngayon at bumibili. Nanghingi lang ako kay mama ng pera na dinagdagan naman ni papa. Ngiti ngiti pa ako habang pumipili ng ballpen dahil pagkatapos nito magtatagpo kami ni Cael at gagala. Nasa university kasi siya ngayon, hindi ko alam kung anong ginawa niya don. Hindi naman ako nagtanong.

After a month, nagkakamabutihan na talaga kami. At masasabi kong gusto ko na talaga siya. Hindi ko alam kung ramdam niya ba iyon, pero sana oo. Nahihiya kasi akong umamin sakanya. Hindi ko alam kung paano sisimulan at paano sasabihin. Haharap nalang ba ako bigla sakanya at sasabihing gusto ko siya. Noong nakaraan din kasi niya sinabi sa akin na liligawan niya ako. Mukhang dalawang linggo palang simula ng sinabi niya yon. Ang bilis naman ata kung sasagutin ko siya kaagad. Pero pinapatagal ba talaga ang ligawan o ang relasyon? Ah basta, nakakahiya.

Pagkatapos ko bumili ay lumabas na ako at naglakad papunta kabilang kalsada. Napunta ako sa plaza at umupo sa isa sa mga upuan. Tumingin tingin lang ako sa paligid at baka matanaw ko na siya. Nang hindi ko siya makita ay kinuha ko ang aking cellphone sa sling bag. Tiningnan ko ang last na text niya sakin. Ang sabi nito ay palabas na siya sa university nila. Dala niya raw kasi ang sasakyan nila.

Hanggang ngayon iniisip ko talagang ibang iba kami sa isa't isa. Ang yaman kasi niya, hindi man niya aminin pero alam ko naman. Sa gawi at pagsasalita niya, sa mga bagay na meron siya at kahit sa kursong kinuha niya. Dentistry ang pinili niya. Akala ko nga ay mag su-surgeon siya. Pero ang dahilan niya, gusto niyang makapangiti ng mga tao o ibalik ang ngiti nila sa pagtulong niya kung dentista na siya. Araw araw akong humahanga sa lalaking yon. Kakaiba talaga siya.

"Ate..."

Maliit na boses ang nagpukaw sa akin. Isang batang nasa edad na sampo ata ito. Naka suot siya ng t-shirt na kulay pula at shorts na blue. Wala siyang tsinelas at marami pang butas butas ang kanyang damit, dagdag pa ang dumi sa kanyang paa at mukha. Nabiyak kaagad ang aking puso sa batang nasa harapan ko. Ang malnourished niya kasi at ang mga mata niya parang ilang araw na naiyak.

"Pahingi po pagkain.."

Binuksan ko ulit ang aking sling bag at kinuha ang biscuit na nasa bag ko. Buti nalang dahil kahit saan ako pumunta may dala dala akong pagkain. Kinuha ko rin ang bottle water na binili ko kanina. Ibinigay ko ito sakanya at nag liwanag naman ang kanyang mukha. Halos mabali pa ang kanyang leeg sa kaka yuko sa harapan ko sa pagpapasalamat.

Dapat talaga tinutukan din ang mga batang nasa lansangan at syempre ang kanilang mga magulang. Kasi walang batang lansangan na gutom at ma iiyak nalang sa tabi kung walang magulang na pabaya, hindi naman masasabi talagang pabaya sila kasi paano kung wala rin silang pwedeng ipakain. Pero sana, kung wala naman lang silang mabigay sa magiging anak nila. Sana ay mag practice sila ng huwag magpadami. Mahirap kaya magpalaki ng bata, simula sa binubuntis palang hanggang sa paglabas at paglaki nito. Hindi sa pera lang ang kinakailangan pero kailangan din ng kalinga at pagmamahal. Para sa akin, kapag maga-anak na, kailangan isipin na dapat handa kana mapa mental man o physical. Handa rin dapat ang kasama mo, ang kasama mong gumawa ng bata. Dahil ginawa niyo iyon, kailangan niyong mag tulungan na palakihin iyon ng maayos. Dahil obligasyon niyo iyon.

"What are you thinking?"

Nagulat ako sa biglang nag salita sa tabi ko. Hindi ko namalayan na katabi ko na pala ito at titig na titig sa akin. Nginitian niya ako at inayos niya ang kanyang salamin.

"Wala naman.." sagot ko at tumingin sa paligid. Hindi ko namalayan umalis na pala ang bata na nasa harap ko pa kanina. "Kanina kapa?" tanong ko sakanya.

Lumungo-lungo siya at sumandal sa sandalan ng upuan habang hindi sinisira ang pagtitig sa akin. "Not really," sagot niya.

"Akala ko nag kotse ka"

Text Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon